FirstLove <3 [2]
by: yurisistibles
[hello po, tuloy lang po sa pagsupport, vote lang din po ng vote. ^_^]
TROY's POV:
ANONG GINAGAWA MO TROYY??!! Hindi ba't sinabi mo sa sarili mo na pagkatapos na pagkatapos ka nyang bastedin, eh papahirapan mo siya?! hayyy! Pero hindi ko kayang pigilan ang feelings ko eh. Everytime makita ko si Shirley, lagi ko na lng dinadaan sa pagbully yung feelings ko. Alam kong masakit mang makita yung taong mahal mo na nasasaktan dahil na rin sa kagagawan mo, eh wala na rin akong magagawa. Kasi bakit ba naman ako naging tigasin, mahangin at leader ng tropa namin?! Sya nga po pala, ako si Troy. Sikat ako sa school. Sikat sa kalokohan, pambubully,, lahat na. Kinakatakutan rin ako sa school. Ewan ko ba kung hearthrob ako sa amin, eh kasi maraming babae ang nakakatitig sa akin parati, na para bang hindi na lang lalapit kasi nauuna pa yung takot.
HAHA!
----------
SHIRLEY'S POV:
Hindi ko talaga maisip na tuluyan ng nagbago si Troy. Nakakashock talaga. As in like yun lang ang laman ng isip ko simula nung nagkita kami sa gate. Magdadalawang oras na ang Opening Program pero yun pa rin ang nasa isip ko. NAKAKAINIS!!!
BAKIT KO PA KASI NAKITA YUNG ASUNGOT NA YUN! EEhhhh!
Diane: Shirley?
Nakakainis talaga yung lalake na yun. Sana hindi nalang siya pinanganak ng nanay nya! Ehhh!
Diane: Shirley? OK ka lang ba?
Shirley: Ahh. Oo naman. Bakit?
Diane: Eh kasi kanina pa kita tinatawag, nakatunganga ka lang dyan. May iniisip ka ata?
*Girls nagtitilian*
Diane: Teka, si Adrian ba yan?
Shirley: Huh? Saan?
Hinanap ko kung ano ba yung pinagkakaabalahan ng mga babae. Nakita ko si Adrian! OH EMMGEEEE! Si Adrian! Nasa stage! Nagmomodel. Teka, nagmomodel? Bakit?!
BINABASA MO ANG
FirstLove <3
Teen FictionForever na lng bang asungot sa buhay ni Shirley si Troy? Si Adrian na super crush nito, hanggang friend na lamang ba ang turing? Eh papaano na si Troy, na todo effort sa pagpapapansin? Gusto malaman ang Ending? ALAMIN!!