[Chapter 3]

23 1 0
                                    

WYECB:

MAX'S POV 

"Ikaw lalake! Ano na namang bang ginawa mo buong araw ah?! At nabalitaan ko pa yung ginawa mo kanina sa school mo! Ano bang problema mo?! Kailan kaba magbabago?! HA?! Anak naman!"

At napahilamos na naman niya ang mga kamay niya sa mukha niya. Huh. Akala mo kung sinong matinong tatay kung makapag-sermon palagi sa anak niya wagas wagas eh. Ay oo nga pala, tinuring nga ba talaga niya akong anak?

Hindi ko na lang siya pinansin. Palagi namang ganyan yan eh. Tuwing uuwi ako ng bahay wala siyang ginawa kundi sermonan ako, sigaw-sigawan. Sawang-sawa na ako. Kung hindi lang dahil sa pangako hinding-hindi na ako uuwi o dadalawin man lang 'tong bahay na 'to.

"Bastos ka talaga no! Huwag na huwag mo nga akong tatalikuran! Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?! HA?! Tandaan mo, tatay mo ko! Mas matanda ako sa'yo! Wala ka pang kaalam-alam sa buhay hindi katulad ko! Matuto kang rumespeto!"

"Marunong akong rumespeto sa mga taong karespe-respeto. Tsaka hindi na ako bata! Tandaan mo may mga alam din ako!"

"Hindi kana bata?! Huh. Bakit may mga alam ka na ba talaga para tumino 'yang buhay mo?! Sabihin mo nga sa akin! Wala ka ngang ibang inatupag kundi 'yang mga bisyo mo! Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano 'yang mga alam mo!!"

Tiningnan ko siya. Kitang-kita ko yung glit sa mga nanlilisik niyang mga mata. Pero kahit ano pang galit niya ngayon, sermonan man niya ako o saktan pa niya ako. Hinding-hindi ako natatakot sa kanya.

"Oo. Tama ka nga. Puro yung bisyo ko lang inaatupag ko. Gusto mo bang malaman kung bakit? Kasi mabuti pa yung alak at sigarilyo nandiyan para sa akin! Naiintindihan nila yung nararamdaman ko! Naiintindihan nila yung pinagdadaanan ko! Naiintindihan nila ako!! Eh ikaw ba?! Naiintindihan mo ba ako?! Kung ano 'tong kinalalagyan ko ngayon?! Wala ka naming ginawa kundi pagalitan lang ako eh! Pero kahit kalian hindi mo inalam kung ano ang rason ko! Sarili mo lang kasi yung iniintindi mo!! Wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba! Kaya nga siya nawala eh! Nawala yung pinakaimportanteng tao sa buhay ko!! Dahil hindi ka marunong umintindi ng nararamdaman ng iba! Dahil sa'yo kaya siya nawala! Ikaw ba ano bang silbi mo sa mundong 'to?! Ang saktan ang damdamin ng ibang tao?! Huh?! Pwes! Wala kang kwentang tao! Wala kang kwentang ama!!"

*PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK*

Matapos ng napakahaba kong linya, isang sampal lang ang sagot. Bakit ba kinausap ko pa kasi 'to?! Wala naman 'tong ibang ginawa kundi manakit eh!

Pero sa lahat ng sampal na nagawa niya, ito na ata yung pinakamasakit. Hindi lang sa labas kundi sa kaloob-looban ko. Ngayon lang kasi ako sumagot sa kanya kapag sermon siya ng sermon. Ngayon ko lang nailabas sa kanya yung nararamdaman ko. Pero anong sagot niya?! SAMPAL! Nakakatawa nga naman talaga.

Napangisi na lang ako sa ginawa niya. Ayoko ng mag-salita. Bakit ba kasi nag-drama pa ako?! Eh hindi naman 'yan maaawa sa akin. Ay mali, hindi naman pala 'yan makakaintindi sa akin. Gsh.

Tumalikod na ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanya. Ano na naman bang gusto pa neto?!

"A-anak, so-sorry"

SORRY?! Gusto kong matawa sa sinabi niya. Sasaktan niya ako tapos mag-sosorry.

"Kasi hindi ko nagustuhan yung mga sinabi mo sa akin. Anak, so-sorry."

So, kasalanan ko pa rin talaga?! Sosorry-sorry siya tapos may kasunod na 'kasi'. Gsh. Walang maaawa sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako. Masyado na akong pagod sa buong araw na ito.

"Aakyat na ako." Walang gana kong sagot.

Kumalas naman yung pagkakahawak niya sa akin. Kaya umalis na ako sa harapan niya. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko binuksan ko muna yung ilaw tapos napatingin ako sa salamin. Bakat na bakat pa rin yung kamay niya. Napakawalang-hiyang anak ko na ba talaga?!

Will You Ever Come Back? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon