Chapter 4

37 12 3
                                    

Chapter 4

Office Trouble

*ringgg*

Yes Maam?"

(Can you come here in the office today? There's an emergency so I hope you can come.)

"Yeah of course Maam. What time should I get there?"

(1:30 pm. Is that okay with you?)

"Yes, no problem at all Maam. Have a nice day."

*toot toot*

Pumunta ka sa tapat ng salamin na na sa may sala ni Jimin para tignan kung maayos ba ang itsura mo.

Kinuha mo ang maliit na hairbrush na palagi mong dala mula sa bag mo.

"Sino 'yon?" Hindi mo napansin na nakasunod na pala si Jimin dahil abala ka sa pagsusuklay ng buhok mo.

"Ah, wala. Nagka-emergency daw kasi sa office kaya kaylangan kong pumunta ngayon sa school kahit walang pasok yung mga estudyante." Paliwanag mo.

"Ah. Aalis ka na?" Aniya na parang ayaw kang paalisin dahil sa tono ng boses niya.

"Uhm, mamaya pa." Tila nabuhayan ito ng loob dahil sa sinabi mo. "1:30 pm."

Tumango naman ito na parang nag iisip.

"So, halos six hours ka pa dito?" Tanong niya.

"Kapal mo ah, hindi ako mags-stay dito. Uuwi na ko." Akmang kukuhanin mo na ang bag mo na na sa ibabaw ng sofa pero pinigilan ka ni Jimin.

"Dito ka muna." Aniya.

"Baka ma-late ako, kailangan ko pang mag-ayos. Dapat presentable ako sa work no."

"Bakit? Anim na oras ka bang mag-aayos?" Sarkastikong sabi nito.

Napa-irap ka na lang sa hangin.

"Fine."

---
"WAAAAHHH!"

"Ayoko na niyan! Huhuhu." Ang tanging nasabi mo nalang dahil sa sobrang gulat.

"Hahaha! Hindi naman nakakagulat ah? Teka," sabi ni Jimin at ini-angat ang mukha mo. "Umiiyak ka ba?"

"Eh kasi naman eh! Ayoko na niyan. Uuwi na ko."

"Uy, teka lang." aniya.

Ipinatong niya ang ulo mo sa balikat niya.

"Pumikit ka na lang. Pagkatapos ng movie na 'to papayagan na kitang umalis." Then he smiled.

Aish. He's so cute. Iyan ang na sa isip isip mo bago mo ipinikit ang mga mata mo at hindi na namalayang nakatulog ka na pala.

---
Nagising ka dahil sa pito ng isang takure.

Pupungas-pungas kang bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa at tinanggal ang kumot na nakapatong sa iyo.

Option || p.jm || On GoingWhere stories live. Discover now