Day 26

732 13 0
                                    

Yuan: Salamat ngayong araw baby. Buti na lang pinagbigyan mo ako. Parang gusto tuloy ulit kitang yakapin ng matagal, nami-miss na naman kita.

Alicia: Hindi pa ba sapat 'yong kanina? Nakakailang yakap ka sa akin. Nakakahiya tuloy ang daming nakatingin.

Yuan: Kung ikaw ang kasama ko hindi 'yon magiging sapat. Kulang pa baby. At hindi rin ako mahihiya na ulit ulitin 'yon sa harap ng maraming tao para malaman nila kung gaano kita kamahal. I love you, Alicia

Alicia: Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na makasama ka. Gusto kong gawin 'yon habang buhay. Ang titigan ka, yakapin ka at mahawakan 'yong kamay mo. I love you too

Yuan: Magagawa naman natin 'yon. Pinapangako ko sa'yo na after kong grumaduate, papakasalan kita. Pero syempre kailangan mo muna akong ipakilala sa parents mo.

Alicia: Yuan naman.

Yuan: I know na hindi ka pa rin handa na sabihin sa kanila, pero alam mo namang naghihintay lang ako kung kailan okay na.

Alicia: Thank you

Yuan: Always baby. Sige na matulog na tayo, mukhang napagod ka at gawin mo 'yong sinasabi ko sa'yo kanina. Kumain ka ng marami, mas okay ng tumaba ka ng tumaba. Good night baby.

Alicia: Yeah! I will! Good night

The Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon