una ka pa lamang nakita ang puso ay hindi mawari sa pagtibok,
kahit mga messages ko sayo na unti unti nang nabubulok,
kapag ika'y nawala ikaw ay aking hahanapin san mang sulok,
paghanga sayong mga postura ikaw nalang ay bibigyang alok,
na tumuloy at ang mukha mo ay aking ma ukit at malilok.Kwento ng aking buhay sa ngayon ay patungkol lang sayo,
paghanga sayo ay hindi masusukat ng ordinaryong tao,
kinikilig sa iyong mga pag ngiti sa yong mga palabas minu minuto,
pagkahumaling sayong mga postura sa mga bawat segundo,
pag mamahal sayo ay hindi maglalaho kahit ano man ang iyong anyo.Marinig lang ang iyong himig ay sobra na akong sasaya,
buo mong ka anyuan ay nais kong makasama at makita,
ngayon lang ako matapang at pag nariyan nay'y mababalot na ng hiya,
aking mga pagka kilig sayo ay akin nang nasira aming silya,
sa aking mga panaginip na kapiling ka ika'y aking hila hila.Nais kong malaman mga impormasyon mula ika'y isinilang,
aking cellphone ay puno na ng iyong mga imahe o aking hirang,
lahat ay aking gagawin basta't ika'y akin ay masilayan lang,
ang iyong mga imahe sa aking silid ay hindi pa mga kabilang,
pagmamahal ko sayo ay hindi matatalaga na ito ay kulang.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetrySA LAHAT NG MGA NASAKTAN DAHIL SA LINTEK NA PAG IBIG NA YAN!! (BITTER SIDE)