Nathalie's POV
Lumipas ang isang linggo at wala namang masyadong nangyare.. Nagchachat parin naman kami ni Ace or I should say Ashton.. Ashton Navarro ang true name nya.. Pano ko nalaman? Edi sinabi nya sakin
Flashback...
Magkachat kami ni Ace ngayon.. Kung anu-ano ang mga pinaguusapan namin.. Tawa lang kami ng tawa....then bigla nyang tinanong sakin kung pwede nya daw ba malaman ang True name ko.. Or RA.. (Real account)...
A: uhmm bes.. Pwede bang malaman ang RA mo?
N: sige bes.. Search mo.. Nathalie Saavedra Gomez...yan ang RA ko...
A: add ko RA mo.. Gamit RA ko ah..
N: sige bes
After that ni-logged out ko yung facebook ko at ni-log in ko yung RA ko..pero naka open sa messenger ang RPA ko..
Woaahh.. 15 friend request? Sino kaya dito si Ace? Iniscan ko lahat yun....Inaaccept ko lahat.. Tapos bigla syang nagmessage sa RPA parin namin..A: Salamat sa accept mo sa RA ko...
N: huh? Ano ba name mo?
A: yung Ashton Navarro
N: weh?! Ikaw yung Ashton?
A: oo nga..
N: ahh.. Sige.. Wait lang may gagawin lang ako..
Sya talaga yung Ashton Navarro?! Omygulay....ang pogi nya!!! Kyaaaahhh.. Crush ko na sya.. Waahahhahaha!!!..
Seryoso.. Ang pogi nya.. Kahit nakasalamin sya..A: inistalk mo ko noh?
N: kapal mo bes.. Di ah.. Iba ginawa ko..
A: ahh.. Ok.. Pwede bang sa RA na tayo mag usap lagi? And...pwede pahingi din ng number mo?
Omg talaga.. Totoo ba toh?! Hinihingi nya number ko?! Waaaaahhhh!!!
ok Nathalie Gomez.. Kalma ka lang.. Kalma.. Hinihingi nya lang number mo.. Kasi bestfriend kayo.. Yun lang yun...
Pero.. Waaaaahhhh!!!! Kyyaaahhhhh!!!!!! This is too much.. Kilig overload na..N: ahh.. Sige sa RA na lang tayo magchat.. At ito nga pala number ko. 0935*******
A: salamat..😊
Flasback ends.
Yun na nga.. Nakakaloka.. Bukod sa nalaman kong gwapo sya..hiningi nya pa number ko.. Pero.. Di naman sya tumawag or nagtext.. Paasa din yun eh....
Nung una talaga.. Plano ko lang talaga na pa fall-in sya.. Pero.. Ako ata yung nafall.. May pagka Playgirl ako.. Lagi akong may Flavor of the Week....pero natigil na yun nung dumating si Ashton..
Nalaman ko din na taga Manila sya.. Malapit sa may Sm North.. Rich kid sya...Gabi na.. Kakauwi ko lang galing school....
Naggawa muna ako ng assignment.. Kaimbyerna kasi yung teacher namin sa English.. Magbabakasyon na't lahat lahat.. May pa essay essay pa... Tss..
Pagkatapos kong gawin yun.. Nag online ako sa RPA ko.. Wala namang masyadong kachat dun kasi busy din sila..
Ibaba ko na sana ang phone ko nang biglang may tumawag...0975******* calling....
Hmm.. Sino kaya toh? So...bago pa ko mabaliw kakaisip kung sino yun.. Sinagot ko na yung tawag....
Ako: uhhmm.. Hello po.. Sino po sila?
Stranger: Hello? Ang cute pala ng boses mo
Pagkasabi nyang ganun huh? Sino ba kasi ito?
Ako: uhmmm.. Sino po sila?
Stranger: ayy sorry bes.. Di ako nakapagpakilala.. Si Ashton toh..
Ako: ashton? Ikaw pala....hehehe
Ashton: hehehe.. Ako nga.. Nathalie.. Musta ka na naman?
Bago pa ako nakasagot..may narinig akong kantyawan sa kabilang linya..
Over the phone: Man.. Sino yan? Girlfriend mo? Ganda ng pangalan ah. Nathalie
Ashton: ul*l...bestfriend ko toh.. Babae sya..
OTP: Tanong mo kung ano ang favorite song nyaAshton: Uhmm bes Nathalie.. Anong fave song mo?
Ako: ..uhmm.. Alam mo yung kantang Your Song ni parokya ni Edgar?
Ashton: yep.. Fave ko din yang song na yan..
OTP: Ayiieee.. Meant to be sila.. Hahhahaha
Ashton: ..shh... Wag nga kayo.. Sapukin ko kayo dyan eh..hehehe.. Nathalie.. Pagpasensyahan mo na ah..ano nga pala fave mong kulay?
Ako:..ok lang yun.. Ang saya nyo ngang pakinggan eh.. Uhmm.. Black and blue ang fave color ko..
Ashton:..parehas na naman tayo.. Meant to be ata tayo.. Hahahaha..
Ako:..hahahaha.. Baliw ka bes..
Tuloy tuloy lang ang tawag hanggang sa naka 36minutes yung pag uusap namin..
Wow.. Ang tagal nun ah..
Natigil lang yun nung kakain na kami pareho..
Di na ulit nasundan yung tawag na yun nung gabing yun..
Aaminin ko.. Ang saya nyang kausap....ang manly tapos ang husky ng voice.. Jusko..
After that tawagan scene.. Nagpost ako sa RPA ko at tinag ko sya..Hi bes.. Salamat sa 36 minutes nating pag uusap kahit tawanan lang tayo..
After I post that status..nag comment yung mga friend ko sa RPW... Ano daw meaning nun.. Syempre.. Sabi ko.. Bestfriend kami..
Pero isang comment lang ang medyo nawindang ako ng very very light..Allison Grey is commented in your status
Wow! What is the meaning of this huh? Babe?
Patay.. May ka Rs pala yung ugok na yun.
Di ko na sya nireplayan kasi ayoko ng gulo..
Inistalk ko sya sa RPA nya.. At confirm nga ang hinala ko.. Playboy sya.. Puro babe.. Love at kung anu- ano ang endearment nila.. Yuck lang.. Pero bakit ganun? Di ako naturn off? Baliw na ba ako? Haahhahha..
Natulog na ako after that incident..Kinabukasan.. Pumasok na ako sa school.. Kahit na alam ko naman na wala kaming gagawin eh pumasok pa rin ako kahit dalawang linggo na lang bakasyon na.... Sa kadahilanan na..wala akong magawa sa bahay namin..
Basa sa wattpad, scroll up and down, chismisan.. Yan lang ang ginagawa ko sa room namin.. Tutulog sana ako ng biglang tumunog ang phone ko nang pagkalakas lakas.. Versace pa ang ringtone ko..
Biglang bumalik ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nung nabasa ko kung sino ang tumatawag sakin.
Bes Ashton
Bakit tumatawag sakin si Ashton? Dali dali kong sinagot ang tawag at lumayo sa mga kaklase kong chismosa..
Ako: hello bes.. Napatawag ka?
Ashton:..hello.. Hehehe.. Naistorbo ba kita?
Ako: hindi naman.. Boring kasi dito sa room.. Wala akong magawa..
Ashton:..ahh ganun ba.. May tatanong lang sana ako..
Ako: ano yun bes?
Ashton: ano kasi eh.. Pwede bang....
Ako: ano? Pwedeng ano?
Ashton: bes pwede ba akong manligaw sayo?
Ako: ahh.. Ligaw lang pala sak-- ano?! Liligawan mo ko?!..
Medyo napalakas ang boses ko.. Pero buti na lang.. Di narinig ng mga kaklase ko..
Ashton: ahh ehh.. Oo.. Liligawan kita.. Sa ayaw mo man o sa gusto mo.. Crush kasi kita.. Ingat ka dyan.. Iloveyou Nathalie..
*toot toot*
Luh? Ano daw?
(A/N: sorry guys..ito lang nakayanan ko ngayon..dont forget to vote and comment)
BINABASA MO ANG
Love At Roleplayer World
RomanceNathalie Gomez- an average girl na patay na patay sa mga fictional character from wattpad.. maganda, mabait,kalog at malapit sa kaibigan at pamilya naisipan nyang gumawa ng dummy account or I should say Roleplayer account..roleplayer account sa isan...