V: Amusement 💋

4 0 0
                                    

5:15 palang ng umaga, nasa school na ako. Wala pang masyadong estudyante at madilim pa. Habang naglalakad papasok ay nalalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin na dala ng ber months.

Pagkaakyat ko sa room, wala pang tao. Umupo nalang ako sa upuan ko at umub-ob sa desk. Ang tahimik masyado, the peace that i wanted.

"Lily girl!"

Nagising ang diwa ko sa yumugyog sa akin.

"Hmm"

"Uy gisingggg"

Hinawi pa ng kung sino man to yung buhok na nakatabing sa mukha ko.

Maingat kong inangat ang ulo ko tsaka hinarap ang makulit na si Beah habang inaayos ang buhok kong nagulo. Nakaidlip pala ako kanina.

"Oh bakit?"

Tinignan ko ang paligid ko at marami-rami narin palang kaklase namin ang dumating.

Pagbalik ng tingin ko kay Beah, nakakunot ang noo nya at nakangiwing pinapasadahan ako ng tingin.

"Anong drama yan Lily? Jusko. Wasted much? Para kang zombie. Anlaki-laki ng eyebags mo at mamaga-maga pa!"

I cried myself to sleep again last night. Kaya pagkagising ko kanina, pak na pak yung eyebags ko. Pumipintig pa ang sentido ko dahil hindi na ako kumain pa kagabi plus hindi ako gaanong nakatulog. Daig ko pa ang may hangover.

Napabuntong hininga nalang ako at sinandal ang nananakit kong ulo sa balikat nya.

"Nag-away nanaman kami ni papa kagabi"

Mahinang pag-amin ko sakanya habang nakapikit.

Kumalma naman sya at hinaplos ang buhok ko.

"Same old reason?"

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi na ito bago sakanya. Lagi namang yun ang dahilan ng pag-aaway namin ni papa.

"Ayos lang yan bestie, hindi lang maintindihan ni tito ngayon. Malay mo someday, suportahan ka na nya sa lahat"

"I hope so."

Tinanggal nya ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat nya at hinarap ako.

"Patunayan mo nalang sakanya na kaya mong islay both studies at passion!"

Pagcheer up nya sakin nang naka todo ngiti saka nag-fighting pose.

I just smiled weakly at her while really hoping na magdilang anghel siya.

-----

"Sorry Lily, bilin kasi ni mama umuwi muna daw ako bago magpractice e"

Uwian na at sadly, hindi ko makakasabay si Beah sa pagpunta ng MR ngayon.

"Osige. Ayos lang."

"Sorry talaga ah? Alam mo namang natatakot akong suwayin yun at baka hindi ako paattend-in ng practice"

Kung sa akin, si papa ang tutol sa pagiging member ko ng choir, mama nya naman ang kontra sakanya. Nakakatakot ang mama nya kapag nagalit at pag may sinabi sya yun na yun, final. Kaya hindi sya sinusuway ni Beah.

"Oo na po."

"Pakisabi kay sir mamayang 3pm nalang ako aattend hehe"

"Oo na sige na. Ingat pauwi."

"See you laterrr!"

Kumaway sya sakin at bumaba na ng hagdan. Inayos ko ang strap ng bag ko at mag-isang tinahak ang daan papuntang MR.

Pagkabukas ko ng pinto, tahimik na silid ang bumungad sakin. Walang tao maliban sa taong nakaupo sa harapan ng grand piano.

Iniangat nya ang tingin nya nang maramdaman ang presensya ko atsaka ako nginitian ng bahagya.

Furtive LoveWhere stories live. Discover now