PROLOGUE
..minsan kahit sa gaanong panahon pa kayong nakasama
..gaanong panahon pa kayong nagkakilala
..gaanong panahon pa kayong nagmahalan
Maaaring sa isang iglap
Lahat ng ito pwedeng mawalang parang bula
Sabi nga "Everything happens for a reason". Pero ang tanong ko hanggang ngayon sa sarili ko, "Sapat ba ang reason niya para iwanan at kalimutan niya ako ng ganoon na lamang?"
"Dora"
"Oh bakit Boots? Ang seryoso mo kanina pa ah. May problema ba?"
"Dora kasi ano.."
"Ano ba 'yon ah?"
Andito kami sa malawak na field. Nakahiga kami pareho sa damuhan. Tumagilid ako tapos humarap sa kanya. Hinawakan ko 'yong mukha niya at hinarap naman niya ako.
"Boots, ano ba talagang gumugulo sa isipan mo? Monthsary natin pero parang hindi ko naman ma-feel na nagsasaya tayong dalawa. Hmmm Boots.. tell me please?"
Bahagya akong ngumiti sa kanya pero pakiramdam kong may hindi maganda sa sasabihin niya. I feel tension in his eyes. Bigla naman siyang bumangon at nag-Indian seat kaya pati ako gumaya na rin.
"Isabella"
Isabella? Tinawag niya ako sa real name ko. Bakit ba sobrang serious niya? I'm not used to it. Hindi kaya ... NO! Baka nagjojoke lang 'to. OKAY RELAX. Huwag kang Negative Bella!
"Isabella" again in serious tone. Tas ang lalim pa ng mga titig niya. I can feel my heart beats so fast.
"W-why Boots?" naka-ngiti pa rin ako. Ayokong maging seryoso rin noh! Baka nagjojoke lang talaga 'tong mahal ko. Dapat hindi ako magpa-uto. KYAAAAH
"Aalis na ako." HUH?!
"Aalis? Eh 5:30 pa lang naman eh! Nagpaalam naman ako Boots. Bakit ang aga mo nama-"
"Pupunta na ako ng America." A-america?
"May nareceive na akong letter galing sa company doon na natanggap daw ako sa audition na sinalihan ko for being an amateur painter. Alam mo naman 'yon 'diba?" Tumango ako.
Of course! Bata pa lang kaming dalawa, he really loves painting na talaga. And yeah, may talent siya doon. I was so happy for him.
"Congratulations Boots! Matutupad mo na 'yong pangarap mo!"
Niyakap ko siya. GOD! For 16 years of his existence, being a painter someday was his biggest dream. Laging siyang sumasali sa mga Contest, Auditions. At heto nakuha siya. Makukuha na niya 'yong pinaka-goal niya sa buhay. Ang maging Professional Painter. Kaya nga sobrang happy ko eh! Hinigpitan ko pa tuloy 'yong yakap ko. Then, he hugged me back also. Pero nag-sink in sa utak ko ,'yong sinabi niyang aalis na siya.
"Thank you Bella." He keep calling me Bella. -______- not in our endearment.
"Your always welcome My Boots!"
After naming magkahiwalay. Back again to serious mode.
"Pero kasi.. ahm Bella, sabi rin sa letter na doon na rin ako mag-aaral for College. May Scholarship nang kasama yung pagkapasa ko. Habang asa pag-papapractice ako sa Painting Session ko, at the same time nag-aaral din ako."
Lahat ata ng saya ko kanina napalitan ng lungkot. Doon na siya mag-aaral? Iiwanan niya ako dito? Bakit parang gusto ko siyang pigilan? Gusto kong huwag na lang siyang pumayag doon. Maisip ko pa lang na magkakalayo kami parang hindi ko kakayanin, tapos mangyayari talaga 'yon? Hindi ko talaga kaya. Naramdaman ko na lang 'yong pagtulo ng mga luha ko.
"Bella please stop crying.. Hindi ko kayang makitang umiiyak ka. Shhh.. Calm down okay?" He wiped my tears aways then he hugged me.
"Kaya nga kanina pa ako hindi makapag-focus sa ating dalawa dahil dito eh. Ang hirap kasi Bella eh. "
Oo sobrang hirap. Kaya nga gusto kong magpaka-selfish ngayon eh! Gusto kong dito ka lang. Ayokong umalis ka. Pero NO! Alam kong may pangarap ka rin. 'yong ang tagal tagal mo ng pinapangarap. At heto na nga eh, matutupad mo na tapos ako 'tong pipigil sa'yo. Gustuhin ko mang makasama ka Tristan, pero hindi ko naman kayang ilayo sa'yo 'yong pangarap mo.
"Please stop crying.. Hindi ko kakayaning iwan ka Bella. Kaya nga irereject ko na lang 'iyo-"
Kumalas ako sa pagkakayakap namin and I look deeply in his eyes.
"NO Tristan! Matagal mo na 'tong pinangarap. Ang tagal mo 'tong hinintay. Your dream was also my dream. Kahit masakit na magkahiwalay tayo titiisin ko. Nating dalawa. Alam kong makakaya natin 'yon. Gustuhin ko mang maging madamot para dito ka na lang sa tabi ko pero mali eh. My Boots, huwag na nating aksayahin ang pagkakataon. Makapaghihintay tayong dalawa. 'di ba?"
"Per- "
"Wala ng pero Boots. Naiintindihan kita. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan 'yang pangarap mo. Kaya nga kahit masakit humiwalay sa'yo, kung para naman 'to sa'yo. Kakayanin ko! Basta mangako ka sa akin ngayon mismo, Na hindi mo ko ipagpapalit, na hindi mo ko iiwanan at hindi mo ko kakalimutan. Baka naman makahanap ka ng ibang babae doon noh tapo-"
Bahagya naman siyang natawa. TSE! Eh syempre talagang mag-seselos ako
"Ikaw talaga Dora. NAPAKASELOSA! HAHAHAHAHA! Hinding hindi kita ipagpapalit, iiwanan at kakalimutan para sa ibang babae! Ikaw lang kaya ang mahal ko! Pangako."
"Dapat lang noh Boots. Pangako mo 'yon ah!" Napapangiti na rin ako kahit papano
Tapos niyakap niya ulit ako. HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY Mamimiss ko 'to. Lahat lahat! Lalo na siya.
"Salamat Dora. Salamat kasi inintindi mo ang nararamdaman ko. Oo pangako babalik ako at sa pagbalik ko hindi na ako magsasayang ng oras na hindi kita makakasama. Mahal na mahal kita Isabella Barbara Montes"
Then,he kissed me in my forehead.
"Mahal na mahal din kita Tristan Troy Gutierrez. Pangako maghihintay ako."
**
Walang kwenta ang Prologue. Haha! Babawe na lang ako sa progress ng story.
BINABASA MO ANG
Will You Ever Come Back? [On-Going]
Teen FictionBakit ba ganito ang tadhana? Masyadong mapaglaro. Palagi kang pinapaikot, pinapaasa at sinasaktan. Kahit gaano ka pa kalakas at ka-determinado, kapag ito na ang kalaban mo siguradong wala kang panalo. Pero sana hanggang sa dulo, masasabi ko sa saril...