FirstLove <3 [7]
by: yurisistibles
[Weee! Salamat po talaga sa pagbasa! As in super happy ako dahil sa support nyo! :)]
TROY's POV:
Grabi! Ang lampa talaga nung babaeng yun. Sa ka-lampahan, nangdadamay pa! Haha! *napasmile*
Mukhang alam ko na ang magrerepresent dun sa babaeng yun. Hahaha! Sana magustuhan niya! :D
-----Nakapagamot na at bumalik na sa kung saan naroon si Shirley------
Shirley : Troy, sorry na ohh. Kasalanan kong lampa ako. Imbes na ako ang ma-iinjure, ikaw pa tuloy.
Troy: Ahh! Wala na yun. Basta sa isang kondisyon?
Haha! Sana pumayag itong lampayatot na ito!
Shirley: Ano yun? Basta walang ligawan muna ha. Ayaw ko niyan.
Ngee! Hindi naman ligawan eh. Ano ba naman ito! Masyadong advance! Haha.
Troy: Oo naman. Hm, papayagan mo na akong tatawagin kita ulit na Miss Beautiful....
Shirley: Ano?!!! Aya--
Troy: Hep!Hep! Wala ng bawian. Tsaka, hindi pa yun tapos, tutulungan mo ako sa assignments natin. Sa lahat ng assignments ha.
Shirley: Ano ka sinuswerte?! Libre tutor ka pa? Kapal mo naman ha!
Troy: Aw! Ok din naman kung ayaw mo. Total, nami-miss ko rin namang mangbully eh. ^_^
Hahah. Alam kong mapapa-OO ko ito. Haha ayaw niya kayang binubully siya. Lalo na kapag tawagin siyang Thats my Tomboy! Haha. Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang itsura niya pag binubully siya.
Troy: THAT'S MY TOM-
*tinakpan ang bunganga*
Shirley: OHSIGE NA NGA! Pero, ngayong First Grading Period lang ha? Kailangan ko pang magfocus eh. Hindi ko carry all-year round.
Troy: Okay! Call! :) Teka, bigay mo rin ang number mo, paano kita ma-cocontact?!
*kinuha ni Shirley ang Phone ni Troy, at nagdial. *
Shirley: Ayan! May number ka na sa akin, meron na din ako sa iyo! Hm.
Troy: Heh! Para-paraan lang!
Shirley: Anong sabi mo?
Troy: Aaah! Wala yun! Sabi ko maganda ka! Diba MISS BEAUTIFUL?! ^_^
Shirley: So, ano ng bagay ang naisip mo na magrerepresent sa akin?!
Troy: Tubig.
Shirley: Ha? Bakit naman?
Troy: Kasi ang init ng ulo mo! Para lalamig, ilalagay kita sa refrigerator!
Shirley: Ha? Umayos ka nga!
Troy: Haha! Joke lang, masyado ka namang mainitin ang ulo, relax ka lang! Ang ganda pa naman ng view, nasa ilalim pa tayo ng puno!
Shirley: So ano na?
Troy: Hm, para sa akin, isa kang halaman sa paso.
Shirley: Bakit naman?!
Haha! Hindi ba't sabi ni Mr.Robi na yung ka-partner mo yung mag-iisip ng dahilan? Haha! Eh bahala ka ng mag-isip kung bakit Shirley! Tsaka assignment naman ito diba? Haha nangako ka namang tutulungan mo ako sa mga assignments ko! Haha.
Troy: Ah. Ikaw na bahalang mag-isip kung bakit. Total sabi ni Mr.Robi yung partners nila ang mag-iisip kung bakit. Tsaka nangako ka diba?
Shirley: Nangakong ano?
Troy: Na tulungan ako sa mga assignments ko. ^_^
Oo na. Inis ka nanaman. Haha! Pero infairness ha, smile lang siya ng smile? Ano? May katok ba itong si Miss Beautiful? Hm. Ang ganda talaga niya. Sana magsmile na lang siya lagi. Lalong gumaganda yung mata niya! Pare, mas lalo ata akong naiinlove! Hooh! Relax tayo Bro! Hooh!
END OF CHAPTER 7
[ Annyeong! Vote2x naman po tayo! :) Hehe. Paki promote na rin po sa mga friends niyo! Para may kachikahan na rin kayo about sa Buhay nila Shirley, Troy and Adrian. Tska po, pinag-iisipan ko na isulat ko naman ito sa POV ni Adrian. What do you think? Maybe next Chapter. Hehe! Abangan nyo po! ]
BINABASA MO ANG
FirstLove <3
Teen FictionForever na lng bang asungot sa buhay ni Shirley si Troy? Si Adrian na super crush nito, hanggang friend na lamang ba ang turing? Eh papaano na si Troy, na todo effort sa pagpapapansin? Gusto malaman ang Ending? ALAMIN!!