CHAPTER FOURTEEN

7 0 0
                                    

Yanni's Pov,

Tahimik ang hide out. Wala ang mga bruha at kami lang ni Chanyeol ang nandito. Tahimik? Kailan pa naging tahimik si Chanyeol? Ganito kasi yun. Nagseselos ito kay Jimin, you know Jimin? One of the transferee?

Pinulupot ko ang braso ko sa braso nya kaya napatingin sya sakin at nakakunot sya. ang cute naman nito!

"Chanyeol. Wag ng magtampo."
Parang bata kong sinabi, nakatingala ako sakanya at napapansin kong pinipigilan nya ang ngiti nya.

"Tss Nakakainis ka. Bakit sobrang sweet nyo ni Jimin? "
Halos mapatawa ako. Nagseselos nga ang dewende.

"Mas sweet naman tayo eh."
Natatawa kong sagot,napangisi sya

"Bakit ba kasi seatmate kayo nun?"
Iritado nyang tanong pero nakangisi. Natawa ulit ako

"Edi magreklamo ka kay Maam. Magpacute ka para magkaseatmate tayo."
Sabi ko kaya naman tinanggal nya ang braso nya at inakbayan ako. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya at pinatong ko ang kamay ko sa dibdib nya.

"Okay lang. Kahit na hindi tayo seatmate. Ako naman ang iyong soulmate"
Sabi nya at kumindat,halos masuka ako sa sinabi nya. Saan nya nakukuha ang mga pick up lines na yan?

"Pfft you know what? Para kang ewan."
Sabi ko at piningot ang ilong nya.

"Aray aray aray!"
Natawa ako at binitawan iyon. Crazy little boy. *smirk*

"Mahal na mahal kita. Basta wag mo lang ako ipagpapalit sa pandak na yun."
Sabi nya,kaya napangiti ako at medyo natatawa dahil doon sa "pandak" word.

"Porket matangkad kana ha?"
Sabi ko kaya naman napasimangot sya.

"So,pinagtatanggol mo yung pandak na yun ha?"
Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya.

"Hindi. I love you!"
Sabi ko at sumiil ng halik sakanya kaya he response. He kissed my lips down to my neck when someone is knocking the door. Fudge panira!

"Buksan ko lang."
Sabi ni Chanyeol at binuksan ang pintuan. Pumasok sila,halos silang lahay na pagod na pagod.

"We are so very tired. My gosh! Swerte nyo Yanni,hindi kayo pinalinis."
Nagrereklamong sinabi ni Chrys at sumalumpak sa sofa.

"Huh?Naglinis kayo?"
Natatawa kong tanong,nagtaas ng kilay si Juls .

"Tumatawa ka pa ha? Grabe ka! "
Natawa ako sa inasta nila. Well,hindi ko na kasalanan yun.

"So,ano nga? Bakit kayo naglinis?"
Tanong ni Yeol na nasa kusina na pala kasama ang mga boys na umiinom ng tubig.

"May bisita bukas at oobserbahan ang school natin. Kaya ganon."
Sagot naman ni Kai na painom palang ng tubig. Pero back to girls nalang muna, nakasalampak sina Jem,Chrys,Juls at Roselle sa sofa at nagiisa naman si Emerald sa isang rocking chair malapit sa TV. Alam ko ang pinagdaraanan ni Emerald,masakit para sakanya yun. Napansin ko ang Jem na nanonood ng Kpop videos sa phone nya, si Chrys na may hinahalungkat sa bag, si Juliana na tulog sa sofa at si Roselle na ayun tulog din. Pero napansin ko si Iannah na wala dito, bakit wala yun?

"Dude nakita mo ba si Kris?"
Rinig kong tanong ni Lay kay Chen

"Google ba ako ha?"
Sagot naman ni Chen,napakunot ang noo ko. Dali dali akong pumunta sa mga kwarto at may narinig ako.

"Konting tiis nalang anak."
Halos kainin ako ng langit at lupa nung marinig ko iyon. I heard Iannah's voice and kris's laugh. May anak sila?

Iannah's pov,

Matagal na naming sinisekreto ni Kris na may anak at may relasyon kami. Yep! May anak kami, nakakadiri bang pakinggan dahil ang tingin nyo ay batang ina at ama kami? Just to remind you, mas matanda kami sa mga barkada namin.

"Hello mommy!"
Halos mapaluha kami nung makita ang anak naming naglalakad habang kaskype kami.

"Hello baby!"

"Hello Iris!"

Bati rin namin, nakaakbay lang sakin si Kris.

"I miss you mommy. "
Sabi ni Iris at hinalikan ang screen ng phone nya kaya natawa kami.

"Si mommy lang? How about daddy?"
Natatawang tanong ni Kris. Napasimangot naman si Iris

"Only mommy. I hate daddy!"
At yun na nga napatawa na ako ng malakas,well nakakatawa kasi yun dahil natawa din sa kabilang linya ang yaya na kasama nya at kita mo sa reaksyon ni Kris na parang tanga na nakatunganga.

"Be good girl baby okay?"
Sabi ko kaya naman ngumiti sya.

"Yes mommy!"

"Konting tiis nalang anak."
Sabi ko, kaya naman natawa si Kris. Napairap nalang ako! Tss buffering -____-

Natapos na ang paguusap namin kay Iris ng....

"Hanggan kailan nyo balak isekreto samin na may anak kayo at magkarelasyon kayo?"

Mataray na tanong ni Juliana at halos manginig ako sa nerbyos. Nandito silang lahat,oo! Lahat.

"Karelasyon!"
Sabi naman ni Chen at ginagaya yung sinabi doon sa panood sa tv na "Karelasyon" kaya napatawa ang iba at binatukan naman sya ni D.O

"Sa tamang panahon?"
Sagot ko. Nagbulong bulongan naman sila

"Ano kayo? Alden at Maine? MakaAldub pala kayo ah!"
Natatawang sinabi ni Jem kaya napatawa ang mga lalake .

"Bakit hindi nyo sinabi samin na may anak kayo ha?"
Nakakunot na tanong ni Chrys. Tinignan ko si Kris na walang reaksyon

"Dahil natatakot kaming baka layuan nyo kami."
Ang tanging sagot ko habang nakatingin kay kris.

"Bakit nyo naisip yun?"
Parang tangang tanong ni Chen

"Nasan ang bata?"
Tanong ni Xiumin

"Pano pag nagrebelde ang bata?"
Tanong rin ni Lay

"Isipin nyo ang magiging kalagayan ng bata."

Walang emosyong sinabi ni D.O

"Ano nalang ang mararamdaman nya?"
Nakakunot na tanong ni Luhan

"We're very sorry."
Sincere na sinabi ni Kris.

"Anong name nung baby?"
Excited na tanong ni Roselle kaya napangiti kami. Alam kong hindi sila galit,alam ko. Kilala ko sila!

"Iris. Iris ang name nya."
Sagot ko kaya tumango tango sila.

"Sino nagaalaga?"
Tanong ni Tao na nakasandal sa pintuan.

"Parents ko."
Sagot ni Kris

"Dalhin nyo sya dito hyung!"
Sabi ni Sehun at hinila hila ang balikat ni Kris.

"Oo nga! Kami nalang magalaga!"
Sabi ni Chrys at parang excited na excited.

"Babe! Gusto rin ba ng baby? "
Rinig kong tanong ni D.O kay Chrys kaya ayun,nakatanggap sya ng matinding sapak at natawa kami dun. AXiumin te?

"Oo na! Dadalhin namin sya,basta wag lang kayong magalit."
Sabi ni Kris,nagkatinginan naman sila.

"Sino namang nagsabi na galit kami. We are not!"
Sabi naman ni Yanni at nagapir sila ni Emerald.

"Sa pamamaraan ng pananalita nyo."
Sabi ko naman at umirap.

"Scripted lang yun."
Natatawang sagot ni Suho.

"Pakana ni Chrys."
Sabi ni juliana at tinuro si Chrys kaya nagtago sya sa likod ng Chanyeol. Tss baliw talaga

"Hindi kami magagalit kasi We are one!"
Sabi ni Baekhyun at naggroup hug na kami. TRUE FRIENDS!

Aquinas HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon