Chapter 1

140 15 0
                                    

Chapter 1

Six Pack Abs

Isang magandang umaga na naman ang bumungad sa iyo.

"Haist. Ang sarap talaga ng sariwang hangin sa umaga." Sabi mo habang nag uunat-unat dahil kagigising mo lang.

Habang nagii-stretching ka ay may natanaw kang isang malaking truck na may dala dalang mga gamit sa bahay. Papunta ito doon sa bakanteng bahay na katabi lang mismo ng bahay mo. May kalakihan ito keysa sa bahay mo at black and white ang kulay noon.

"Huh? May bumili na pala ng bahay na 'to?" Napaisip ka bigla. "Ang akala ko eh walang bumibili nito kasi sobrang mahal daw." Sabi mo sa sarili.

"Well, I should go and welcome that new neighbor. Ang talino ko talaga!" pampupuri mo pa sa sarili mo.

Pagkatapos noon ay pumasok ka na sa loob ng bahay mo na ikaw lang ang nakatira.

Na miss mo tuloy bigla yung pamilya mo.

Lumipat ka sa subdivision na tinitirahan mo ngayon dahil mas malapit ito kumpara sa bahay niyo. Nagtatrabaho ka bilang isang cashier sa isang pribadong paaralan. Malaki ang sweldo mo doon kahit na pribado ang paaralan na iyon. Marami kasi ang nag aaral doon dahil sikat ito.

"Na mimiss ko na si Karl."

Si Karl ang boyfriend mo kaya lang kinailangan niyong malayo sa isa't isa dahil meron kayong kanya kanyang trabaho. Nagtatrabaho siya bilang isang nurse doon sa ospital na malapit sa bahay niyo ng pamilya mo. Mas lalo kang nag aalala dahil isa siyang babaero, womanizer. Pero kahit ganoon ay mahal na mahal mo pa rin ito.

Pagkatapos mong makapag isip isip ay agad kang pumunta sa malapit na supermarket sa labas ng subdivision niyo. Bumili ka ng ingredients ng iluluto mong ulam at yung ibibigay mo rin sa bagong lipat mong kapit bahay.

Matapos mong mabili lahat ng kailangan mo ay umuwi ka na agad. Nadaanan mo pa yung bahay at wala na ang mga nagbubuhat ng mga gamit kanina at bukas na rin ang ilaw doon.

"Ang bilis naman yata nilang natapos?"

Nilagpasan mo na ang bahay na iyon at dumiretso na sa kasunod nitong bahay. Ang bahay mo.

Naplanuhan mong iluto ang adobo dahil masarap ka talagang magluto noon. Turo pa yun ng mama mo sayo.

Pagkatapos mong mailuto ang adobo ay kumuha ka agad ng tupperware na paglalagyan ng niluto mo.

"Okay! Let's go." Sabi mo pagkatapos mo itong mailagay sa isang tupperware.

Pagkalabas mo sa pinto ng bahay mo ay bumungad sa iyo ang care taker ng club house sa subdivision niyo.

"Magandang umaga po, Ma'am!" Masayang bati niya sa iyo.

"Magandang umaga din po." At nginitian mo siya at yumuko ng bahagya.

"Saan po ba ang punta niyo?" Aniya.

"Dito po sa kapit bahay na bagong lipat. Balak ko lang kasi sana siyang i-welcome dito." Sabi mo naman.

"Nako ineng. Mag ingat ka diyan at ang balita ay masama daw ang ugali noong bagong lipat. Palibhasa ay mayaman. Tsk tsk." Pagwawarning sa iyo noong care taker.

"Ah, ganon po ba? Hindi naman po siguro. Sige po mauna na ko."

"Ahh sige ineng."

Habang naglalakad ka palapit sa bahay na black and white ay napapaisip ka tungkol doon sa sinabi ni Kuyang care taker.

"Hindi naman siguro totoo yun, balita lang naman daw diba?" Pangkakalma mo pa sa sarili mo.

"Wooh. Here I go."

*knock knock*

"Tao po?" Pagtawag mo pa. Pagkatapos noon ay nakarinig ka na ng yabag ng paa na nakapagpa huramentado lalo sa iyo.

"Who is it?" Narinig mong sabi ng isang boses habang binubuksan ang lock ng pintuan sa loob.

Nang makita mo kung sino ang nasa harapan mo ay nakapagpanganga talaga sa iyo ng lubos. Idagdag mo pa na kagagaling lang nito mula sa pag sha-shower at DANG!

"Six Pack Abs?!"

Option || p.jm || On GoingWhere stories live. Discover now