Chapter 10
"Pagkatapos mong takpan ang lahat ng butas diyan sa bubong eh pinturahan mo na rin!"
"Opo, tay!" ang tanging sagot na lang ni Velvet.
Kasalukuyan siya ngayong nagtatapal ng mga butas sa bubong ng bahay nila Pangs, ayon na rin sa utos ng tatay nito na si Mang Arnold. Medyo mainit na ang sikat ng araw pero walang kaso sa kanya dahil titiisin niya ang lahat, makuha lang ang matamis na Oo ng kanyang si Pangs, lalo na siyempre ang pamilya nito.
Napatingala naman si Beauty at napapailing na napatingin kay Velvet na busy sa ginagawa. Lumapit siya sa kanyang tatay Arnold na nakaupo sa bangko sa silong punong mangga na nasa bakuran nila. May dala siyang basket na may lamang mga gulay at isda. Nanggaling siya sa palengke at pansamantala niyang tinulungan sa pagtitinda ng mga isda ang nanay Bettina niya doon. Mayroon naman itong sinusuwelduhang kasama pero mas okay sa kanya na tulungan ito. Namalengke muna siya ng kakainin nila sa pananghalian bago siya umuwi. Tiwala siyang iwanan na muna ang tatay niya sa pangangalaga ni Velvet... At heto na nga ang nadatnan niyang eksena. Napailing siya at saka muling binalingan ang tatay niyang prenteng pinapanood si Velvet sa ginagawa. Pumasok sa eskuwela ang kanyang mga kapatid. At ang kuya Manuel naman niya ang nakatoka ngayong mag-asikaso sa maliit nilang bukirin. At si Patchi, nasa tabi ng kanyang tatay at mataman ding nagbabantay kay Velvet.
"Tatay naman, nakakahiya kay Sir Velvet. Kararating lang niya kahapon eh pinapahirapan niyo kaagad." ang simple niyang sita.
Binalingan siya ng atensyon ng kanyang tatay at isang simpleng ngiti ang napala niya bago ito magsalita.
"Aba anak, kung talagang mahal ka ng lalaking iyan kagaya ng sinasabi niya sa amin ng nanay mo... Makakaya niyang tiisin ang lahat ng pahirap ko sa kanya. Eh kung susuko na lang siya, iisa lang ang ibig sabihin noon... Hindi ka niya mahal dahil hindi niya kayang magsakripisyo." ang paliwanag pa nito.
Natameme siya sa sinabi ng kanyang tatay dahil hindi siya makasagot sa malaki nitong punto. Muli tuloy siyang napatingala at napatingin kay Velvet na abala sa pagtatapal ng mga butas ng kanilang yero. Maging siya, gusto ding makasiguro kung seryoso nga ba ito sa kanya at hindi lang siya nito binibiro dahil sa kasutilan ng nakababata nitong kapatid na si Nigel. Aaminin niyang tinatamaan na siya sa charms ni Pagpag na dati ay nababalewala lang niya. Ni sa panaginip nga ay hindi niya inasahan na mangyayari anng ganito sa kanilang dalawa. Hindi niya tuloy alam kung narinig nito ang pinasasabi ng tatay niya kasi medyo malakas ang boses nito.
"Tay, nakainom na po kayo ng gamot niyo?" ang tanong niya.
"Oo, anak. Hindi ko nakalimutan."
"Mabuti po kung ganoon. Tay, magluluto na po ako ng pananghalian natin. Kayo na lang po muna ang bahala kay Sir Velvet. Mas makakabuti po kung pabababain niyo na po siya kasi mainit na ang sikat ng araw at kakain na po tayo kapag nakapagluto na ako."
Yamot lang na tumingin sa kanya ang tatay niya.
"Eh hindi ka pa naman nakakapagluto, anak. Mamaya ko na siya tatawagin kapag nakaluto ka na. Hayaan mong siya ang gumawa ng gawain ko na hindi ko natapos dahil dito sa pesteng sakit ko."
"Tay, ayan ka na naman... Ang puso mo! Hindi ba't sinabi po ng doktor na kaya po kayo inatake kasi inaabuso po ninyo ang katawan niyo sa trabaho? Isa pa, bawal po kayong ma-stress kaya magrelax lang po kayo."
Ngumiti sa kanya ang tatay niya at saka tinapik ang bangko na kinauupuan.
"Relax na relax naman ako ah? Kita mo nga at wala akong ginagawa kundi ang magmando." ang wika nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/105048816-288-k268048.jpg)
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 9: VELVET HARTHROBE
Romantizm"Ito ang tatandaan mo, Pangs! Ako lang ang natatanging Pagpag na pinakamasarap na puwede mong matikman! At higit sa lahat, ako lang ang Pagpag na kayang magbigay ng magandang lahi!"