C A L C I F E R
"Ikaw?!Anong ginagawa mo rito?"
Unti-unti kong nakita na lumabas si Harvey sa puno. Anong ginagawa niya dito? At bakit naguusap sila ni Rhae? Hindi ba parati magkaaway 'yong dalawa?
Napansin kong napalinga-linga si Rhae sa paligid na parang may hinahanap.
"Wag ka na maghanap ng ibang tao kasi ako lang naman ang nandito." Sambit ni Harvey na nakatayo na sa may harap ni Rhae.
"So... ikaw nga ang nagiwan nitong note sa desk ko kanina?"
"Obvious ba? Akala ko ba matalino ka?" Napaalog si Harvey sa buhok niya at napatingin sa ibang direksiyon.
Teka, bakit parang iba ang postura ni Harvey. Malumanay rin ang boses. Palagi kaya kaming pinagiinitan ng ulo nito. Pero mostly si bestfriend.
"Hoy Harvey! Umayos ka hindi ako nakikipagbiruan! Ano bang sasabihin mo ha na kailangan mo pa ako papuntahin sa likod ng building?!" Iritang simula ni Rhae.
"Eto nga! 'Y-yong payong mo nakalimutan mo kahapon!" At biglang nilabas ni Harvey 'yong payong. Kinabahan ako dahil akala ko ihahampas niya sa ulo ni Rhae pero nagulat ako ng tinapat lang niya sa noo ni Rhae ang payong. Kung sa anggulo ko para pang sweet ang ginawa niya dahil tinapik lang niya ang dulo ng payong sa ulo ni Rhae.
"Okaaay, eto lang ba? Kasi kung wala na aalis na ako.Wala ako sa mood ngayon."
Ayan na naman yong paniningkit ng mata ni bestfriend. Minsan nga nakaka-intimidate. Kaya parati sila nagaaway ni Harvey eh.
Akmang tatalikod na si Rhae pero hinawakan siya bigla sa braso ni Harvey na kinagulat ko.
"Ano?!" Inis na tanong ni Rhae.
"P-prom!" Napabulalas si Harvey.
"Ha...?" Gulat ang mata ni Rhaenyra pati ako natigilan.
Anong.... Sabi ni .. Harvey?
"S-sabi ko may ka date kana ba sa prom!" Sigaw ni Harvey pero namumula sa mukha.
Hindi ko alam bakit,
Pero napahawak ako ng maigi sa dingding ng kinatatayuan ko.
Is Harvey.......Pero akala ko...
"Wala.... Bakit? Anong meron?" Tangang tanong ni Rhaenyra.
Ano?! Wag mong sabihin hindi pa niya naiintindihan ibig sabihin ni Harvey! Minsan talaga si Rhaenyra.... Hindi ko alam ganito siya ka clueless!
"Tanga ka ba?" Parang nagsisimula na namang mapikon si Harvey. 'Yong usual asar na mukha niya bumabalik.
"Kanina ka pa ah! Hindi ako tanga! Hindi ko lang magets bakit mo ako papupuntahin dito sa kalayo-layong lugar tapos magtatanong ka ng walang kwentang bagay!" Litanya ni Rhaenyra.
A...
"Hay! Diyos mahabagin bakit ba kasi sa lahat ng babae-! " Napahilamos ng mukha si Harvey.
"Hoy Pangit! Tatadyakan na talaga kita! Ano ba kasi ibig mong sabihin!?" Inis na sagot ni Rhae.
"I am asking you to be my effin' date sa prom but you're making this so-difficult!" Napabulalas si Harvey.
Natigilan si Rhae.
Bigla namang napatakip ng bibig si Harvey na parang napagtanto niya na nasabi nga niya ang gusto niyang ipahiwatig. Umiwas siya ng tingin.
"Uhm.... i... uh... uh..." Natameme na yata ang bestfriend ko.
Sa ilang taon naming magkaibigan... eto pa lang ata ang unang pagkakataon na may naglakas loob lumapit kay Rhae na lalake at yayain siya ng kung saan. Maliban sa akin siyempre.
She was always the strong one.
Lalo na sa mga nambu-bully sa'kin. I always think of her as my hero... kaya minsan... nakakalimutan ko na....
Babae nga pala si Rhae...
Napabuntong hininga ako. Hindi na dapat ako nakikinig sa usapan nilang dalawa. I shouldn't eavesdrop on my bestfriend.
Akmang maglalakad na sana ako palayo pero natigilan ako sa aking narinig.
R H A E N Y R A
"Ugh forget I asked! Alam ko naman eh! You're going with Calcifer right?"
Napatingin ako kay Harvey. Sa tagal naming aso't-pusa sa classroom ngayon ko lang siya nakitang tumingin sa akin ng seryoso. Sa sobrang gulat ko sa tanong niya kanina parang hindi pa ako naka recover.
"Actually...... ang totoo...H-Hindi...."
"Ha?! Hindi ka pa inaaya ni Taba sa prom?!"
"Isa pang taba sa bibig mo, sasapakin na talaga kita Harvey!" Inis na sambit ko sa kaniya.
"Fine, fine! Pero seryoso hindi talaga?"
Mas lalo ako naiinis sa ngiting unti-unting bumabakas sa labi niya.
"At ano naman nakakatawa? Malay ko ba! Hindi lang naman ako ang pwede i-date ni Calcifer sa prom! Isa pa meron na siyang Minna!"
"Ano? Pumayag 'yong Minna makipagdate sa kaniya?!"
Napahawak ako sa sentido. "Ewan ko sa'yo Harvey. Isa pa none of your business na 'yon kung sino ka-date ni Calcifer. "
"It is mine though. Kailangan kong malaman kung wala ka pang ka-date sa prom."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit si Calicfer lang ba pwede kung i date sa prom?! Ang dami namang lalake sa klase natin ah!"
"Exactly my point! Hindi lang naman kasi siya ang pwede mong maka-date." At ngumisi si Harvey sa'kin.
Hindi ko nagugustuhan ang ngiti niya.
"I meant may iba pa namang lalake besides sa'yo no! At sa-sa kaniya!"
At tumawa siya. "Bakit may iba pa bang lalakeng hindi natatakot sa'yo bukod sa bestfriend mo at sa'kin...?"
Uminit ang pisngi ko. Eh ano naman ngayon?!
"Che! Wala akong pake sa prom na 'yan!"
"So, hindi ka pupunta?"
"Oo! Para lang 'yan sa mga gusto magkasyota! Gulo lang 'yan!" Inis na sambit ko. Hindi ko alam bakit bumabalik ang inis ko. Maalala ko lang na pupunta si Calcifer... kasama ang Minna na 'yon.
"O sa mga gustong manligaw..." Sambit ni Harvey.
Mas lalo akong nainis. "Che! Alam ko si Calcifer! Hindi 'yon ang rason bakit pupunta 'yon ng prom!"
Hindi naman siguro 'di ba?
Crush lang naman siguro 'yong nararamdaman niya para sa Minna na 'yon....
. . . . .
C A L C I F E R
Bakit ako ang pinagusapan nila Harvey kanina?
Bakit niya inassume na ako kaagad ang magiging ka date ni Rhae?
Mag bestfriend lang naman kaming dalawa ah!
Akala ba niya na may gusto ako kay Rhae kaya niya nasabi 'yon?
Ganon kaya ang pinapakita namin sa buong classroom?
Pero bestfriend lang naman kami ah! Para ko ng kapatid si Rhae!
Isa pa siya ang protector ko... para isipin ko 'yon kay Rhae...
Inalog ko ang ulo ko.
Dapat hindi ako magisip ng kung anu-ano, malapit na ang prom. Kailangan kong gawing special ang prom night.
Siguro sa mga kung anu-anong sinabi ni Harvey kanina isa lang ang tumpak at may saysay.
Ang prom night ay isang gabi ng chances.
Lalo na sa mga gustong manligaw.
Minna... ano kayang klaseng bulaklak ang magugustuhan mo?
. . . . .
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Fat Guy
Literatura FemininaParati akong na-a-attract sa mga matatabang bagay. Ang cute kasi, tapos parang parati silang masaya at huggable kapag may problema ka. Pero isang summer, may nakilala akong isang mataba na hindi kasing saya ng mga stuff toy ko na matataba. Pero hind...