"NANG NAWALA KA NA"

747 9 0
                                    

                   
HAYYYSSSSS naisingit din toh wahahahhahaha nakapag update ren sa wakas.... enjoy reading😘💯👑😍
/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/:/
nang nawala ka na pagmulat pa lang ng aking mga mata ay wala ng diwa,
diwa na tila nagpapanabik ng pagmulat ng aking mga mata,
aking mga mata na ikaw lang ang tinititigan at wala nang iba,
diwa na hatid mo NOON oo noon pero ngayon ay wala ka na.

nang nawala ka na mga nakasanayan dapat ng kalimutan,
nakasanayan na tila laging kang mahalin at yakapin,
pero pagkalimot sa iyo ang tanging gamot sa sakit na nararamdaman,
mga nakasanayan na dapat nang pagbawalan dahil wala na itong katuturan.

nang nawala ka na mga ala-ala ay lubhang hindi na maibabalik pa,
mga ala-ala na minsan ay tumatatak sa isip na pilit na winawaglit na,
pagbabalik nito ay matatalatalagang isang kahibangan na,
ating mga ala-ala na sa akin ay nagsilbi nang walang kwenta.

nang mawala ka na tila puso ko ay nadurog sa tuwing naiisip kita,
tuwing ika'y naiisip mundo ko'y mawawasak sa mga ala-alang kasama pa kita,          
    puso ko'y nagkaka utay-utay sa tuwing na aalala mga araw na kasama pa kita,
naiisip kita ng may halong luha at pighati sa mga ala-alang kahati at kalambingan kita.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon