Day 39

707 13 0
                                    

Yuan: Puwede ba tayong magkita? Nandito lang ako sa tapat ng bahay niyo, naghihintay.

Yuan: Hindi ako naniniwala sa'yo. Gusto kong sabihin mo sa harap ko na ayaw mo na talaga. Directly into my eyes.

8:45 pm

Yuan: Siya ba? Siya ba ang dahilan Alicia?

Yuan: Tangina naman! Sagutin mo ako. Siya ba? SIYA BA?!

Alicia: Oo! Masaya ka na? Nalaman mo na? Tigilan mo na ako.

Yuan: Bakit?

Alicia: Hindi ko na kailangang mag-explain sa'yo! Wala na tayo. Tapos na tayo at wala ka ng paki-alam sa mga gusto kong gawin!

Yuan: No, I still care. Hindi pa ako pumapayag na makipaghiwalay ka sa akin. Gagawin ko pa rin ang lahat para makuha ka.

Alicia: Puwede ba Yuan! Tigilan mo na ako. Hindi na ako natutuwa sa'yo. Ayoko na sa'yo! Mahirap ba intindihin 'yon?

Yuan: Oo! Para kasing noong mga nakaraang araw, okay pa tayo e. Okay tayong dalawa.

Alicia: Pero iba na ngayon. Layuan mo na ako, okay? Hindi ako ang tamang babae para sa'yo. Maraming babae d'yan na mas deserving pa sa akin. Gago ako. Hindi ako babaeng pinapangarap mo. Hindi ako 'yong babaeng maipagmamalaki. Pumili ka ng babaeng makakasama mo habang buhay, 'yong hindi ka ipagpapalit, 'yong hindi ka iiwan. Please Yuan, tigilan na natin ito ah?

Yuan: Ano naman kung maraming babae d'yan? Ano naman kung mas deserving pa sila kaysa sa'yo? Hindi naman sila, ikaw. Hindi naman sila 'yong taong mahal ko. Hindi naman ikaw 'yon. Kaya please, bawiin mo na 'yong sinabi mo.

Alicia: Buo na ang desisyon ko.

You can't reply to this conversation. Learn more.

The Lost And FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon