Chapter 7

1.1K 4 0
                                        

----

May aura na tumatakip sa katawan ko, mainit at malambot, yung feeling ay parang hindi ka talaga iiwanan, hindi ka bibitawan, hindi ka ipagbibigay. Tinititigan ko sya noong bigla nyang nilagay ang braso nya sa exposed kong leeg, surprisingly tumingin sya pabalik, a form of Deja Vu was happening,

Hinigpitan ko ang hawak sa plastic bag na sa loob nabubuo ang mga nabili ko sa grocery, bigla ko nalang naiisip na napakaimmature ko at biglang inalis ang mata ko sa sakanya, umalis ako sa hawak nya at nakulong sa mga pangyayari sa utak ko.

Bakit ba Zara? Hindi mo pa sya kilalang kilala yet nakikipaglandian ka na agad? Hindi mo naman sya gusto eh. Nasa likod ang mga kaibigan mo, wag mo sila bigyan ng mga ideas! Baka kung ano pa isipin.

Suprised from my actions, He seemed guilty, lumayo muna ako at umiiwas ng eye contact sakanya, or any kind of interaction pero may narinig akong mga mililiit na tawa, parang kiligin na tawa, Ayan yung sinasabi ko eh,

Tumabi muna din sya pero as time ended nagpabagal muna sya ng lakad para makacatch up sa tabi ko.

"Nauncomfortable ka ba sa ginagawa ko?"

Mukhang nagkakaroon sya ng maliit na panic attack, considering the facial expressions at tono ng boses nya, yung tono ay may tint ng pagkaconcerned, which gives him a cute image.

Hindi ako magsisinungaling, parang ligtas ako noong nagawa nya iyon kaso, may mga bagay din na minsan, You will love it but you will also hate it. Pero hindi ako papalag at maaapekto sa ginagawa nya, Yes ang sarap sa pakiramdam kung ginaganon ka pero hindi ako basta basta nakikipagakbayan,

Tinititigan nya ako pababa, somewhere sa mga mata nya humihingi ng tawad, mukhang nagnakaw ng towel sa kabilang bahay at nahuli sa ginawa nyang kalokohan.

"Paul, Okay lang kung nilagay mo kamay mo sa braso ko o kaya siko mo, Pero kung aakbayin mo kong ganon ganon lang at pinapalapit katawan mo saakin, It's a big no no" Pinaliwanag ko sakanya in the friendliest way possible, at it seems like nakikinig naman sya ng mabuti, it's nice to see na may nakikinig sayo, medyo rare na sa mga araw na ito yung mga lalakeng nakikinig

"Naiintindihan ko, kung ayaw mo muna akong makasama sabihin mo lang, bibigyan kita ng space, Sorry for bothering Ha?" Wika ni pretty boy

"Paul, Okay lang yan, baka nabigla ka lang or something, pero that doesn't mean na ayaw na kitang makasama. I was just kinda not into it, you know? Pero it's okay, i-ignore nalang natin yun" Ngumiti ako pagkatapos ng last sentence na nasaad ko. Pumayag naman sya at pinakita din ang mga ngipin nya, tinatalo ang maliliit kong ngiti, nasa tabi ko parin sya, giving me warm company.

"Arte naman!" Nagparinig si Angel, habang napatawa ang iba, indicating na nakikinig sila sa supposedly 'private talk' namin, inikot ko mga mata ko sa mga naririnig kong mga kwentuhan at tawanan na lumalabas sa mga mabibilis nilang bibig, nakatunganga at napaisip nalang na saan ba talaga tayo pupunta? Nasa labas na tayo ng mall saan pa ba tayo mapapadpad?

"Magsusunset tayo habang hindi pa lumulubog ang araw, sino sasama?" Saad ni kuya Ray, hinahawakan ang bewang ni Angel.

Tinignan ko kung nasaan ang araw, as i can see mukha ngang malapit nang gumabi. Hindi naman sya masamang plano, to be honest it might even be worth it, gusto ko din muna ihinto ang oras at manood kung paano lumulubog ang araw, yung atmosphere ay napaka relaxing at calming, It's nice to just sit down and watch thinking of nothing while letting all your worries out.

"Sige, count me in." Tinaas ni Paul ang isa nyang kamay. Pagkatapos noon sumama na din sila at ako nalang ang wala pang sinasabi.

"Zar? Di ka sasama?" Tumingin silang lahat saakin, pati narin si Paul. Tinignan ko muna sya ng ilang sigundo pagkatapos titingin na ako sa iba pero biglang binuga bunganga niya, sinasabi na 'Sige Na' ng walang boses na lumalabas. Sinisigawan na ako ng utak ko na magOo nalang ako, I mean kung hindi I won't see the beautiful sight anymore, kaya maybe I would, no no I will.

"Oo na, sasama na ako!" Nagcheer at sumaya silang lahat, pumunta na sila sa sasakyan habang nilalagay ko naman yung pinabibili ko sa trunk ng sasakyan ni kuya Ray. Napatingin ulit ako sa araw at napahinga ng malalim.

----

Nagsilabasan silang lahat para makakuha ng pwesto nevertheless nakaupo na silang lahat, feeling relaxed and comfortable.

"Sa tingin nyo bibigyan ako ng magandang score ni Sir Manny?" Tinanong ni Mae habang nakahiga sa hita ni Charm.

"Mukhang hindi naman nagbibigay yun ng matataas na grado. Tignan mo naman pagkatuck-in niya! Taas na taas!" Tumawa nalang sila at tinuloy ang pagkakwentuhan, ang ganda ng moment, yung pagkabonding nila malakas, Yung mga tawanan nila nakakasaya. Mukhang masaya talaga silang lahat.

Tumabi saakin si Paul, tumitingin sa lumulubog na araw.

"Ang ganda no?" Saad nya,

"Pero nakakalungkot at the same time," Saad nanaman nya.

Tinignan ko sya, confused.

"Bakit naman?" Inayos ko upo ko.

"Ang ganda tignan lumubog ang araw, kaso sa bandang huli, matatapos ang lahat. Mawawala na ang ganda." Inalis nya ang huling petal sa bulaklak habang sinasabi ang sincere thoughts nya.

Hindi ko maakalain na makikita din nyang maganda ang science and possibilities sa pagsusunset.

"Siguro," I hesitate

"Pero pagkatapos umalis ang araw, may maipapalit na mas maganda pa. Minsan maiisip mo na ano bang maganda sa gabi kundi kadiliman lang? If there is darkness there will always be light, kaya nga may purpose ang mga bituin diba? Nandoon sila sa taas, nagbabantay, kinakalat ang kagandahan nila, kumikintab, sharing light everywhere! Everything is beautiful." Tinignan ko sya, ngumingiti.

Mukhang nawala mukha nya, hinahanap kung ano ang pwedeng sabihin.

"Iba ka talaga," Nilapit ang katawan nya, looking at me deeply from before, nangiwan ng isang maliit na ngiti, lahat ng bagay malabo maliban sakanya, just by smiling at me nararamdaman ko yung maiinit na fluids, stroking through my cheeks.

Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi to yung usual form ko. Iba ang lugar, ang atmosphere.

"Alam mo, sa moment na ito, ang ganda mo tignan." Inalis nya mata nya saakin at tumingin sa nawawalang araw, smiling softly.

Nagulat ako sa sinabi nya, napaisip kung totoo nga ang lumabas sa bunganga nya.

Napatingin din ako sa lumulubog na araw, enjoying the view, feeling the fresh air slapping on my face, hearing the laughter from everyone, napangiti nalang ako, habang nararamdaman parin ang mainit kong blushes sa pisngi, hinihintay umalis ang araw at lumabas na din ang mga maliliit na bituin.

----

Ikaw. Ako. Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon