Chapter 1

191 2 0
                                    

[ DJ's POV]

Ikaapat ko nang taon dito sa school namin heto pa rin ako sa dating tambayan. Sa ilalim ng puno na may bench, mula dito kitang-kita lahat ng mga estudyanteng pumapasok araw-araw.  Dito lang ako palagi kasi dito ko nakikita ang aking prinsesa naglalakad na nakangiti  at inaalon ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Sarap talaga panuorin, laglang yung .. (Rated SPG) :D

 Ayun! Jackpot mga brad. Siya na nga yun ang aga niya. Fresh na fresh, mukha niya pa lang parang heaven na. Nako po! 

"♪♫ Baby you light up my world like nobody else..the way you flip your hair gets me overwhelmed♪♫"

Hindi ko mapigilang kumanta. Ang ganda niya, ang ganda ng aking tanawin kaso may sumisira. Ang dakilang bestprend niya na laging nakabuntot sa kanya. Tsk. tsk.

"Brad, dito ka lang pala. Nakow, ang aga aga tulala na" si Seth. Ang baliw kong kaibigan. 

"Huwag ka nga diyan, paki mo ba?" sabi ko, inaasar ako eh.

"HAHA. Easy lang brad, chill lang." patawa-tawa pa ang mokong. As usual, kulot ang buhok at walang mata pag tumawa ang peg ng kaibigan kong 'to. Napagkamalan kung minsan na bakla kasi dikit ng dikit sa akin. xD

"Chill nga ako bago ka dumating"  ayan tuloy, sira na mood ko.

"Sige brad, alis na lang ako. Ayan na kasi si Bernardo" anong Bernardo? Lumingon ako, oy! Si Kath, paparating. Jackpot na naman ba? 

"Oy, huwag kang umalis kaibigan. Dito ka lang" sabi ko, sabay akbay baka mawala na naman at iwan akong utal-utal na kakausapin si Kath.

"Deej, Seth. Ba't ang aga dito kayo tumatambay?" Wew! Ang aking prinsesa, concern ba? 

"Si Dj kasi, hinihintay---" Seth naman! Tinakpan ko agad ang baba niya. Alam ko na kung ano na naman ang sasabihin niya. 

"Ahh.. kasi wala pa yung tropa, dito muna kami" ngumiti ka DJ, pacute pa. Parang Quen lang, Dejoke. xD

"Ganun ba? So wala pa sina Julia?" Di ko nakita Kath, kaw lang kasi hinihintay ko eh. Hehe. 

"Bago lang po kami dito mam, kaya di namin nakita" sabi ni Seth, tulala lang kasi akong nakatitig sa mahal kong prinsesa :)

"Seth ha, mam ka diyan! Sige alis muna kami baka andun na sina Julia. See you" tapos ngumiti siya samen. Skimpets! Naiihi ako. xD

"Sige Kath, see you" sabi ko naman, tapos ngumiti ako ng wagas at kumindat. Naks! Padilla moves yun. Hehe :)

"Brad, naks naman! Score na? Inlababo ka na bro" sabi ni Seth sabay ng kanyang ngiting wagas. 

"Panget ng ngipin mo dre! Sara mo nga yan!" haha. Tapos tumakbo na ako, baka batok na ang aabutin ko.

"Sira! Nagsalita ang may magandang ngipin!" tsaka hinagis niya yung bag niyang walang laman. Haynako, Hugh Seth Gothico. Hindi ka nagbabago brad ! :DD 

*************************************

SA CAFETERIA. 

Pagkatapos ng hanap-section-mode namin pumunta agad kami ng cafeteria. Hindi pa pala ako nakapag-breakfast. Nako po! Daming tao, siksikan. Ano ba to? Dumami yung population ng school namin?

Close To You (No Matter What)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon