Chapter 6
"Tumigil ka diyan, Nigel. Hindi mo puwedeng sabihin na wala akong narinig dahil hindi naman ako bingi. Bakit hindi mo 'to sinabi sa akin? May tao ka pala na kailangang hanapin, bakit hindi mo hiningi ang tulong ko? Pagkatapos ng mission namin bukas, puwede kong asikasuhin iyan. Sabihin mo lang."
Alanganing tumitig si Nigel sa mukha ni Velvet. Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan. Nakapamulsa siya.
"Alam ko namang mahahanap mo siya, Kuya. Ang problema lang kasi, hindi ko alam kung may mukha akong ihaharap pa sa kanya. Nasaktan ko ang damdamin niya."
"Eh di bumawi ka sa kanya. Gumawa ka ng paraan bago pa mahuli ang lahat." ang payo ni Velvet sa kanyang kapatid.
Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa labi ni Nigel at saka ito napailing ng bahagya. Makahulugan itong tumingin sa kanya.
"Kuya, hindi ba dapat ikaw ang gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat? Paano kung maagaw ng isang Prinsipe ang reyna ng hari?"
Tumawa ng sarkastiko si Velvet.
"Ayan ka na naman..." sita niya.
Ganoon pa man ay tinalikuran na niya si Nigel at saka pinuntahan si Pangs na busy sa pakikipaglaro ng chess sa kapatid niyang si Mokong. Panay ang kamot sa ulo ng kanyang kapatid kaya halata kung sino ang namumuro sa laro.
"Sorry kung iisturbuhin ko ang laro niyo. Mangyari kasi na kailangan na naming umuwi ni Pangs. Maaga pa ang trabaho ko bukas..." ang wika ni Velvet.
Ngumiti si Pangs kay Van na magulo na ang buhok sa kakakamot.
"Bumawi ka na lang sa akin sa susunod nating laban. Mukhang pangbasketball lang ang talent mo, Van." ang natatawa niyang kantyaw sa binatilyo.
"Ate Love, pabawiin mo naman ako sa susunod!"
"Pag-iisipan ko."
Tumayo na siya at saka naglakad papalapit kay Velvet. Bago sila tuluyang umalis ay nagpaalam sila sa Papa nito at kay Tita Almira. May kinuha ding painting si Velvet at isang pasong halaman. Dagdag daw sa bago nitong koleksyon. Tahimik lang sila sa buong biyahe dahil wala yatang may gusto na magbukas ng usapan sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa kanilang pag-uwi ay nanatili silang walang kibuan.
Nakahiga si Beauty sa kanyang kama habang nakatagilid siya habang yakap ang unan. Panay ang buntung-hininga niya. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng kanyang boss habang papunta sila sa bahay ng tatay nito. "Bakit hindi ko naisip na... Paano kung ako ang na in love sa'yo?" Kaninang-kanina pa iyon nasabi ni Velvet at batid niyang hindi siya nanaginip. At ang mga katagang iyon, patuloy na umaalingawngaw sa kanyang utak.
"Baka isa na naman ito sa pakulo nila ni Nigel..." ang napakagat sa labi niyang wika.
Kaya lang, kitang-kita naman niyang seryoso ang mukha ni Velvet kanina. Alam na alam niya kung kailan ito nagbibiro lang. Napakagat siya sa kanyang labi dahil nakakadama na siya ng matinding kalituhan. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito. Ni sa bangungot, hindi niya pinangarap. Napakislot siya ng makarinig siya ng marahang katok sa pinto ng kanyang silid.
"Pangs, tulog ka na ba?"
Huminga siya ng malalim at saka bumangon sa kanyang kinahihigaan. Naulit ang pagtawag ni Velvet.
"Sir, h-hindi pa po, sandali lang." wika niya.
Tumayo na siya at naglakad papunta sa may pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya si Velvet na nakasuot ng manipis na puting-sando at itim na jogging pants. Ngumiti ito ng matipid sa kanya nang makita siya. Napalunok siya.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 9: VELVET HARTHROBE
Romance"Ito ang tatandaan mo, Pangs! Ako lang ang natatanging Pagpag na pinakamasarap na puwede mong matikman! At higit sa lahat, ako lang ang Pagpag na kayang magbigay ng magandang lahi!"