CHAPTER FIFTEEN

14 0 0
                                    

Chelsie's Pov,

Buong araw akong nagkukulong sa kwarto. Sabado ngayon at wala akong balak lumabas man lang ng bahay. Ilang araw narin simula nung nangyari samin ni Emerald,nagsisi ako doon oo! Pero hindi alam kong wala akong kasalanan kahit meron. Wait,magulo diba? Sobrang gulo. Alam kong wala naman akong kasalanan dahil humihingi lang naman ako ng tulong dahil nga walang wala kami ngayon. Tsaka kasalanan ko rin, dahil alam ko namang may girlfriend yung tao,bakit sya pa yung tinawagan ko at may problema pa naman sila. Masyado na akong nagiging abusado sakanila. Nakakahiya na ako!

*BZZT BZZT*

Napatingin ako sa cellphone kong nagvibrate,kinuha ko ito.

One message received from Suho

Ito nanaman sya. Ito nanaman talaga! Hindi ko alam? Nakonsensya nanaman tuloy ako, bakit imbes na itext nya si Emerald para humingi ng tawad. Bakit ako nanaman? Pinindot ko ito at binasa

"Lumabas ka ng bahay nyo. Magusap tayo!"

Napapikit ako. Ano bang problema nito?

*TOK,TOK,TOK*

Napamulat ako nung biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ito at si tatay pala. Oo! Magaling na si tatay, salamat kay Suho.

"Tay?"

"May naghahanap sayo. Yung lalakeng tumulong satin. Yung gwapo at-"

"Oo na tay! Lalabas na."
Sabi ko at lumabas. Nasab ko na ba na masyadong boto si tatay kay Suho, dahil matulungin daw ito. Nasa sala na ako at sumilip sa bintana,nakita ko doon si Suho na nakasandal sakanyang kotse at nakabulsa ang dalang kamay sa bulsa. Napatingin naman ako kay tatay na masayang nakangiti. Ngumiti nalang ako ng pilit at lumabas ng bahay.

Nakakahiya nga lang, dahil naka pajama pa ako at sando, pero hindi naman masyadong malaswa. Habang sya ay nakashade pa at pormang porma, talagang bigtime kaya naman yung mga kapitbahay namin ay todo tingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sakaya, tinanggal nya yung shade nya at ngumiti ng pilit.

"Nandito ka ba para singilin ang inutang ko sayo? Pero sorry ah! Nagiipon palang ako."
Dugtong ko. Ngumiti na sya ng tuluyan

"Hindi ako nagpunta rito para singilin ang ang utang mo dahil hindi iyon utang para sakin. Tulong iyon Chelsie!"
Seryosong tugon nya, napaiwas ako ng tingin. Masyado syang mabait

"Umalis kana muna."
Sabi ko pero hinawakan nya ang kamay ko kaya naman napalakas ang bulungan ng mga kapitbahay namin.

"Chelsie!"

"Umalis kana muna Suho. Nakakahiya sa mga kapitbahay namin! Naririnig mo na nga diba ang mga bulong bulongan nila? "

Halos pasigaw kong sinabi. Binitawan nya ang kamay ko at napabuntong hininga.

"Fine! Go inside."

Sabi nya at nginuso ang kotse.

"Ano?"

"Pumasok kana. Pinaalam na kita sa tatay mo kanina at kung ayaw mong pagchismisan tayo,pumasok kana."

Sabi nya, ano bang problema nito? Bwisit! Pumasok nalang ako at dali dali rin syang pumasok. Pinaandar nya ito at umalis na kami.

Aquinas HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon