Chapter 6
Silly
*knock knock*
"Come in." Wika ni Maam Riego galing sa loob ng silid.Tiningala ka nito, pagkatapos ay kaagad nagsalubong ang kilay niya noong nagtama ang paningin ninyo.
"Why are you here?" Mataray na sabi nito.
"Uhm, Maam," nagdadahan dahang sabi mo habang nangangapa ng mga salitang dapat mong sabihin. "Do you happen to know a student here named Jungkook?"
Bahagyang natigilan si Maam Riego pagkatapos mong itanong iyon.
"Yes, well he-he happen to be m-my.." sa hindi ma-ipaliwanag na rason ay biglang nag iwas ito ng tingin sa iyo. "He's my nephew why?"
Aniya pagkatapos huminga ng malalim.Biglang nagsink-in sa iyo ang sinabi noong lalaking kausap ni Jungkook kanina na,
"pagnalaman 'to ng tita mo, tiyak na malalagot ka."
"Ah, w-wala po, nga po pala, kapatid niyo po yung tatay niya? Or yung m—"
Hindi mo na naituloy ang dapat sasabihin mo dahil kaagad na nagsalita ang kaharap mo. Iniiwasan ang usapang iyon.
"Enough about him. So, how about the key? Have you found the key?" Taas kilay na wika nito.
"Ah! Yes Maam!" Sabi mo at tsaka natatarantang kinuha ang susi sa bulsa mo. "E-eto po."
"So," taas kilay muli nito. "Where did you find it?"
Nagdadalawang isip man ay napagpasyahan mong 'wag nang banggitin pa na ang sariling pamangkin niya ang kumuha nito.
"Naiwanan ko lang po sa bahay." Sabi mo.
"Well, then you are lucky. Buti hindi mga masasamang loob ang nakakuha ng susi dahil tiyak na hindi mo na iyon mababawi." aniya at bumalik na ulit sa ginagawa nito.
Bahagya kang yumuko at lumabas na rin ng opisinang iyon.
"Ibig sabihin ba noon ay hindi masamang tao si Jungkook dahil binalik pa rin niya sakin yung susing siya mismo ang kumuha? Hays, ewan!"
————————
[6:00 pm]
Bumaba ka ng sasakyan mo ubang buksan ang garahe at maipasok na ang kotse mo roon nang bigla,
"Ginabi ka yata?"
"Ay KABAYO!" Bahagyang napatalon ka pa dahil sa gulat habang nakahawak sa dibdib. Kumbaga, normal na reaksyon ng nagulat.
"Hahaha, ang gwapo ko namang kabayo?" Aniya habang nakangisi at ang mata ay tila nawawala.
Di mo alam kung nagtatanong ba ito o nagmamayabang kaya napairap ka nalang sa hangin.
"Hey, easy! Haha. I'm just kidding." Aniya habang sinusundan ang bawat lakad mo.
Hindi mo pa rin ito pinapansin at dirediretso lamang din ito sa pagsunod sayo hanggang sa loob ng bahay mo.
YOU ARE READING
Option || p.jm || On Going
Short StoryIn which a self-centered and an 'oh so perfect man' named Jimin Park met a girl who will change his priorities.