Chapter 5

1.3K 4 1
                                    


----

Nagbigay ng isang maalatiit na tunog noong binuksan ko ang maliit kong bathroom, bunuksan ko ang ilaw at tumingin sa salamin,

Hinawakan ko ulo ko, "Anong nangyare kagabi?.." Imbis na sagutin ko na din sarili ko, nagsipilyo muna ako at naghugas ng mukha, kumuha ako ng sulyap sa tumutulong tubig sa lababo, at ilang oras na ay lumabas na din ako ng bathroom, what caught my attention ay yung phone ko na nagvivibrate na may kasamang mga magagandang tono, clarifying na may tumatawag

Angela is Calling You

Tinignan ko yung picture nya na kunwareng nagsisigarilyo habang nakaupo sa pole stage, ito yung pinuntahan naming party na muntik nang maghubad tong gagong to, I laughed slighty at my small memories, without having second thoughts sinagot ko agad,

"Bakit nanaman," saad ko

"gaga samahan mo nga ako maya sa grocery wala akong makain at kasama, isasama ko na sina Mae" wika ni manang

"baka di ako payagan, kakalabas lang natin kahapon nimal ka",

"Saglit lang naman eh, pleasee"

"Tatanungin ko, magbihis muna ako, sabihin ko sayo kung pinayagan ako." Tinignan ko yung kisame

"Okay, labyuuu" natapos na ang tawagan namin at humiga muna ako,

napatingin ako sa lampshade na nakasarado, habang may nakita akong balbado na papel sa tabi nya

Yung numero ni Paul.

Naalala ko tuloy mukha nya, bumilis ang takbo ng puso ko at uminit pakiramdam ko, kinuha ko agad yung papel at tinignan ng mabuti, napangiti ako sa maliit nyang effort sa pagdradrawing ng maliit na smile sa huli, pano nya nga pala nasulat to? Hindi ko naman sya nakikitang nagsusulat noong nakasama ko sya, Sa dami kong saloobin binuksan ko cellphone ko at inisipan na idial ang mga numero, kaso

"SARAH!!," may sumigaw ng pangalan ko, nanggagaling sa pintuan, ang tinig at tila nabuo ng boses ng bata, masasayang, maliliit, at nakakainis na tinig.
Ang larawan ng aking maliit na kapatid na babae ay dumating sa aking isip.

"KAIN NA DAW!" Isinigaw nya muli. Grabe wala manlang ate? Qiqil nah.

Sumigaw ako pabalik ng isang simpleng 'susunod na ako' habang sinusuot ko ang mga damit kong made of cotton, I looked one last time at the crippled paper.

----

"Sarap ng tocino tito!" wika ng kapatid ko,

"Talaga? Sige ubusin mo pala yan lahat para lumaki ka bebe" sabi ng beki kong 'tito'

"Tito, mataba na nga si Zyree ipapakain mo pa, maawa ka naman sa mga batang nagugutom dyan sa tabi tabi!" kunwareng napapaluha ako habang dinidilaan ko si Zy.

Iniirapan ako ng matigas, "Tito dinidilaan ako!!" Sinumbong na ako.

"Zara! Hayaan mo na nga kapatid mo kumain, anong magagawa natin kung baboy sya?" Sumali na si tito

"Tito naman eh!!" Umiyak na si Zy.

"Ay tito! samahan ko daw sina Angela bumili ng pagkain mamaya, kung pwede?" Sinubo ko ang pagkain na nasa aking kutsara habang nagcrocross fingers, totoo o hindi gagawin ko pa naman din kasi isa akong inosenteng bata, yehey!

"Labas ka nalang kaya araw araw? Ay nako, nakakakaloka ka na Zara ha"

Kailangan ko talaga magisip ng dahilan, gusto ko din kumain ng pagkaing labas mamaya.

"Kasi tito, naghiwalay nga magulang nila tas nakatira na sya sa isang apartment, diba wawa naman? Magisa nya lang." At least parang convincing no? Sana gumana.

"Hay nako, O sige, pagbalik ni mama mo dapat nandito ka na, saglit lang kayo ha?" Wika ng mamang habang sya'y nagaayos ng buhok.

Bingo.

----

"Akala ko kakain ka ng healthy? Eh chips at sweets yang pinagbibili mo." Hinawakan ko tinignan ng mabuti yong bibilhin nyang pop tarts.

"Wala naman akong sinasabi eh at hindi naman mashadong marami no!" Tumalikod sya nang may hawak syang dosenang pop tarts. "Hindi talaga tumitigil yang bibig mo no" Pinanood ko syang nilalagay ang mga device made junk foods sa cart.

"Saan ka ba nakakakuha ng pera? Nangungupit ka pa ba hayop ka?" Tinulak ko yung cart sa tabi para sa mga dadaan.

"Nagtitinda ako drugs. Hardcore drugs" kumuha sya ng cereal

"Hala ano klase?" Nagform ako ng surprised expression para maencourage ko sya sa joke nya

"Coke," nilagay nya sa cart yung cereal

"Hala! Cocaine?"

"Gaga hindi, Coke yung iniinom, pati Pepsi at sprite, kung gusto mo nagtitinda din ako ng Fanta at citrus para may Vitamin C"

"May nalalaman ka pang Vitamin C gaga ka, eh di ka nga kumakain ng maayos." Pumunta na kami sa counter "Asan na nga pala yung mga yun," Nilagay ko mga pinagkukuha nya sa counter ng cashier.

"Sa foodcourt natin makikita yung mga yun, Hala Zar" Tinuro nya ang deriksyon sa stall kung saan may nakalagay na condoms.

"Flavour Organic, Banana, Fish?? Ano bibili ka ba? Pangpaproteksyon daw oh" hinarap ko sakanya ang pack

"Gago dugyot very bad yan, naaccept na ako ni Fader wag ka" Tumawa nalang ako, nagbayad na kami at naglakad papuntang food court.

Hinanap namin sila at in anyway nakita na namin mga mukha nila, umupo kami at nagpahinga habang naggregreet sa isa't sa', namalayan ko na parehas ng damit, nagpakilay at nagpacurly silang dalawa! "Mae, Charm, mukha kayong Principal na may problema sa sexlife nya," Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Angela.

"Oo ngaaaa! Anong ginawa nyo? Para kayong tinapon sa Dagat na nahuli sa commercial ni Piolo." Tumawa nanaman ako ng malakas

"Gaga! Nagpopoints lang kami sa mga gusto ng kabataan nyayon no! Sabi nga nila #kilaygoals" nagpose si Mae.

"Kilay para sa mga taong mukhang gulay, broccoli sisters forever? Gaga hindi! Walang forever, di kayo bumabata alam nyo ba yon? Mukha kayong cougar."

"Temporary lang naman to mga bes. Let be your haters make your motivators" Naglast pose na din silang dalawa.

"Ano daw? Gaga talaga kayo, wrong phrase at grammar pa! Bibili nalang ako ng makakain natin para hindi na natin pagusapan nyang mangkukulam nyong outfit.

"Teka teka, may gusto muna akong ikwento at sabihin sainyo," since source ng kachismissan tong si Mae huminto muna kami at nakinig, umupo sya nga maayos nang parang may ibubuhos na juicy stories.

Nang nakita namin si Mae na umupo ng maayos napaupo din kami ng maayos at nakinig ng mabuti, parang lumalaki na nga mga tenga namin eh, lumapit sya at bumulong, I can clearly hear her heavy breathing.

"Gusto ko ng Mozarella Sticks"

Ayan gago! Chismosa ka kasi, "Puta ka yun lang naman pala" Saad ni Angel, "Paasa ka leche, akala ko kung ano na! sige na nga, ako nalang bibili," tinanong ko kung anong gusto nila, hindi naman ako magugulat kung marami ang ipapabili nila kasi alam ko naman na matakaw tong mga to, either way binigyan ako ng mga pera, naglakad ako papuntang Pizzahut at Tacobella para bumili,

"Zara! Magala ka pala no?"

Tinulak ko ulo ko kung saan ko narinig yung mga boses na nageexpress ng laughter, yung rough at low voice na yon, lumaki mata ko, napailing ako, tumigas ngipin ko, nakita ko nanaman sya.

"Paul..!,"

----

Ikaw. Ako. Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon