CHAPTER 1

559 8 0
                                    


  Jennie's Pov 

 Hi ako si Jennieca, Jennie for short. At nandito ako ngayon sa kalsada kung saan ako'y tumatakbo. Pano ba naman kasi? First day na first day, late ako. Nakakainis naman kasi yung traffic kanina, sana pala nag bus nalang ako. 

 Nang makarating ako sa may main building agad agad kong hinanap ang section ko, bigla akong kinabahan. Panibagong school, means panibagong classmates, madami akong nakitang mga pangalan bago ko mahanap yung pangalan ko.

 At nakita ko na sa 9-A pala ako naka lagay, agad agad naman akong umakyat kung saan yung room na iyon. At saktong pagdating ko narinig ko na nakakailang tawag na yung magiging adviser ko. 

 " Miss I'm present! " 

 She gestured me to fall in line. Halatang di pa sila pinapapasok dahil nagtatawag pa si miss. Matapos ang pagtatawag, pinaalis na ni miss yung mga parents ng kaklase ko at nagsimula na kaming pumasok. 

 Nakakapanibago yung classroom, hindi naman sa salbahe o maarte ako pero di ko masyadong gusto yung classroom madumi kasi tignan, tapos yung salamin may basag pa.

 Pinaupo ako dun sa may bandang dulo ng classroom, kakaiba yung pagkakalagay nila ng tables dito. 3 table siya na pinagdugtong dugtong tapos sa isang table 2 tao lang ang pupwede. 

 Sunod sunod ng pumasok ang mga kaklase ko at nang matapos na kami ay nag start ng iintroduce ni miss kung anong school itong papasukan namin.

 Lumipas ang ilang oras break time na, ang sabi ni papa may aakyat daw sa room namin at may magtitinda pero parang wala naman kasi first day palang. Kaasar nagugutom na is me. 

 " Korean ka pala? " 

 Nagulat ako ng bigla akong kausapin ng kaklase ko na nasa harap ko. Wala akong masabi kaya ngumiti nalang ako. 

 Hindi ako koreana ha? Filipina ako, nagsusulat kasi ako ng hangul sa notebook ko kaya niya nasabi yun at muka naman din akong koreana eh, charot. HAHAHAHA.

 " Mahilig din sa mga korean si Yeri. " sabi pa niya. Yeri? Sino yun? Nahalata niya siguro na di ko kilala kaya tinuro niya. 

 " Ayun oh." tinuro niya yung babae na chubby na naka-earphones at may hawak na ipod. Napatango nalang ako.

 " Ay oo nga pala, ako nga pala si Chris. Nice meeting you. "

 " Jennie. " sabi ko at napatango nalang siya. Hindi naman sa cold ako pero mahiyain kasi ako. Tska hello? ako lang yung babae dito sa group namin! 

 " Casper, kung subukan mo kayang mag pakilala? Ikaw din kuya, ikaw, at ikaw din. " tinuro niya rin yung iba pa naming kasama na lalaki.

 " Gulo mo Chris, ako nga pala si Casper. Nice meeting you. " May kaunting katahimikan bago nagsalita ulit si Chris.

 " Ikaw kuya, anong pangalan mo? " tanong niya sa katabi ko.

 " Ako si Jam. " May pagka ngongo pala tong isa nato? HAHAHA. 

 " Ako si Ron, nice meeting you. " Sabi naman nung lalaking naka salamin na katabi ni Jam. Hindi na nagsalita yung lalaking katabi naman ni Ron, kaya inencourage ko siya.

 " Ikaw kuya? anong pangalan mo? "

 " Vinz. " Mukang cold tong isa nato, pero may itsura, maputi din siya at mataba. HIHIHI😂 Muka ding matalino. 

 Matapos naming magpakilala nagtanong tanong kami sa isa't isa, kung sang school kami galing, kung anong hilig at madami pa. Di naman pala mahirap kasama tong mga to.  

-------------------------------

Follow me on twitter! ^^ 


We're Both UncommonWhere stories live. Discover now