CHAPTER 4

275 6 0
                                    


Jennie's POV

Lumipas na ang ilang buwan at madaming nakakatuwang bagay ang nanyare dito sa school. Hindi naman ganon kadami ang mga kaibigan ko. Well... Let's say that I have friends, pero di ako ganon na lumalapit sa kanila. Madalas lang akong mag isa. Ayoko kasi ng may makasama, mahirap ng magtiwala ngayon beshie~~~.

Breaktime na and as usual~~ mag isa akong kumakain dito sa cafeteria na nasa pinaka dulo sa may tabi ng malaking bintana kung saan makikita mo ang malaking soccer field doon sa may bandang right at makikita mo naman ang main ground kung tatawagin? ( HAHAHA. Sorry na! di ako magaling mag describe eh :<: ) sa may left side.

Habang kumakain, naisipan ko na mag ensayo para sa aking ibang kakayahan. Pero hindi ko pupwedeng gawin iyon dito, kinakailangan kong pumunta sa isang lugar kung saan ako lang ang nandoon at walang ibang tao ang mapapahamak. 

Napansin ko na medyo umiilaw na ang mga kamay ko, nang tignan ko ito ng maayos may maliit na ilaw nga ang lumalabas doon. Dahil sa kaba binilisan ko ang pagkain at tumkbo papunta sa library.

" Mrs. Cruz! " bati ko sa librarian, agad naman siyang ngumiti ng makita ako.

" Borrowing the same books? " tanong niya habang hawak hawak ang libro na lagi kong hinihiram.

" Di po muna sa ngayon. " I replied while I showed her what's happening to my hand, naintindihan naman niya ang sinasabi ko kaya nagsimula siyang maglakad papunta sa may pinakatahimik at madilim na lugar ng library sa may 5th floor sumunod naman ako at ng makarating kami doon ay may mga salita siyang sinabi, maya maya ay may nakita na akong hugis pinto at biglang bumukas ito.

" Pasok kana, tatawagin ko lang ang magtuturo sayo. " napatango naman ako ng sinabi niya iyon at nagpasalamat narin. 

Hinintay niya muna akong makapasok doon sa loob bago siya umalis at nang makapasok ako ay nalungkot na naman ako. Hay nako, kelan ko ba makokontrol ang mga kakayahan na ito?


Tyler's POV

Mag isa akong kumakain dito sa may cafeteria nang mapansin ko na nagmamadali na namang kumain si Jennie at ng makatapos siya ay tumakbo na siya palabas. Pansin ko lang na lagi siyang ganyan, ano kayang problema ng babaeng yun? 

At dahil sa curiosity ko ay naisipan ko na ding dalian ang pagkain at sumunod sakanya, nakita ko siya na nasa may crowded hallway siya tumatakbo. Kaya ginawa ko ang lahat para lang di mawala ang tingin ko sakanya. Nang gumaan na ang paligid ay nakita ko na patungo siya sa library.

Nang makapasok ako sa loob hinanap ko siya kaagad pero hindi ko siya nakita. Nakita ko naman si Mrs. Cruz na papunta sa direksyon ko kaya nagtanong na lang ako sakanya.

" Mrs. Cruz, nakita niyo po ba si Jennieca Delamerte? " tanong ko.

" Ay nako hindi eh. " sagot niya. " bakit nga pala? " dagdag pa niya.

" Ah wala naman po, may itatanong lang po kasi sana ako. Sige po mauna na ako. " sabi ko sabay labas.

Hay nako, Jennieca Min Delamerte. Ano bang meron saiyo?

We're Both UncommonWhere stories live. Discover now