VI: Sneaky Signals 💋

2 0 0
                                    

One week nalang at contest na. Marami ng progress sa presentation namin dahil todo ang practice namin last week. Sa katunayan, tapos na talaga namin i-practice lahat ng scenes hanggang ending. Kaunting mastery nalang daw ang kailangan according to sir.

"Paabot ng glue"

Tinuro ko ang glue na malapit kay Jen.

"Ito ate."

Kinuha ko naman ito at nilagyan ng glue ang colored paper.

Dahil todo ang pagpapractice namin last week, hinahayaan muna kami ni sir na magchill. Kailangan muna daw namin i shake off ang pressure at kaba. Nandito kaming lahat sa music room, mapa-juniors, seniors pati alumni. Yung iba samin naglalaro ng gadgets, yung iba nagdadaldalan, yung iba kumakain, yung iba dahil sa sobrang pagod, ay tulog. Yung iba naman naghaharutan lang, yung iba gumagawa ng requirements. Ako naman, tumutulong ako sa paggawa ng paper flowers para sa props namin.

"Ate Lily!"

Nilingon ko si Fern na nasa bungad ng pinto ng room.

"May naghahanap po sayo"

Tinanguan ko nalang sya. Binaba ko naman ang hawak kong paper flower at tumayo para labasin yung nagpatawag saakin.

"Baklaaaaaa!"

Lumawak naman ang ngiti ko at tumakbo at yumakap sa mga bruha.

"Bat andito kayo? Uwian nyo na dapat ah? Hahaha"

Tinignan ko sila isa-isa. Well prepped ang mga lola nyo. Mga fresh na fresh na nakapulbo at liptint samantalang ako haggard to the highest degree.

"Late lunch tayo haha. Miss ka na namin" si Frida na kumapit sa braso ko.

"Waitwaitwait!" Pagpigil ko sakanila at tinanggal ang pagkakakapit ni Frida sakin.

"Magpapafresh muna ko hahaha! Ang haggard ko e, wait lang ha"

Hindi ko na inantay ang sagot nila at pumasok na muli sa loob. Nilapitan ko ang bag ko at dinukot ang powder. Nag-apply ako ng light powder sa fez at naglagay ng kaunting liptint. Sinulyapan ko sa screen ng phone ko kung ayos na ang itsura ko tsaka kinuha ang wallet ko.

"Guys, mamaya nalang ulit ako tutulong ha. Magla-lunch lang kami ng friends ko sa baba"

Nilingon naman ako ni Nerissa at ngumiti.

"Sige lang ate, kami na bahala dito"

Nginitian ko nalang sya pabalik at nagdire-diretso na palabas.

Umangkla nanaman si Frida sa right side ng braso ko at si Gabby naman sa left side ko.

Si Iris at Yrene naman ay sumabay nalang saamin sa paglalakad.

"Ano order mo?"

Tanong sakin ni Iris.

"Hmm"

Tumingin ako sa menu at dahil malabo ang mata ko, sinuot ko muna ang salamin ko at tuminging muli sa menu.

"Burger at fries lang sakin. Tapos softdrinks."

Agad ko namang nasulyapan ang pag-ngiwi ni Frida.

"Junkies?"

"Ilang linggo na kong walang junkies. At ilang linggo narin akong stressed. Incentive ko na yan sa sarili ko since i've been overworking myself these past few weeks."

Umiling nalang si Frida at umorder ng "healthy" food nya. Napahalakhak nalang ako mentally. Palibhasa bawal sya sa too much junkies.

Pagkaorder naming lahat ay naupo na kami sa table na 6 seater.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Furtive LoveWhere stories live. Discover now