hayysssss grabe kakatapos ko lang nito!!! kayo na bahala humusga wahahhahahah😂😂😂 PS: LAHAT NG PINOPOST KO DITO AY TOTOONG AKO LANG ANG GUMAGAWA...💯👌🏻
-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-Unti-unti, unti-unting pumapatak mga luha ng ulap,
na sumasabay sa ihip ng hangin na nagbibigay hapdi at sarap,
ang sarap na nagtatali at tumatak na sa aking puso at isip,
at hapdi na nagbibigay sakit sa aking puso na tila ito ay iyong nahagip,
mga emosyon na tila ay saktong sumasabay sa pagluha ng mga ulap.Unti-unti, unti-unting lumalala mga sugat at kirot,
ginawa na ang lahat binigyan ka ng kumot pero ayaw mo ng lambot,
unti unti ko na lang nilulutas upang malaman kung ano ang sagot,
sugat na ini-inda ko parin sa ngayon kaya binawasan nalang ang likot,
kirot na nagpapahirap sa aking pusong pinahirapan at nilagot.Unti-unti, unti-unting nalalagas mga rosas ng pag-ibig,
nalalagas mga pagtitiwala kung kaya't nawala na ako sa iyong bisig,
mga talulot ng rosas na nalagas marahil iba na ang iyong ibig,
unti-unti nang nawalan ng sigla at napagtanto na hindi na ikaw ang aking hilig,
kulang na pag-ibig ang iyong dulot kung kaya't ang lumalabas sa mga mata'y tubig.Unti-unti, unti-unting lumilipas mga pagkasabik sa iyong mga halik,
lumilipas ang mga dating paghanga sayo at ang mga pagkasabik,
pagkaripas ng puso na tila halos ay hindi na ito humiminto sa pagtibok,
ang dating ikaw lang ang gusto at sa isang iglap ay hindi na muling bumalik,
at ikaw rin ang naging dahilan kung bakit ang puso ko ay nawalan nalang ng balak.-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-@-
SUGGEST NGA PO PALA KAYO NG TITTLE GAGAWAN KO PO KAYO PROMISE!!!👌🏻💯
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetrySA LAHAT NG MGA NASAKTAN DAHIL SA LINTEK NA PAG IBIG NA YAN!! (BITTER SIDE)