CHAPTER 4 [ACCIDENT]

184 9 1
                                    

*BAR*

PHIL’S POV

     Kamusta? Sana kilala niyo na ako o natatandaan man lang. By the way Damon Philip Mendoza is the name. but you can call me Phil. A very charming and hansome guy…hehe. Kung bakit kami magkasama ni Raffy? Business matter.

     May sasabihin ako sa inyong sikreto, pero huwag ninyong ipagkakalat ha! May gusto kasi ako kay Ember. Oo hindi kayo mali ng basa si Ember talaga ang gusto ko. Kaso asawa na siya ngayon ni Raffy. Okay lang sport naman ako eh. Pero ipinapangako ko na lagi akong nandito para sa kanya.

     Syempre sa ngayon bilang best friend lang muna. Malay natin baling araw maging kami rin. Oh 'wag naman kayong magalit sakin, hindi ko naman siya aagawin kay Raffy eh. Hindi naman niya alam 'tong feelings ko para sa kanya. Si Yanna -kapatid ni Raffy- lang ang may alam ng secret ko. Dahil isa din siya sa mga best friends ko. Kahit kasi best friend ko rin si Ember hindi ko iyon pwedeng ipaalam sa kanya.

     Friendship na nga lang meron kami baka mawala pa. kaya naman si Yanna na lang muna ang kinu-kwentuhan ko ng aking nararamdaman para sa kanya.

     “Miss mo na si Ember 'no? tawagan mo na kasi asar ko kay Raffy, kanina pa kasi niya tinitingnan yung phone niya. Alam kong nag-aalala 'yan kasi walang kasama yung asawa niya sa kanila.

    Bakit ko naman gagawin yun?” walang gana niyang sabi.

    Kasi nag-aalala ka sa kanya dahil wala siyang kasama sa bahay niyo.”

    Tss…”

     Sige dun muna ako, mag-hahanap ng chicka babe.”

     Nang medyo nakalayo na ako nilingon ko siya. At napa-ngiti ako nang Makita ko siyang nag-da-dial sa phone niya. Hindi rin nakatiis ang loko. Kinuha ko rin ang phone ko pagka-upo ko sa bench sa labas ng bar. Tatawagan ko si Yanna. Nakakabagot kasi. Nakakatatlong tawag na ako sa kanya pero wala paring sumasagot. Ano kayang nangyari dun?

EMBER’S POV

   Hay… nakakapagod ang araw na ito. Buti nalang last photoshoot na yun para sa bagong cover ng Watty Magazine. Pumasok na ako sa kwarto at tsineck ang phone ko. Shit! 12 missed calls galing kay Raffy. Hindi ko nasagot. Naka-silent kasi ang phone ko kanina.

     Tatawagan ko na sana siya nang biglang nag-ring ulit ang phone ko. Sinagot ko agad ito.

    “Hello?” sagot ko sa tawag niya.

     “I tried to call you several times. Are you okay?” may pag-aalalang sabi niya.

UNEXPECTED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon