Chapter 8

75 0 2
                                    

Kinakabahan talaga ako mga brad. 10 minutes na lang daw at aalis na kame. Tinext ko na si Kath, nagmiss-call pero wala pa din. 

"Brad? Sino yung uupo dito?" tanong ni Lester sa katabi kong upuan. 

"Wala brad. Baket wala ka na bang upuan?" tanong ko sa kanya.

"Meron na dun eh. Bakit dito ka umupo?"

"Ha? Ewan. Kahit saan na" 

"Brad, relax. Dadating si Kath tiwala lang" sabi ni Lester tapos umalis na.

.

.

.

.

Ahhhh. Mukhang lalagnatin ako ah? Bakit ang init ko at pinapawisan? Di na lang kaya ako sasama.. tutal wala naman si Kath.

*phone vibrating

Tinignan ko phone ko ng walang gana, baka di naman si Kath madissapoint lang ako. :(

Pero pagbukas ko..

From: Kathryn :)) 

Deej? May bakanteng upuan pa sa bus nio? Late kc ako kaya wala na akong upuan. :/

My.My. Walang upuan princessa ko, kahit tatayo ako okay lang basta makaupo lang siya. Teka bakante pala katabing upuan ko. Hahaha. Swerte talaga. Yes!!

Reply:

Oo naman ;) San ka? Susunduin na kita.

*phone vibrating

From: Kathryn :))

Hay.. tnx naman. D2 ako gate ng skul. 

Reply:

Cge, w8 mo ko dyan ha? :*

Hayaan niyo na, minsan lang ako naglalagay ng kiss mark sa text. Hahaha.

Sumenyas ako sa tropa na baba muna sakto naman ang pagpasok ng class adviser namen.

"O Padilla? May bakante pa bang upuan dito? Si Miss Bernardo kasi.."

"Opo mam! Dun po sa tabi ko" sabi ko sa kanya tapos ngumiti. 

"Okay, ayun siya sa gate. Fetch her then aalis na tayo." utos niya at sumakay na sa bus.

Lumakad ako papuntang gate. Ayun siya, naghihintay..

"Kath.. goodmorning!" bati ko sa kanya at ngumiti.

"Deej! goodmorning din! Hayss. Akala ko di na ako makakasama." 

Dalawang oras yung binyahe namen. Nakatulog pa nga si Kath sa balikat ko. Alam niyo mga brad? Ang bango-bango niya. Ang cute niya pang matulog. Hay, grabe!

Narating din namen yung camping site. Maganda dito mga brad kaso nga lang dun sa bandang likod maraming punong kahoy tsaka medyo delikado pumunta dun.

"Tsong, sabe daw ni Miss pwede daw tayong maligo sa sapa" sabi saken ni Seth.

"May sapa ba dito brad?" tanong naman ni Lester.

"Dun daw sa likod ng mga punong kahoy na yun oh, konting lakad lang mula dito" sagot naman ni Katsumi.

"Ay, wag, wag bro. Mukhang delikado dun. Tignan niyo nga!" sabi ko tapos nginuso yung makakapal na mga puno.

"Olats talaga to! Naprapraning ka na ah!" tapik saken ni Seth.

Nagtawanan sila. Totoo naman ah? HAHA. Naisip ko lang kase si Kath, takot yun sa madidilim na lugar tsaka masukal.

 Pagkatapos magtanghali, umalis na yung mga lower years yung senior year na lang ang naiwan.  Maraming activities na ginawa namen buong maghapon. Sana ganito na lang araw-araw, nakakasama ko pa ng matagal si Kath :))

"Brad, tignan mo yun" bulong saken ni Katsumi, tinuro niya si Kath tsaka si Quen papunta dun sa mga punong kahoy.

"Anak ng--Anong gagawin nila dun?" gulat kong sabi. Grabe na to ah?! Tumalikod lang ako, nakuha na agad ni Quen si Kath? 

Lakad takbo kong hinabol sila Kath, tinawag naman ako nila Kats at Seth. Lumingon lang ako para sumenyas na susundin ko sila Quen. Pero ng tumakbo ulit ako, nagkabungguan pa kame nung nerd na bestfriend ni Kath.

Tumilapon siya tapos ako natumba. Nakakabwesit naman to oh!

"Ano ba?! Ano bang problema mong nerd ka?!" sigaw ko. 

"Ikaw?! Sino naghahabol sa'yo kung makatakbo ka parang sa iyo yung daan ah!" sigaw din niya. 

Wrong timing naman to oh! Dapat noon ko pa to nakabangga eh, para may rason na para magalit ako sa kanya. Tinanaw ko sila Kath at Quen, wala na sila!

"Tsong, easy lang. Di yan papatol sa'yo ng suntukan" sabi ni Seth sa likod ko. 

"Alam niyo, kayo bahala diyan sa nerd na yan. Wala na sila Kath" sabi ko sabay turo pa kay nerd. Nakakainis!

"Sama kame sa'yo brad. Tekaaa" habol saken nila Seth at Katsumi.

Takbo namen pinunta yung masukal na daan papuntang sapa. Nang di na namin makita sila, sumigaw na ako.

"Kaaaaaaath! Asan ka?!!" sigaw ko.

"Easy lang brad. Baka dun nga sila sa sapa pumunta" sabi ni Kats.

"Sapa?! Walang sapa dito ah! Ni lagaslas ng tubig di ko nga marinig eh!" halos pasigaw ko ng sabi sa kanila.

"Shhh. Pakinggan mo nga yun.." kalma naman saken ni Seth.

Tumahimik nga kame para marinig namen kung anong tinutukoy ni Seth. Lumipas ang 3 segundo di na talaga ako mapakali. Wala namang ingay o kung ano na senyales na may tao o hayup dun.

"Ano ba yung narinig mo?" irita kong tanong kay Seth.

"Tawa ng isang babae, tapos parang boses ni Quen narinig ko brad eh" sagot saken ni Seth.

Sinundan namen si Seth kase narinig daw talaga niya. Kinakabahan na talaga ako di lang dahil kay Kath na kasama niya si Quen kung di para na din sa lugar na 'to. Parang walang hanggang punong kahoy yung nilalakaran namen eh.

_________________________________________

ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA MAGTROPA? MALILIGAW BA SILA O MAKIKITA NILA SILA KATH AT QUEN? ABANGAN.

Close To You (No Matter What)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon