III: New Person 💋

2 0 0
                                    

"Magpapafiesta na ba kami Lily? Shook kami sa biglaan mong pagappear ha." Exaggerated na saad ni Frida.

Nasa school canteen kami at kumakain. Recess na namin at dahil namimiss ko na sila, i texted them para magsabay-sabay kami sa pagkain.

Sila talaga ang bffffffffff ko. Four years na ang friendship namin at every year kaming magkakaklase, as in. Yun nga lang nagkahiwa-hiwalay kami this school year at dahil graduating, suppeeerrr busy. Lalo na ako dahil busy din ako sa org. Kaya isang himala para sakanila ang pag-aya kong kumain kami nang sabay.

"Miss ko na kasi kayo"

Pag-amin ko habang nakapout pa.

"Ambusy mo kasi sa choir" nagtatampong reklamo ni Gabrielle.

Napabuntong hininga nalang ako at sumubo ng chips bago sumagot.

"Sorry Gabby. You know magde-December na."

"Speaking of December, marami kayong contests diba? Manonood kami ha!" Excited na sabi ni Iris.

"Syempre naman, hehe"

"Para saan bang contest yung pinapractice nyo recently?" Nakakunot noong tanong ni Yrene habang nginunguya ang kakapasak nya palang sa bibig  na dalawang kutsarang kanin at ang kapiraso ng ulam nyang porkchop.

"Te, ang poise mo" puna ni Frida kay Yrene.

Natawa naman kaming lahat habang napairap naman si Yrene. Kung ano kasing ikina-demure ng pangalan nyang 'Yrene', yun naman ang ikinawala ng poise nya, hahaha. Lalo na pag pagkain ang pinag-uusapan. Kiber na sa poise basta makakain. Sa aming lahat siya ang happy-go-lucky. Mahilig sa word na 'hayaaan mo na', 'okay na yan' at 'bahala na'. Siya rin sa lahat ang pinakabaliw. Hindi mo gugustuhing makasama siya dahil may magagawa siyang ikapapahiya mo.

"E sa gutom ako te. Inaantok na nga ko sa paraan ng pagkain nyo. Ambabagal! 30 mins. Lang ang break mga te."

Napailing nalang si Frida. Si Frida naman ang counterpart ni Yrene. Poise kung poise. Kahit sa paglalakad lang, napakabagal. Parang ninanamnam pa bawat steps.

Kung idedescribe ko naman si Iris, siya ang Ms. Goody samin. Sya ang pinakamabait saming lahat, pinakamaeffort at pinakasweet. At parang nanay mo kung manermon. Si Gabby naman, siya ang pinaka-maliit samin. Lahat kasi kaming magkakaibigan, matangkad. Height nya lang ang napag-iwanan. At sya ang pinakapabebe sa lahat, sa pananalita at pagkilos. Pero baliw din. Hahaha.

"So ayun na nga. Para saang contest yung pinapractice nyo ngayon?"

"Yung stage play."

Oa na napasinghap naman si Gabby.

"Omg girl! Kasama ka na sa casting at last?!"

"Yup" malaki ang ngiting sagot ko.

"Ay! Libre mo kami sa korean resto girl! Sa wakas! Hahaha." Nasasabik sa libreng sabi ni Yrene with matching palakpak. Tsk. Mukha talagang pagkain.

"Anong role mo, Lily?" Tanong ni Iris.

"Guess what" paghahamon ko na may ngiti sa labi.

"Ay! Hahaha. Atsay ka lang no?" Natutuwang sabi ni Yrene.

Napakunot ang noo ko.

"Atsay?"

"chimay, atsay, katulong, muchacha! duh?!" taas kilay na sabi ni Frida.

"Ang over nyo naman!" Di makapaniwalang sabi ko.

Ako? Chimay lang? Grabe ah *pouts*

"Hindi ah! Bida kaya ako!"

Furtive LoveWhere stories live. Discover now