Chapter 1

215 1 0
                                    

FirstLove <3 [1]

by: yurisistibles

[ Hi po sa inyong lahat! First Story ko po, sana po suportahan nyo. Vote-vote lang po! wag po sana kayong magsawa sa pagbasa at suporta! KAMSAHAMNIDA!]

*kriiiing!---kriiiiiiiii*TSUK*

Ginising si Shirley ng kanyang alarm clock. Papaano ba naman, eh mag-aalas syete na, malalate na naman sya sa eskwela. 

"SHiiirleey! Bumangon ka na diyan! Baka malate ka sa eskwela!" rinig nyang tinatawag siya ng mama niya pero himbing na himbing pa rin siya sa kanyang pagtulog. 

"SHIRLEY! Ano ka ba? Unang araw mo ngayon sa 3rdyear High School ganyan ka pa rin?!" 

"Opo Ma, 5 minutes na lng talaga" sabi nito habang nakapikit pa ang mga mata. 

"Sige ka, baka pag-antayin mo nyan si Diane. Tumawag pa naman siya na dadaan siya dito para sabay na daw kayong pumasok! Gusto nya kasing sabay kayo sa First Day of Classes!"

"ANOOOO?!" napadilat at napabangon si Shirley, at dali-dali itong pumasok sa banyo para maligo na.

SHIRLEY POV: 

Ito talagang si Diane, alam na alam na malalate ako sa unang araw ng klase. haayy! :) *smile* si bestpren talaga ba! HAHA! :))) ^_^ 

Ako nga po pala si Shirley Kim, 3rdyear High School Student ng Kent High School, sabi ng parents ko pretty daw ako. Well, I guess true naman yun, kasi yun din sabi ng mga friends ko. HAHA! ^_^ Isa akong writer ng School Paper namin. Hindi naman ako isa sa mga pinakamatalino sa klase, pero ay isa ako sa mga may honor sa amin. :) Sabi nga nila, Boyish raw ako. Eh, Thats My Tomboy raw. Sabi ko, hindi naman, boyish lang gumalaw pero girl at heart. Patay na patay nga ako sa crush kong si Adrian Sy! SIKAT NA BADMINTON PLAYER ng School! Si Diane kasi pinakilala nya pa sakin yun. HAHa. Well, kaklase, bestpren at kapitbahay ko si Diane Ching. Matagal na kami magkakilala as in like a decade na siguro. Naging magseatmates kasi kmi noon at doon na nagstart mabuild yung relationship namin. :) 

------------------

Papasok na kmi ng school ni Diane ng makita ko yung asungot sa buhay ko, si Kevin Troy Lu. Isang bully, tigasin, mahangin, lahat na! Basta, lahat ng badvibes ko napunta na sa kanya. Well, dahil kasi yun sa pagbasted ko sa kanya last year, valentines. Simula noon, kung anu-ano nang pambubully ang inuutos niya sa mga katropa niya na gawin sa akin, hayy! Kasalanan ko bang studies ko ang unahin ko? Well, sorry Troy, hindi naman sa hindi kita type :) , hindi lang talaga ako yung babaeng handa ng makipagrelasyon. -_-

Nang makita ko si Troy, dali-dali na akong naglakad. Ngunit habang naglalakad....

Troy: MISS BEAUTIFUL! MISS BEAUTIFUL!" rinig kong tinatawag ako ni Troy, dahil sya lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. Alam kong uumpisahan nanaman niya lahat ng pambubully niya ngayon. Alam ko talaga, sa mga panahong ito, inis na inis na ako sa kanya, pero inisip kong wag siyang patulan dahil baka lalala lang ang mga mangyari. Hinarap ko sya at  hindi ako umimik.

Troy - di nakapagsalita. Nakatitig lamang sa akin na parang nagbago na lamang siya agad-agad. Nakakapagtaka, ang dating Troy na Bully, Mahangin, pala-utos sa mga kaibigan ay bigla na lang naging anghel ng saglit. Saglit lang nga ba? Nakaka-amaze mang isipin pero hindi lang talaga ako sanay. Noon, ganitong oras ay pinagtatawanan na nila akong magkakaibigan, pero ngayon? Anong nangyayari?!

Diane: Aaaah. Troy? OK ka lang ba? Bakit mo ba tinawag si Shirley? Tsaka parang importante yung sasabihin mo ah. Kasi baka magstart na yung Opening Program sa Gym, baka mahuli pa kami nila Shirley eh.

Troy: T-tama. Baka mahuli kayo. Ah, yun? Wala yun! *Smile* Gusto ko lang sana batiin si Shirley ng .... aaahhh *nawawalan ng words sabay tingin kay Gerald(bestfriend ni Troy)*

Gerald: ng Congratulations! Kasi diba nanalo ka sa National PressCon last summer, Shirley? Gusto lang naman ni Troy na mag-congratulate!*akbay kay Troy*

Shirley:GUSTO NYANG MAGCONGRATULATE?! YUN LANG?! nakakaSHOCK! "aah. Troy. Salamat."

Diane: Sige Troy, una na kami. *ByeBye!*

Troy: *KINDAT*

---------

Akala ko kung ano na. Akala ko panibagong pambubully na naman ang kakaharapin ko sa asungot na yun. Buti na lng andito si Diane. I LOVE YOU TALAGA BEST! Pero bakit siya biglang bumait? Baka plano nya lang 'yon. NAKAKAINIS ka talaga Troy! Ikaw na ang pinakahate ko dito sa mundo! Akala mo madadaan mo ako sa mga kindat-kindat mo? Tingnan natin, paghahandaan ko ang susunod mo na hamon.

END OF CHAPTER 1

 *support for my story. i'll update as soon as possible. :) stay tuned. :)

FirstLove &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon