CHAPTER 5 [GOODBYE PAST, HELLO PRESENT]

180 5 1
                                    

EMBER's POV

Hindi pamilyar na kwarto ang nabungaran ko pag-gising ko. Kulay peach ang buong paligid at nang mapatingin ako sa taong nakadantay ang isang kamay sa tiyan ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang damdamin.

Raffy.....

Pilit kong inaalala ang nangyari sa  akin nang mapatigin ako sa couch. Napangiti ako sa nakita ko, si Ruby at Phil kasi tulog na tulog.Gumalaw ako ng kaunti, na naging dahilan nang biglang pag-angat ng tingin ni Raffy sa akin. Naramdaman siguro niya ang pag-galaw ko.

    

"May nararamdaman ka bang masakit sayo? Ayos ka lang ba? I'm so worried about you. Just wait here, okay? I'll call the doctor." sunod-sunod na sabi ni Raffy. Hindi ko na rin nasagot ang mga tanong niya dahil lumabas na siya ng silid.

    

Nakita kong nagising na ang dalawang tulog mantika. Agad naman silang lumapit sa akin.

    

"Oy bruha, pinag-alala mo kami. Ayos ka na ba?" sabi ni Ruby na medyo inis pero halatang nag-aalala.

    

"Okay na naman ako, no need to worry." sabi ko sabay smile.

    

"Sa susunod kasi mag-iingat ka" sabi naman ni Phil.

    

"Opo 'Tay!" natatawa kong sagot sa kanya.

    

"Sige bruha, pahinga ka muna diyan. Magkakape lang muna kami ni Phil." si Ruby.

    

"Okay, salamat sa pagdala sakin dito at sa pagbabantay." alam kong siya ang nag-dala sakin dito. Syempre siya huli kong kausap. Tiyak na pinag-alala ko siya ng husto lalo na nung sumigaw ako.

    

"Sus, wala iyon." nakangiting sabi niya.

    

Mga ilang sandali pa pagkalabas nila, nang pumasok naman si Raffy kasama ang doktor. Sinuri ng doktor ang mata ko at pagkatapos ay tsinek ang tibok ng puso ko.

    

"You don't need to worry, Mr. Moreno . Your wife is safe. Mamaya babalik na lang ako rito para sa resulta ng X-ray niya." sabi ng doktor.

    

"Thank you, 'Doc" sabi ni Raffy at hinatid ang doktor hanggang sa pinto ng silid. Nang tuluyan nang makaalis ang doktor ay binalikan niya ako. Uupo sana ako ng mapa-igik ako ng bahagya. Bigla kasing kumirot ang balakang ko.

UNEXPECTED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon