Chapter 10

70 0 1
                                    

[still Lester's POV]

Dumating nga sila Kuya Mark at si Tita Karla sa likod nila yung sasakyan naman ni Tito Rommel kasama si Kuya RJ at Kuya Matt.

"Saan yung anak ko?" bungad kaagad ni Tita Karla sa akin.

"Tita pasensya na po..wala pa po sila" paumanhin ko kay Tita at tumingin kay Tito Rommel mukhang galit siya pero tinitimpi niya lang.

"Saan si Kathryn, Lester?" tanong ni Kuya Mark. 

"Dun po sila, naghihintay" sagot ko tsaka tinuro sila Kath at yung mga kaklase niya.

Pumunta sila Kuya Mark at Tita Karla sa kay Kathryn si Kuya RJ naman at Kuya Matt pinakwento sa akin kung ano talaga ang nagyari bakit napunta sila DJ sa labas ng camping site.

Alang-alala talaga yung pamilya ni DJ lalung-lalo na yung parents niya. Nakita ko pa mukhang nagtatalo sila Tita Karla at Tito Rommel.

Haayy DJ bakit pa napunta sa ganito ang sitwasyon? 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nang tumila na ang ulan, lumabas ako sa tent at dun ko nakita sila Miss sa likod niya yung mga rescuers at yung mga awtoridad na tumulong sa paghahanap. Dala-dala nila si DJ at Kats. Tumakbo ako, basang-basa silang dalawa. Bakit wala si Seth?

"Miss, saan si Seth?" tanong ko kaagad kay Miss.

"Nadala na sa ambulansya.." matamlay na sagot sa akin ni Miss.

Lumapit kaagad si Tito Rommel kay DJ. 

"Son, it's okay. You're safe now.." pagkasabi niyon ni Tito Rommel nawalan ng malay si DJ. Sumigaw si Tita Karla.

Nagkagulo ulit. Pinuntahan ko si Kats na nasa tabi ni Miss at Kuya Mark. Di pa makasalita si Kats na nakaupo lang.

"Pare, magpakatatag ka. Dito lang kame" sabi ko kanya.

Tumango lang siya at tinaas niya yung isang kamay niya. Ginawa ko yung handshake namin, konti na lang at maluluha na ako sa kalagayan ng mga kaibigan ko. Di ko lubusan maisip na mangyayari to samen..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nasa ospital kame ngayon kasama ko si Miss tsaka si Kuya Mark. Nasa labas kame ng kwarto ni Kats at DJ. Nasa ibang ospital si Seth pero tinawagan namin yung pamilya niya sabi nila okay naman yung kalagayan niya huwag na daw kameng mag-alala.

Pagkatapos ng nangyari dun sa camping site umuwi na lahat ng seniors. Sila Kath tsaka yung kaklase niya di na pinayagan ni Miss na pumunta dito sa ospital. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Close To You (No Matter What)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon