Jennie's Pov
Naglalakad ako ngayon papasok sa school, this time mas inagahan ko yung pagpunta, at nang makapasok na ako sa building pansin ko na nagkakagulo yung iba kong kaklase dun sa may tabi, masyado pang maaga kaya di pa kami pinapaakyat.
Habang papalapit ako napansin ko na nandoon yung mama ni Jane at si Jane rin mismo, pansin ko rin na kausap niya yung mga kaklase ko.
" Uy Jane, san ka galing kahapon? Pinag-alala mo kami! " sabi ko sakanya nung makalapit ako.
" Sorry. " ang nasabi niya saken. " Nasa Jolibee lang naman ako e, kasama ko si Angel. " Dagdag niya pa.
" Kahit na Jane, sana man lang nagpaalam ka samin, hindi yung aalis ka na lang ng ganon. "
" Sorry na nga e. " sagot niya.
" Basta sa susu- " hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang hampasin ako ni Raine sa braso.
" Jennie! may name tag kaba? " tanong sakin ni Raine, halatang kinakabahan siya.
" Hala! Oo nga pala yung name tag! " sagot ko, na para bang nag aalala. In short nag aacting lang ako. May name tag naman kasi talaga akong dala. HAHAHA.
" Guys! May bago na tayong karamay! " sigaw niya sa iba naming kaklase.
" Lagot tayo kay Ms. Sheila mamaya. " sabi niya saken.
" Oo nga e. Paktay tayo niyan. " sagot ko, habang nag aacting. HAHAHA. " Tara na, akyat na daw sabi ng guard. " sabi naman ng bagong dating na si Jitz.
Sinimulan na naming umakyat, nakasabay namin sa pag-akyat si Ms. Sheila kaya ayun todo tahimik sila. HUEHUE.
Lumipas ang ilang oras at kami kami nalang nila Raine ang natira sa may labas ng room at sa oras nayun tinanong sakin ni Ms. kung nasaan ang name tag ko.
Agad ko naman na inilabas yun at ipinakita kay Ms., napansin naman nila Raine yun at halatang-halata na nagulat sila sa ginawa ko. HAHA sorry girls. HIHIHI.
Tyler's Pov
Nandito ako ngayon sa classroom, first day ko palang ngayon. Pano ba naman kasi? Tatanga tanga din si papa, di niya napansin na nag text sa kanya yung school na pinapasukan ko.
May pumasok na babae, maganda siya, matangkad, at kahit oversize yung uniform niya ay makikita mo na sexy parin siya. Pansin ko na nakangisi siya at halatang nagpipigil siya ng tawa. Ano naman kaya ang kalokohan na ginawa nito?
Ilang oras ang lumipas, pumasok na si Ms. kasama ang iba pang kaklase ko na babae, may mga hawak silang notebook at nakasimangot din sila. Tumingin ako sa babae na naunang pumasok sa kanila kanina, pigil na pigil yung tawa niya. Ano naman kaya ang ginawa nito?
YOU ARE READING
We're Both Uncommon
FantasyJennieca Luminous Delamerte, isang babae na may kakaibang kakayahan na hindi dapat malaman ng kung sino man. Tyler Blaze Manuel, isang napaka-misteryosong lalaki at cold hearted guy. Napansin ni Tyler na may kakaibang katangian ang kany...