Chapter 3

120 1 0
                                    

Nasa phone ako ngayon with Hugh Seth Gothico. Hindi ako makatulog, dalawang gabi na. Lumalaki na yung eyebags ko mabuti na lang hindi pa ako tinutubuan ng pimple. Nagkikita din kami ng mga tropa ko sa school pero iba talaga pag mag-midnight convo, seryoso kasi yung mood namen eh. Kaya heto ngayon kausap ko naman si Seth.

Ako: Paano kasi brad, kahit anong gawin ko di niya talaga mapapansin.

Seth: Kasi brad, baka naman naghihintay lang siya na umamin ka. Babae kase siya, nararamdaman niya naman siguro yun. Kaya lang ayaw niyang mag-assume.

Ako: Pano? Natatakot ako, alam mo naman yun.

Seth: Sige, heto na lang brad. May plano ako, pinanuod ko to eh. Kanina kase nanunuod si Shei (nakakabatang kapatid ni Seth) ng cartoons. Tapos si Barbie yung bida..

Ako: Ano na naman ang kinalaman ni Barbie sa usapan? Alam mo brad, nahahalata na kita.

Seth: Seryoso ako brad. Promise. Meron siya kaseng kaibigan na crush siya. Eh torpe yun pareho kayo kaya pinapadalhan niya na lang ng letter si Barbie.

Ako: Tapos?

Seth: Alam mo ba kung saan niya linalagay yung letter? 

Ako: Saan nga ba?

Seth: Sa locker ni Barbie.

Ako: Ano yung connection sa pagtatapat ko kay Kath?

Seth: Olats ka brad! Loading pa? Bagal mo makagets eh.

Ako: Deretsuhin mo na kase brad.

Seth: Okay, ganito kasi yun *blah *blah..

Hanggang umaga na yung convo namen. Mabuti na lang hindi ako binisita ni mama. Mga 5 na nung napagdesisyunan namen na maligo na para makapunta na kame ng school mga 6:30. Oh diba? Early birds kame ni Seth. Parang lovers lang xD

****************************************************

"Brad, nakita niyo ba si Seth?" nasa tambayan kame ngayon kasama yung tropa. Wala pa si Seth, kanina pagkatapos ng third subject namen di ko na siya nakita.

"Ayun siya oh. Parang sisiw lang na tumatakbo" sabi ni Katsumi. Tapos tinuro niya si Seth nasa gitna ng field papunta samen.

"Saan kaya nanggaling yung mokong na yun?" tanong ni Lester.

"Baka sinilip na naman yung locker ng mga boys sa volleybal team" tukso ulet ni Katsumi. Tumawa kame nung dumating si Seth.

"Brad.. halika ka na. Yung plano, nalimutan mo na ba?" humihingal na sabi niya.

"Ano? Ngayon na?" nagulat ako. Hindi pa ako handa.

"Anong plano?" sabi ng tatlo.

"Makikita niyo din" confident na sabi ni Seth.

"Naku, pag yan pumalpak brad.. di ko alam kung anong magagawa ko sa iyo"  sabi ko tapos tumayo na ako. 

"Huwag kang mag-alala. Basta tayo na. Ready na lahat." naiirita niyang sabi. Seryoso tong mokong to ah.

"Kayong dalawa ha, ano ba yan Seth?" tanong ni Mycko.

Close To You (No Matter What)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon