Chapter 7

5.4K 250 25
                                    


                       Chapter 7

Panay ang hinga ng malalim ni Pangs habang nakaharap siya sa salamin suot ang red-dress na iniregalo sa kanya ni Velvet noong kaarawan niya. Hindi niya alam pero sakto ang sukat ng damit sa kanya. Hindi nga lang siya gaanong komportable dahil sa mahabang slit ng damit sa gilid ng kanan niyang legs. At bagama't may manggas ang damit ay medyo mababa naman ang neckline kaya kita ng kaunti ang kanyang cleavage at ang likod niya ay reveal ng kaunti kasi parang kinulang ang tela noon doon. Katatapos lang siyang ayusan ni Gida. Ito ang pinuntahan niya para maging fairy god mother para sa kanyang date. Medyo napakislot siya ng suotan siya nito ng white-gold na kuwintas na may pendant ng ruby.

"Perfect! Ready ka nang makipagdate sa iyong prinsipe. Grabe kang muret ka! Gusto kitang sabunutan dahil ang suwerte mo kay Velvet my loves! Ang tagal ko na kaya siyang pangarap!" ang nagpapadyak pa nitong wika.

Napangiti siya sa sinabi ng kanyang kaibigan at gusto niyang manghinayang dito. Ang guwapo ni Gida kung naging straight lang sana ito. Iyong mga pinsan nga nitong barako na Acosta brothers ay panay laman ng mga sikat na magazine.

"Gida, hindi naman si Sir Velvet ang ka-date ko." ang pagtatama niya.

Amaze na napatingin sa kanya si Gida mula sa salamin.

"What?!" ang napataas na kilay nitong tanong.

"Ang kababata kong si Aaron Villaflor ang ka-date ko ngayong gabi. Kinakabahan nga ako eh, kasi childhood sweethearts kami.. Alam mo iyon?"

Napakurap si Gida sa kanya at mataray na napahalukipkip.

"Alam mo namang kahit masama sa aking loob eh boto ako sa'yo para kay Velvet my loves! Normal ka bang babae, ha? Kaya ba ni minsan eh hindi mo naisipang gapangin si Velvet my loves?! Geez! Parang gusto na talaga kitang sabunutan at nang matauhan ka. Alam mo bang in-order niya sa akin iyang damit na suot mo? Gusto niyang isuot mo iyan na siya ang ka-date mo. Grabe, ikaw na talaga Pangs!"

Nagpaypay sa hangin si Beauty sa sinabi ni Gida.

"Huwag ka ngang magpadala sa biruan nila ni Sir Nigel. Ano ka ba, huwag mong seryosohin ang bagay na iyon."

"Gaga ka!"

Tapos umikot sa ere ang mga mata ni Gida. Gusto sana niyang sabihin na sa lahat ng nagtataray, ito lang ang nakita niyang guwapo. Pero huwag na, mukhang masama ang mood. Malakas yata ang flow ng dalaw... Nagpigil siyang matawa ng malakas sa isiping iyon. Baka nga kasi tuluyan na nga siyang sabunutan ni Gida. Samantala... Palihim na nakamasid si Velvet sa labas ng gusali ng apartment building kung saan nakatira si Gida...

Oo na! Sinusundan niya ngayon si Pangs para masigurado niyang mabantayan ito. Wala pa ang susundo nitong ka-date at sana nga ay huwag na itong dumating. Sabik din siyang makita kung ano ang itsura ni Pangs ngayon... Tinapik-tapik ng kanang mga daliri niya ang manibela. Hiniram niya ang kotse ni Gin para lang sa misyon niyang ito... Nawala ang pagkainip niya ng dumating ang isang itim na mercedez benz at mula doon ay iniluwa si Aaron na bihis na bihis.. Bigla siyang nanggigil at nangati ang mga kamay niya. Gusto na niya itong puntahan, hilahin sa madilim na sulok ng gusali at gawin ang nais niyang gawin dito pero... Alam niyang hindi iyon tama kaya hindi siya kumikilos ngayon. Isa pa, lalo lang siyang masisira kay Pangs. Hindi siya nito mapapatawad kapag nagkataon. Pumasok na sa loob ng gusali si Aaron at matiyaga namang naghintay si Velvet. Ilang sandali pa ay muli niyang nakita si Aaron subalit hindi na ito nag-iisa. Nakaabrisite dito ang isang napakagandang babae na nakasuot ng red-dress... At kilalang-kilala niya ang pulang-damit na iyon!

Literal na nalaglag ang kanyang panga ng makita niya ang nakangiting si Pangs habang nakikipag-usap sa lalaki habang naglalakad papunta sa sasakyan. May suot itong diamond earings na regalo ni Gida at mukhang pinartneran nito ng kuwintas ang damit. Ipinahiram nito kay Pangs ang iniingatan nitong kuwintas mula sa namayapa na nitong Nanay. Simpleng-simple lang ang pagkakaayos ng buhok ni Pangs at light lang ang make up na inilagay sa mukha nito. Ang ganda ng shade ng lipstick na ipinahid sa maganda nitong labi at para iyong nang-aakit na dapat iyong halikan. Parang slowmo sa kanyang paningin ang bawat kilos ng kanyang si Pangs... Pero hindi niya ito puwedeng tawaging Pangs ngayon dahil ang ganda nito. Lutang na lutang ang simple nitong kagandahan... Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya. Paghanga, selos, inggit... Mas lalo yata siyang nahulog kay Pangs... At inaasam-asam niyang siya ang kasama nito ngayon... Nakasakay na ang dalawa sa sasakyan at nang umalis iyon ay agad siyang napasunod.

MEN IN ACTION 9: VELVET HARTHROBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon