----Naglakad kami papuntang entrance, Tinignan ko yung building, kinda old pero may tint ng pagkacolorful, The Buildings in this Area were breathtaking, ang gaganda, They all have different shapes and colors. Siguro kung umaga na, nabubuhay ang mga kulay sa paligid dito. Nilagay ko ang kamay ko saloob ng jacket ko habang kinakausap nila Angel at kuya Ray ang Bouncer.
Of course, they would let us in. Because Ray was known for going to a ton of Rave Parties. No wonder why kilalang kilala sya dito. Well maybe dahil dito sya nakatira.
Nang papunta kami tinignan ko yung bouncer by the side, may malaking scar sa left cheek nya, probably nakuha nya sa isang away dito. Madami na din akong naririnig na may malalaking away dito, because of groups and such. From looking at his form, mukhang experienced na at matapang. Probably in his mid 20s.
Nang pumasok kami sa Loob, judging by the looks of it, isa syang private party. Colorful lights flashes everywhere, People dancing, Loud Music was around us, The Smell of Whiskey and Beer. Worse, lust.
Marami akong nakitang naghahalikan. Naghahawakan. What the hell is this? Akala ko Rave Event Party to? Hindi club?
Tumalikod si Angel sakin, "ZAR, KUHA MUNA DAW TAYO NG DRINKS" Isinigaw nya, Rinig na rinig ko kasi malapit lang talaga sya.
Naglakad kami habang hinahanap yung Front bar. Seriously ano ba to? Never pa akong nakapunta sa isang Rave Event Party na may bar.
Nagstop kami sa harapan ng bar at nag order ng drinks, habang umupo ako, may nakita akong almost knocked out sa tabi ko. Inexamine ko sya at, Ang UnIdentified yung amoy nya. Hindi ko maexplain ko mabaho o mabango. But I know for sure na amoy alak sya.
"Zar! Anoba? Anong gusto mo?" Tinanong ni Gel, habang hinawakan sya sa hips ni kuya Ray.
"Umm, isang Martini nga."
"Martini lang? Weak Hahaha!" Nagchuckle sya
"Bat ano ba sainyo?"
"Vodka baby" nagwink sya sakin, Oo naman. Vodka ang ioorder ng dalawang to.
"Mamaya na ako sa heavy drinks baby." Nagwink ako pabalik.
After waiting for 5 minutes, dumating na yung drinks namin. Kinuha ko ang Martini ko at nagsip ako. Di naman ganon kasama, Kinda good. Lumingon ako sa kanilang dalawa at what caught my eye ay si Kuya Ray, 'Anlakas nya talaga uminom. Parang di sya tumitigil sa pagiinom sa glass nya. Although, kahit papaano, kahit malasing sya, wala syang nagagawang katarantaduhan. Which made me relieved. Imagining na si Angel yung bahala kung may ginawa man syang kaekekan dito. Yeesh
Nagsip nanaman ako sa glass ko at tinignan ko yung dancefloor. Andaming nagsasayawan, madaming masaya, pero may mga taong malungkot din.
"Zara, paparating na mga tropa ko. Kung gusto mo, magusap kayo ng isa sa mga kaibigan ko." Sinabi ni kuya Ray habang umaakbay kay Angel.
Nagisip ako non, of course ayaw ko. Mga kaibigan kasi ni Kuya Ray ay extreme eh. Not my type. Pero it would be lonely kung magisa nalang ako dito habang nagsasayawan silang dalawa. So it might not hurt having a new friend to talk to.
"Ah, Sige pala kuya" nginitian ko sya habang iniinom ang martini ko.
What caught my eye is yung bartender. Pogi naman. May personality kapag may kausap syang customers. Nanotice ko na may tatoo sya sa right arm nya. Parang animal na may mga flowers sa paligid, nang nakita ko may tentacles naisip ko na
"Octopus?" Bumulong ako sa sarili ko. Tinignan ko ng mabuti. Oo octopus nga. Pero bakit? Nakita ko din na may nose-ring sya.
Habang tinititigan ko sya, bigla syang tumingin sakin. Lumaki mata ko at tumingin nalang sa drink ko. Nakakahiyaaa!!
"Zar, Nandyan na silaaa!" Sinabi sakin ni Angel habang binibigyan ako ng lousy smile.
May dumating na 4 na lalaki na parang may kasamang 2 babae. One thing na pwedeng Idescribe sila ay magkakamukha lang sila. Speacially the wardrobe. What the heck?
"Zara, mga kaibigan ko nga pala. Guys, si Zara, bestfriend ng jowa ko."
Extremely awkward right now! What is thisss.
"Hello." Nagbigay lang ako ng sidesmile at maliit na wave.
"Hello!", "Hi," "Hi Ate" Lang ang naririnig ko, Mukhang friendly naman sila. Feeling ko magjowa yung apat sakanila.
"Zar, dito ka muna, Sasayaw muna kami haaaaa? Mamimiss kita babyy. Balik kami mamaya, saglit lang" binigyan nya ako ng small kiss sa noo, May naamoy din ako. Alak. Mukhang NaHit na sya. Kakausapin ko na dapat sya pero ang bilis nilang umalis. Napasigh ako.
Tumingin nanaman ako sa drink ko at pinaglaruan ang mga tissue. Well, i suppose wala parin yung makakausap ko ngayon.
"Hello,"
----
BINABASA MO ANG
Ikaw. Ako. Tayo?
RomanceBakit ba lahat ng tao nagsisintahan? Bakit ba nangyayare to sakanila? Sadya ba? O nagkataon lang? gusto ba talaga nila itong bagay na to? Love. Big word. Pero it can change everything in your life, Mahirap man hanapin, mahirap man ipakita, pero ever...