"MAAARI PA BA"

509 6 6
                                    

Eto na po yung request mo @PatGuts sana magustuhan mo!! kahit ampanget😂😂😂😂😂
-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/-/
Maaari pa ba? maari pa kayang maibalik ang nakaraan,
bawat minuto'y ramdam ko ang sakit sa aking puso dahil sa nakaraan,
mga nakaraan na hindi na dapat nang alalahanin at isipin pa man,
pagbabalak na ibalik ang nakaraan  na tila'y winaglit ang matinong kaisipan,
mga luha na pilit na pinipigilan ng talukap ng mga mata bagama't sa mga nararamdaman.

Maaari pa ba? maari pa bang tiisin ang mga lungkot upang makita ka lang muli,
mga lungkot na palaging gumabagabag sa pagtulog tuwing gabi,
tiisin muli ang hinanakit at konsesiya sa mga katangahan at pagkakamali,
ang pag aasam na makita kang muli kapalit ng mapait na pagtitimpi,
sa oras na ito'y sa iyo ay ipinapadama upang ito'y iyong pagsisihan sa huli,

Maaari pa ba? maaari pa sigurong kalimutan ka nalang kesa maghirap pa,
kalimutan ka ang tanging gamot sa puso't isipan na kinapos sa pangangamba,
paghihirap na palaging dinadanas ng damdamin at wala nang ginawang tama,
kung ito'y aking gagawin hindi man sigurado ang akala ko'y hindi ako sasaya,
ngunit tama ang aking desisyon nakatulong ito sa mga ginawa mo na walang kasing sama,

Maaari pa ba? maaari pa bang ikaw mismo ang bumalik sa aking piling,
kung ikaw mismo ang babalik ako ay tatawa at babansagan kang magaling,
sa aking piling na iyong winaglit lalapit at aasahan na ika'y aking dinggin,
dinggin ang iyong pagbabalik at muling kumbinsihin na ika'y muling may pagtingin,
babalik ng may halong takot na ikaw ay aking paalisin dahil ikaw ay nagawa ko nang limutin.

A/N: mag suggest pa po kayo ng tittle para magawan ko rin po yung iba😍😂✌🏻️🙄💯💕😘

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon