Jennie's pov
So ayun nga, second day of school na at nalaman ko na isang linggo pala yung parang seminar. Sinabi din samin ni Ms. Sheila kahapon na kailangan naming gumawa ng class show chuchuness.
" Ron! ano ba?! nakikinig kaba?! " sigaw ni Raine.
" Oo! nanaman yun? " sigaw ni Ron pabalik.
Nandito kami ngayon sa isang park kung saan kami nagpapractice para sa class show bukas, uwian na rin namin kaya ayun.
Sila Raine, Julie, Yeri, at Mar ang magtuturo ng sayaw at sa ngayon inaayos palang ni Raine yung formation.
" Yieee Casper and Mar! ang sweet! "
" Hoy Julie kung tulungan mo kaya ako diba?! "
" Ay sorry na! HAHAHA. "Sa maikli naming pagsasama nalaman ko na halos lahat ng kaklase ko ay mga magkaklase na noon. Ako lang yung walang kaklase noon kasi galing pako sa malayong school.
Habang pinapanood kong mag away sila Julie at Raine at mag asaran yung mga kaklase ko. Nakita ko na sumasayaw mag-isa si Yeri kaya ayun nilapitan ko siya.
" Yeri. " napalingon siya. " Sali ako. " tumango naman siya at nagpatugtog na ng kanta. Syempre dahil kpopper kaming dalawa alam ko yung sayaw.
" Ang galing mo palang sumayaw. " sabi niya ng matapos na kaming sumayaw. Napangiti nalang ako. " Balik na ako dun ha? " sabi ko at tumango naman siya.
" Guys! " sigaw ni Mar. Syempre dahil sa sigaw niya lahat kami napalingon lumapit naman sakanya sila Julie at Raine at tinanong kung bakit.
" Tumawag sakin si papa sabi niya tumawag daw sakanya yung school, may nagrereport daw na isang magulang. Nawawala daw si Jane! "
YOU ARE READING
We're Both Uncommon
FantasyJennieca Luminous Delamerte, isang babae na may kakaibang kakayahan na hindi dapat malaman ng kung sino man. Tyler Blaze Manuel, isang napaka-misteryosong lalaki at cold hearted guy. Napansin ni Tyler na may kakaibang katangian ang kany...