Chapter 9
Tiffany's POV
"Teka nga lang!" Sabi ko kay Jungkook habang kaladkad kaladkad pa rin niya ako sa may braso.
Kabababa lang namin dito sa 7/11.
"Bakit ba ang ingay ingay mo?" Iritableng saad niya sa akin.
"Bakit ba kasi ayaw mong makinig?" Sabi ko naman sa kanya habang sinusundan ko siya na papasok sa 7/11.
"Good morning sir, ma'am." Masayang bati sa amin ng babaeng guard na nagbukas ng pinto para sa amin.
Tipid na ngiti ang isinukli ko sa kaniya samantala hindi manlang ito tinignan ni Jungkook at nilagpasan niya lang ito kaagad para dumiretso sa shelf kung na saan ang mga cup noodles.
"Pst!" Kalabit ko kay Jungkook na ngayon ay busy sa pagpili ng flavor ng cup noodles na bibilhin niya.
Itinaas niya ang Jjampong at Seafood cup noodles. Balik balik niya iyong tinitignan.
"Bakit? 'Di mo kaya 'yang maanghang no?" tanong na may halong pangangantyaw ko sa kanya kaya nalipat sa akin ang atensyon niya.
"Psh. Hindi ah. Wala namang anghang 'to." Mayabang na saad niya at tsaka dumiretso sa counter para bayaran iyong cup noodles na binili niya. May kinuha muna siya malapit doon sa counter bago iniabot ang bayad sa cashier.
"Oh." Abot niya sa akin nung Snickers.
Tinitigan ko lamang iyon.
"Ang pagkain, kinakain. Hindi tinititigan." Aniya habang binubuksan iyong Snickers at tsaka niya muling ini-abot sa akin iyon.
"Thank you." Tipid kong sabi pagkatanggap ko habang naglalakad papunta doon sa isang lamesang walang nakaupo. Umupo naman si Jungkook sa harap ko.
Nagsasalin siya ngayon ng mainit na tubig doon sa cup noodles na binili niya."Pwede na ba 'kong mag-explain ngayon?" Sabi ko habang ngumunguya ng chocolate. Tumango lang siya at tsaka sinumulang kainin ang noodles.
"Ganito kasi 'yon. May kaibigan kasi ako na kagagaling lang sa ibang bansa tas ikakasal na siya. Ipapakilala niya kasi dapat sakin yung fiancé niya ngayon eh." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oh? Ba't naman kailangang may kasamahan ka pa? Ano ka, batang paslit?" Masungit na saad niya at tsaka muling sumubo ng noodles at humigop ng sabaw nito.
"Eh kailangan ko kasi ng ka-date—"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla siyang bumuga.
"ANO?!" Sigaw niya na naging dahilan ng pagtuon ng atensyon ng mga customer na nandito ngayon.
"Ba't hindi mo kaagad sinabi?!" Mariing saad niya.
YOU ARE READING
Option || p.jm || On Going
Historia CortaIn which a self-centered and an 'oh so perfect man' named Jimin Park met a girl who will change his priorities.