Day 7

1.1K 27 0
                                    

Alicia: Thank you sa araw na ito, napasaya mo talaga ako ng sobra.

Yuan: Mabuti naman at ganoon. :)

Alicia: Sorry kung hindi ko masabi sa'yo ang totoong nangyari.

Yuan: Okay lang, naiintindihan naman kita. Alam kong hindi sa lahat ng oras ay matutulungan kita, pero gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako palagi.

Alicia: Thank you. Napakasuwerte ko dahil nakilala ko ang tulad mo.

Yuan: Mas ma-suwerte ako. May girlfriend akong kayang matulog na nakatayo.

Alicia: Yuan! Nakakainis ka talaga!

Yuan: Hahaha naalala ko kanina habang nakasakay tayo sa tren. Sa sobrang pagod mo siguro hindi mo namalayan na nakatulog ka na. Akala ko may nakikinig pa sa kuwento ko tungkol kay Aling Bebang, 'yon pala wala na dahil nakatulog na. Hahaha

Alicia: Grabe ka kasi e! Hindi ko namang akalain na ganoon kalayo 'yong pupuntahan natin.

Yuan: Suprise nga 'di ba? Haha

Alicia: Kung hindi siguro ako nakahawak sa bakal, siguro natumba na ako.

Yuan: Sabihin mo kung hindi kita niyakap at inilagay ang ulo mo sa balikat ko hindi ka makakatulog ng maayos. Kadiri ka pa, nilawayan mo ang damit ko.

Alicia: Hoy! Nilawayan ka diyan. Grabe ka naman.

Yuan: HAHAHA

Alicia: Ang sama mo sa akin ah.

Yuan: Pinapatawa lang kita.

Alicia: Ganiyan pala ang pagpapatawa mo ang asarin ako? -.-

Yuan: Oo masaya kaya.

Alicia: Ikaw lang masaya e.

Yuan: Syempre! Happy pills kita e.

Alicia: -.-

Yuan: Hahaha

The Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon