anim na letrang katagang kailangang pagsamahin upang mabuo ang salitang ito, salitang mag papaguho ng tibay ng isang tao, salitang ni minsan ay walang mabuting maidudulot sa isat isa kundi ang nararamdaman na hindi kanais nais. Mahal, ako ba? ako ba yung taong pinaglaruan mo lang, ako ba yung taong ginamit mo lang na parang gamot na papahilumin lang ang sakit na naranasan mo sa taong iyon at pag laon ay hindi na pagbibigyang pansin. Mahal, ito ba? ito ba talaga ang plano mo simula palang ng lahat, ito ba yung lagi mong ini isip sa iyong utak na walang intensiyon kundi saktan lang ako. Mahal, sino ba? sino ba talaga ang ang pinaka mamahal mo, sino ba talaga ang ang mahal mo sya na walang alam gawin kundi paasahin ka saktan ka at paikutin ka na sya mo namang ginagawa sakin. Mahal, kelan ba? kelan mo ba sasabihin ang totoo sa akin, kelan mo ba sasabihin ang totoo na sya lang ang mahal at hindi ako na lahat halos gawin para sumaya ka. kabog ng dib dib damdamin at hikbi ay masakit kong nararamdaman sa tuwing nakikita kitang kasama mo sya, ang tibok nito'y hindi mawari sa hapdi at pagkasuklom sa kawalan, halos lahat aking gawin kulang nalang ay ang sarili kong wala nang kibo sa mga nakikita sa paligid. Mahal, hiling ko'y ako'y iyong mahalin sapagkat dapat datapwat ako'y sayo'y tapat na nagmamahal at ang tangi ko lang masasabi ay "PUTANGINA MO PAASA KA. A/N: Sorry po sa word!!
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetrySA LAHAT NG MGA NASAKTAN DAHIL SA LINTEK NA PAG IBIG NA YAN!! (BITTER SIDE)