[Chapter 2] THE START

19 2 0
                                    

WYECB: The Start

Isabella's POV

"Sometimes it looks like everything is falling apart and all you do fails, but you have to stay strong. Night is always darkest before the dawn and your life is just the same - the hard times will pass, everything will get better and the sun will shine brighter than ever."

"You may be afraid of storms, but you must learn to sail your ship against it."

"Hard times are like a washing machine, that TWISTS, TURNS and KNOCKS us around, but in the end we come out CLEANER, BRIGHTER and BETTER than before."

"Tough times don't last; tough people do."

Okay okay. Sinarado ko na yung mga librong binabasa ko. Kailangan ko kasi ng inspirational lines na tatagos sa sarili ko para makabangon ako. Pero puro sinasabi na in the end mas magiging better ang life mo kung magiging matatag at matapang ka. Eh hello? Weak kaya ako. Kaya wala ng pag-asang maging better ang life ko. Oh diba, ganyan ako negative. *sigh*

Malabo na ata na bumalik ang lahat sa dati. Mas feel ko pa nga na sana namatay na lang ako noon eh! Kaso ang dami kasing sumagip sa akin, una yung doctor, pamilya ko tas yung mga kaibigan ko. Hindi ko nga alam kung kailangan kong maging thankful sa kanila, kasi mas dumoble lang yung sakit.

Si Troy? Hahahahahaha. Wala na. Basta wala na. Yung pangakong walang iwanan? Hindi ko na alam kung nasaan na. Siya naman nag-sira nun eh! Tama nga siguro yung "Promises are made to be broken." Hindi ko nga alam kung magkikita pa ulit kami eh. Sigurado akong kabaligtaran ko siya ngayon, malamang sobrang saya na niya kaya hindi na niya ako kinailangan pa sa buhay niya.

Kaya nga pinipilit ko yung sarili ko na kalimutan na rin siya, lalo na yung pagmamahal ko sa kanya. Para naman fair. Kahit na ilang taon na rin ang lumipas, masakit pa rin. Iniisip kong he's no longer my boyfriend, my bestfriend, my saviour, my everything..

Pero hindi naman ako may galit sa kanya. May reason naman siya na tapusin na yung relasyon namin, uunahin niya muna ang pangarap niya. Well, naiintindihan ko naman yun. Kaso masakit lang na iwanan ka ng taong mahal mo. At kung ano mang nangyari hindi maganda sa buhay ko pagkatapos ng paghihiwalay namin, hindi ko naman siya sinisisi doon.

Kahit saang banda mo pa ulit-ulitin ang mga nangyari sa akin, lahat yun kasalanan ko. Hindi ako nag-iisip. Nabaliw nga talaga noon.

Pero ngayon, how I wish na kayanin ko. Sana rin bumalik na ako sa dating positive na Bella, hindi itong pagiging great pretender ko na akala ng lahat na naka-move on na ako.

*ekkkkkkkkk*

Napatingin naman ako sa pinto at nakita kong si Aubree ang bagong dating na ngiting-ngiti na papalapit sa table ko.

"Hello Ate Isa! Sabi ko na nga ba at andito ka na naman eh. Hindi ka ba nahihilo kababasa? Hindi ka pa nga kumakain oh! Tara, samahan kita sa canteen."

Kahit kailan ang daldal talaga netong babaeng 'to. Naiinggit nga ako sa kanya eh. Parang ganito rin ako sa kanya dati eh, yung masigla. Nga pala, andito ako sa library. Break time naman ngayon. Tsaka isa ito sa mga lagi kong tinatambayan. Hindi lang para sa barkada ang pagtatambay para rin 'yan sa mga malulungkot tulad ko.

"Hello Ate!"

Aynako. Kasama ko na nga pala 'tong babaeng 'to. Hindi naman sa ayoko sa kanya, hindi ko lang kasi maiwasang ikumpara yung sarili ko sa kanya dati eh. Kapag nakikita ko yung masasaya niyang mga ngiti. Parang gusto kong magpalit kami ng katauhan. Kaya minsan umiiwas ako pero talagang iniisip niyang close na close kami! Tsaka siya lang ang masasabi kong kaibigan ko dito sa university na 'to.

Will You Ever Come Back? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon