Introduction

363 3 1
                                    

Alam niyo ba yung feeling na may inspirasyon? Yun yung nakikita mo pa siya araw-araw, pwede mong malapitan, kausapin, makikulitan at maging kaibigan. Makita mo pa lang siyang naglalakad at ngumingiti kompleto na araw mo. Makasabay mo pa siya sa pagpasok sa paaralan o sa pagkain sa cafeteria ay parang naka-jackpot ka na sa lotto. Masaklap lang kung hindi mo pwedeng ipahalata o ipakita man lang na mahalaga siya sa buhay mo kasi alam mo sa sarili mo na may iba siyang gusto at ikaw naman ay parang ewan, walang maggawa doon ka na lang kung saan siya masaya.

Helo! Ako nga pala si Daniel Padilla, tawagin niyo na lang akong DJ/Deej. Mahilig akong makinig sa music at magpatugtog ng kahit na anong instrumento. Fourth year high school at varsity ng school namin. Mahilig akong makipagkaibigan kahit kanino pero gusto ko din naman may time akong makapag-isa para makapag-isip. Para maging tagabantay at tagaprotekta ng aking pinakamamahal na prinsesa; ang aking mundo at ang aking lahat-lahat. 

Syempre kasama ko din sa storyang ito ang aking mga kaibigan at pamilya.

Si Mama Karla siya po yung pinakamabait at pinakacaring na ina sa buong mundo.

Si Papa Rommel siya po yung tatay ko. Mabait yan at mapagmahal kaso hiwalay na sila ni mama. Tumitira siya sa iba pero solid pa rin kami ni papa. Close kami, Padilla kasi ;)

Si JC, Magui at Carmela sila ang mga kapatid ko sa mother side. Sila yung palagi kong kasama sa bahay. Sina Magui at Carmela hinahatid ko pa sa kanilang eskwelahan, wala akong angal diyan mga kapatid ko yan eh at mahal ko mga yan! :D

Sina Seth, Katsumi, Mycko at Lester mga brad ko. Bandmates ko, barkada, tropa lahat na. Palagi ko din silang kasama at silang lahat alam yung sekreto ko. Silang yung mga pinakacool na tropa sa lahat, PROMISE. 

Sina Kuya Mark C. Kuya Mark S. Kuya Matt, Kuya RJ, Kuya Kevs at si ate Wana sila naman yung mga bro at sis ko. Sina kuya Mark C. at kuya Mark S. sila lagi kong kasama pag wala si mama o si papa. Sa kanila ako laging natutulog parang kapamilya na :)

 Sina Kuya Matt, RJ, Kevs at ate Wana sila naman yung mga kapatid ko sa fathers side. Sila yung pinaka-astig na mga nakakatandang kapatid ko. Sa kanila ako tumatakbo kapag wala na akong pera. Haha xD

Hindi naman mawawala yung mga schoolmates at mga classmates ko. Sina Kiray, Diego, EJ, Julia, at Niel mga kaibigan ko din sila at sa kanila ko talaga tinatago ang pinaka-sekreto ko. Ayaw na ayaw ko talaga na sila yung maka-alam, delekado :D

Sino ba naman makakalimot sa prinsesa ko? Siya si Kathryn Bernardo, pinakamaganda, matalino, cute, mabait, masunurin at higit sa lahat maganda, maganda at maganda. Haha. Olats talaga ako sa kanya mga brad, lakas tama ako eh. Hayaan niyo na. 

Teka, hindi pwedeng di niyo makilala mga karibal ko. 

Si Quen, siya lang naman yung dakilang ... ay huwag na. Baka sabihin niyong bitter ako. Haha. Peace. Siya yung palaging bukambibig ni Kath. Lahat na lang ng galaw niya, pati pagkain, paglakad at pag-upo. Haynako.

Si Khalil siya yung bestprend ni Kath, palagi silang magkasama ewan ko ba nerd yun eh -_-

Sasama na ba kayo sa storya kong 'to? Ready na? Tara, at makikita niyo lahat ng kakengkuyan ng buhay ko. Makikita niyo din na ang isang Daniel Padilla pala ay naging torpe din sa babaeng pinakamamahal niya xD

Teka! Di pala mawawala yung surprise na characters na malalaman niyo as the story goes on. Sila yung mga taong magpapaluha, magpapatawa at bibigyan ako ng problema. Sige na, heto na. 

OOOPPPPSS!

-----------------------------------------------

Vote & Comment para maging masaya din si Ms. Author. Salamat sa inyo! 

Close To You (No Matter What)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon