[Chapter 1.3] flashbacking

32 2 0
                                        

Isabella POV

4:00 am. Isang oras na lang. Isang oras na lang ang natitira. At wala na. Ako na naman 'tong walang tigil umiyak! Kahit ano pa talagang pag-kontrol sa sarili ko 'yong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan eh! Kasi naman eh, ilang taon kaya siya mawawala. Oo, pwede naman siyang bumisita kapag free time niya pero syempre iba pa rin 'yong feeling na nakikita mo siya, nahahawakan mo siya, nayayakap mo siya at nandyan siya sa tabi mo palagi.

*sigh* Actually, andito kami sa favorite place namin. 'Yong malawak na field. At heto nilulubos lubos na ang aming mga sandali. Kahit na isang oras na lang, Eh sa ayaw namin pareho mahiwalay eh!

"Dora."

"Hmmm?."

"Dora, sorry ah." Sorry? o.O Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit naman Boots?"

"Eh kasi 'di ba nangako ako na palagi akong nasa tabi mo at hinding-hindi kita iiwanan. Pero ano 'tong gagawin ko, aalis ako."

"Boots naman! Naiintindihan ko naman 'yon diba!"

"Naguguilty kasi ako eh. Na iiwanan kita."

"Hindi mo naman ako iiwanan diba? Aalis ka lang. At kapag aalis diba dapat babalik? Boots, handa akong maghintay kahit gaano kahabang panahon pa 'yan noh! Basta bumalik ka! Kaya dapat huwag na huwag mo akong kalilimutan! Okay?"

Totoo naman eh. Kaya kong maghintay kahit ilang taon pa yan. Basta bumalik lang siya ng buo. Baka mamaya umuwi na siya ng wala na siyang ilong. MYGHAD ano ba 'tong pinag-iisip ko. Ang Creepy whoaaaaa

"Oo! Hindi kita kalilimutan noh! Kasi nakatatak kana dito *sabay turo sa temples niya* at dito *sabay turo sa dibdib niya*. Mahal na mahal kitang babae ka! Kaya kapag naka-uwi na ako, siguraduhin mong medyo may boobs kana. Kahit medyo lang naman. HAHAHAHAHA!"

-_____-  HANGGANG KAILAN BA SIYA MAGSASAWANG ISAKSAK SA KOKOTE KO 'YONG ABOUT SA DIBDIB KO AISSH -_-

"Hoy lalake! Okay na sana eh. Sweet na eh! Tapos nagjojoke ka na naman!"

"Anong nagjojoke? Hindi ako nagjojoke noh! Totoo 'yon dapat pag-uwi ko! Kahit medyo nga lang eh- Ohhhhhhhhhh Ohhhhhh ayan ka naman sa pagiging halimaw mo."

Susuntukin ko na talaga 'to! Bahala siya kapag nagka-blocked eye siya! Hindi na talaga tumigil!

"Ohhh chill lang. HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga kapag napipikon ka! Haynako, ngayon pa lang namimiss na kita kahit magkasama pa rin tayo." Sabay yakap sa akin.

"I love you Dora the Explorer." :')

Then, he kissed me in my lips. Smack lang. Pero full of love.

"I love you too My Boots the Monkey."

Syempre. I kissed him back. Smack lang din. Pero apaw na apaw sa pagmamahal ko.

"Oh! Mukha ka ng ketchup diyan! Kilig na kilig ka talaga sakin! HAHAHA! Iba talaga pag pogi 'yong boyfriend mo noh. Psh alam kong mamimiss mo 'tong mukhang 'to." sabay mga posi pose.

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY. Nagbuhat ng sariling bangko. -_-

"Oo na! Oo na! Ikaw na proud sa sarili mo!"

"Magiging proud ka rin Dora sa sarili mo kapag dumevelop na 'yang boo-tghhlnmtngkmymojhug"

-______-" tinakpan ko nga bibig niya! Hindi na nagsawa HMMMMMMMM.

"Tara na nga!" tinangal ko na 'yong kamay ko tas nauna na akong maglakad.

"Hoy Dora! Wait lang! HAHAHAHA!"

Will You Ever Come Back? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon