🐇Cursed 1🐇

429 36 9
                                    

That Rabbit !!! Pinakaba ako nun ah ...

kailangan ko na ata talagang lumisan sa lugar na ito . Pero sana ok lang si nanay nancy . Di ko ata kaya na walang kasama. pero sabi sakin ni nanay nancy na pag hindi na siya nakabalik eh, pumunta ako ng bayan at mag tago kay kuya Drake. Hayyys san naman kaya ako mapapadpad sa bayan nito !?

.

.

.

Habang naglalakad ako palabas ng gubat , nakikita ko na ang liwanag at ingay dito. Napansin ko lang dipa pala ako kumakain. Grrrrrrr. (P.S Tunog po yan ng tiyan niya)

Nakarating na ko ngayon dito sa bayan,pero di ko alam kung saan ako pwedeng pumunta gutom na talaga ako .

Hanggang sa napansin ko nalang na maraming tao sa di kalayuan kaya sinubukan kung lapitan. Nakita ko na may nagkakagulo pala doon kaya pala ang dami nilang tao dun. pero nung nakalapit ako sa kanila, huminto sila sa ginagawa nila at napatingin sakin. Di ko alam pero lahat sila napatingin sa banda ko, kaya tumalikod ako kung anong meron!? Pero wala naman akong napansin , kaya nasisigurado ko na ako yun .

Natatakot ako sa mga titig nila parang nakakita sila ng isang diyosa na pwede nilang kunin. Umalis na kagad ako dun. Natatakot parin ako sakanila hangang ngayon. Pero naalala ko na magtatanong pa pala ako dun. Hayyys Gutom na talaga ako , Miss ko na rin si nanay nancy siguro kung nandito siya ngayon inaalagan niya ako ngayon at pinapakain ng paborito kung ulam. Pero di ako susuko ,Kailangan maging malakas ako,kailangan matakasan ko si kuya Drake .

May naaamoy akong masarap..

Hanggang sa nakakita ako ng isang carinderia. kaya lumapit kaagad ako. Nagtanong ako kung magkano ba yung ulam na naamoy ko kanina ,di ko kasi alam kung ano yun. basta feel ko masarap siya

ang sabi ng tindera P30 daw kasama na yung kanin.

Buti nalang may nailgay akong pera sa bag ko kung Hindi lagot talaga ako nito.

kumuha na ko ng pera at ibinayad na sa tindera. pagkatapos kung kumain,ang dami kung nakikita mga estudyante ba yun!? kasi iisa lang ang mga damit nila . sabi kasi ng Private teacher ko ganun daw ang sinusuot ng mga estudyante.

Hirap talaga kung ang dami mong di Alam tungkol sa ilabas. Ayaw kasi akong palabasin Ni mommy at daddy especial daw akong tao . kaya't di ako nakalabas ng bahay . at sa tuwing may bumibisita naman sa aming tahanan eh . pinapapasok ako sa kwarto ko, ilolock nila yun hanggang umalis ang mga bisita namin .

Pero nung nakalimutan nila mommy at daddy na i-lock ang pintuan ko eh nakalabas ako ng kwarto at di ko Alam na may bisita pala kami at yun ang mga magulang Ni kuya drake . Nag tago muna ako nun sa ilalim ng lamesa . pero may nakita akong kutsara na nahulog galing sa pinagtataguan kung lamesa . nakita ko ang bata na sa tingin ko ay mas matanda pa sa akin . yumuko ito at nakita niya ko na nagtatago sa ilalim ng lamesa , pero nung nakita niya ko eh tumititig siya sa aking mukha hanggang sa aking mga paa. Kaya ako ay nahiya at sa tingin ko ay ako ay namumula. Kaya tumalikod ako sa kanya pero pumunta Naman siya sa harapan ko . Nakangiti na siya ngayong nakatingin sa akin. Pero bumalik din siya sa upuan niya ,pero nabigla ako nung nagsalita siya pag kaupo niya sa kanyang upuan.

Mom , dad , I want to married the girl under this table !!!

Napatingin Naman sa ilalim ng lamesa ang mga magulang niya pati narin sila mommy at daddy.

Mukhang nabigla naman ang mukha nila mom at dad nung nakita nila ako dito sa ilalim ng lamesa.

Oh! Kylie , you didn't tell me that you have a beautiful daughter . - (drake's mom )

Mukhang nataranta Naman sila mom at dad sa sinabi ng mommy ng Bata .

Ah, yeah yeah this is my son ,Oh I mean daughter . sabay pilit na ngiti Ni mommy.

Hanggang sa natapos na silang mag-usap at kumain .

Aalis na sana sila pero ayaw mag pa uwi ng Bata- (kuya Drake) sabi niya gusto niya daw akong makasama at Hindi daw sila aalis hanggat hindi ako sumama sa kanila kaya natakot ako nun pero napatigil nila yung Bata ng sinabi sa kanya ng magulang niya na babalik nalang daw sila bukas dito. Kaya napapayag Naman ito.

Nang matapos ang pangyayaring iyon eh pinagalitan nila ako at tinanong kung bakit ako lumabas ng kwarto ko . sumagot Naman ako sakanila at sinabi ko sa kanila kung bakit ako bumaba.

Pero ng lumipas ang mga araw eh laging nandito yung Bata na nakakita sa akin sa ilalim ng lamesa . Hindi matatapos ang araw niya ng hindi siya pumupunta dito . hanggang sa nalaman ko na Drake ang kanyang pangalan pero mas matanda siya sa akin kaya kuya ang tawag ko sa kanya .

"Magkaibagan daw ang aming magulang sa negosyo kaya sila pumunta ng bahay namin nun gusto Lang sana daw nilang mangamusta. At ayun na nga ang nangyari.

At hanggang sa nalaman na ng magulang Ni kuya Drake na Hindi ako isang babae kundi lalaki .Nung una nabigla sila pero wala parin silang paki , lagi paring pumupunta si kuya Drake sa bahay namin.

Hanggang sa di inaasahang maaksidente ang aking mga magulang sa car accident .

Simula nun kinuha ako ng mga magulang ni kuya Drake at Dun nila ako pinatira . Hindi rin nila ako pinapalabas tuwing may bisita.at meron parin akong private tutor. Lagi Rin binibigay Ni kuya Drake kung ano man ang gusto ko. Pero sa nagdaang araw Si kuya Drake , parang lagi niya akong kinukulong kahit na walang bisita pinatanggal niya rin lahat ng lalaki na katulong nila pati narin ang hardinero eh pinaalis na rin. Kaya't halos lahat ng katulong sa kanilang bahay ay babae.

Hanggang sa maging 16 ako . gusto na niya akong pakasalan , pero tumanggi ako . dahil sa Hindi ko Naman siya mahal.

Kaya naghanap ako pupwedeng paraan para makaalis sa lugar na ito. Pero buti nalang at tinulangan ako Ni nanay Nancy na tumakas sa bahay na ito ,hanggang sa mapadpad na ko dito .

......

P.S - guys yan muna yung update 1076 words din yan mag uupdate ako sa susunod na linggo pag may mag 3 votes dito or 5 .

Kaya sa susunod ako mag uud kasi may practice kami ng sayaw at kailangan naring matapos lahat ng project kaya pag di ako makakita ng 3 to 5 votes sa isa pang linggo ako mag uud. Bala kayo.. Bleee😛😜😛.

The cursed of beauty (BxB) (Compass Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon