Yuan: Good morning!
Yuan: Gising na baby :)
Yuan: I love you
Alicia: I hate you!
Yuan: 😞
5:05 pm
Alicia: Sorry talaga baby akala ko kasi hindi mo naalala. Nahihiya tuloy ako sa'yo.
Yuan: Okay lang. Sorry din kung hindi ko sinabi sa'yo. Gusto ko kasing ma-surpresa ka, hindi ko alam na magagalit ka.
Alicia: Naguguilty tuloy ako. 😭
Alicia: Promise, babawi talaga ako sa'yo baby.
Yuan: Kahit 'wag na, makita lang kitang masaya okay na ako.
Yuan: Yiiee! Kinikilig na 'yan. Huwag mong pigilan baka mautot ka niyan 😂
Alicia: Nakakainis ka talaga.
Yuan: Lab mo naman
Alicia: Lab ka diyan
Yuan: Hindi ba?
Alicia: Hindi.
Yuan: Ah ganoon? Akin na nga 'yang human size na teddy bear na si spongebob.
Alicia: Wala ng bawian, madaya ka.
Yuan: Oh sige. Lab mo na lang ako?
Alicia: Hindi pa rin 😂
Yuan: Ganoon pala ah. Akin na 'yang si spongebob tyaka 'yang puso ko. Kinuha mo e!
Alicia: Kinuha ko ba?
Yuan: Oo!
Alicia: Baka kusa mong binigay?
Yuan: Talaga pala ah. Kaya pala sabi sa akin ni Nicole kanina, noong crush mo pa ako noon ang dami mo raw stolen shot sa akin sa phone. Noon pa lang inagaw mo na ang puso ko.
Alicia: Oo na, oo na. Lapagan pala tayo e. Kaya pala noong sinagot kita sumigaw ka pa sakto pang dumaan 'yong dean kaya napaguidance ka tuloy haha
Yuan: Mahal kasi kita. Buti pa ako nagsasabi ng totoo. Ikaw kaya kailan?
Alicia: Pag pumuti na ang uwak.
Yuan: Sige makahuli nga ng uwak at kukulayan ko ng puti. May gusto ka bang kulay bukod sa puti?
Alicia: Hahaha bwisit ka talaga!
Yuan: Tuwang tuwa ka naman. Ang cute mo
Alicia: -.-
Yuan: Sige na matulog ka na. Alam ko namang mahal mo ako kahit hindi mo sabihin. I love you Alicia.
Alicia: Che!
BINABASA MO ANG
The Lost And Found
RandomPart 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #279 in Humor #2 in chatserye