25

854 14 2
                                    

3rd Person

Pagpasok ni Savannah sa SU basketball court ay malakas na hiyawan agad ang nakapalibot sa court. Basketball ang laro kaya maraming posibilidad na kailangan sila dito. Halos lahat ng mga tao ay may banner at kung hindi naman ay nakasuot ng tshirt na may tatak ng kanilang eskwelahan. Halos lahat ng mga naghihiyawan ay babae at ang mga lalaki ay tahimik na nakaupo.Kitang-kita kung gaano sila kasupportado sa kanya-kanyang eskwela.

Puwesto si Savannah sa Red bench kung saan nakaupo ang mga sports medics na kagaya niya. Tumunog ang horn, simbolo na malapit na magsimula ang laro.

"SU and FU please proceed to the court now" Sabi ng Announcer.

Agad naman nagsilakad ang mga players sa gitna ng court at mas lumakas ang hiyawaan. Sa gitna ng hiyawan ay pumasok ang mga manlalaro. Ang kulay ng SU ay pula at ang FU naman ay asul. Nagsimula na ang laro at agad nakuha ng SU ang bola pero walang isang segundo naagaw ito ng FU.

"FU. FU. FU. FU. FU. FU" Sunod-sunod na sabi ng mga FU.

"SU. SU. SU. SU. SU. SU" Sunod-sunod rin na sabi ng mga SU.

Habang nasa gitnaan ng laro, napagisipan ni Savannah na pumunta sa clinic para siguraduhing kompleto ang kanyang gamit. Nagpaalam muna siya sa kanyang mga kasama bago pumasok sa clinic. Nang dumating siya doon ay napansin niyang walang tao na nagbabantay kaya nagpasya siyang magbantay muna sa dito.

Mga ilang minuto may isang grupo ng kalalakihan ang dumating kasama ang isang lalaking pawisan at mukhang walang malay. Na-alarma siya kaya nilapitan niya ito.

"Hunter?" Kanyang sinabi no'ng nakita niya ang lalaki ng malapitan, pagkatapos nito ay inilapag siya sa higaan.

"Anong nangyari?" Tanong niya sa kasama ni Hunter na naka asul na vest, ibig sabihin nito ay taga FU ang lalaki.

"We don't know, he fainted after he was declared the winner. That's why we bought him here" Sabi ng lalaki. Ipinatong ni Savannah ang kanyang kamay sa noo ni Hunter at chineck ang pulsuhan niya pati rin yung mga sinyales ng katawan niya.

"Does he have certain disease? Or illness?" Ani ni Savannah sa mga kasama ni Hunter.

"From what I have known, he has a mild anemia" Sabi ng lalaki at tumango lamang si Savannah bilang sagot. Lumingon siya sa gawi ni Hunter na mahimbing na natutulog bago ibinalik ang tingin sa mga kasama nito.

"Was he been like this lately?" Sabi niya sakanila, pilitang magsalita ng Ingles.Unti-unti silang tumango bilang sagot.

"He's okay, his symptoms is similar to over-fatigue. He just needs some rest" Sabi niya tapos tumango ang kasama ni Hunter

"Is it okay if I let him stay here?" Sabi nung lalaki. Tumango lamang si Savannah at ngumiti bilang sagot saka sila umalis.

Nagbuntong huminga siya at tinawagan ang iba niyang kasama sa Medics para magpaalam na magbabantay muna sa clinic pansamantala. Pagkatapos magpaalam ay inihanda niya ang gamot galing sa mga medicine kit at maligamgam na tubig para kay Hunter. Inilapag ito sa maliit na desk table tabi ng higaan ni Hunter at hindi namalayang pinagmasdan ang mukha nito.

Matangkad si Hunter dahil halos lampas ang paa niya sa higaan. Makisig si Hunter at hindi niya iyon maitatanggi. Maputi ang kanyang balat, makinis yung mukha niya, halata ang eyebags at maputla yung labi niya.

Siguro sa sobrang pagod nito tapos anemic pa siya kaya nahimatay. Sinabi ni Savannah sa kanyang isip.

Mahigit isang oras niyang binantayan si Hunter bago siya gumising. Hinawakan ni Hunter ang ulo niya sa sakit bago siya lumingon sa gawi ni Savannah at nagulat sa kayang presensya.

"Savannah..." Pabulong na wika ni Hunter nang mabasa ang pangalan nito.

"Okay lang ba pakiramdam mo?" Unang tanong ni Savannah sa kanya ngunit Hindi sumagot si Hunter. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang taong nagpapasaya sakanya ay nasa harap na niya mismo.

"May gamot diyan para gumaan ang pakiramdam mo" Wika ni Savannah kay Hunter. Lumipat ang tingin nito sa gamot at ininom ito agad ng walang kahit anong sinabi. Mahiyain si Hunter at madalas siyang hindi magsalita sa mga taong kanyang nasasalamuha. Maslalo siyang nahiya kay Savannah at pakiramdam niya nauubusan siya ng salita kaya naman tahimik niya lang pinagmamasdan si Savannah.

"W-what happened?" Mautal na tanong ni Hunter.

"Over-fatigue, Nahimatay ka sabi ng mga kasama mo" Wika ni Savannah.

My insomia is killing me day by day. Wika ni Hunter sa kanyang isip. Pagkatapos ng usapan ay walang kibuan ang dalawa. Mga ilang minuto ay nasira ang katahimikan na namamagitan sa dalawa nang biglang may pumasok sa clinic ang nurse.

"Savannah? Laking salamat nandito ka. May naisugod kasi kanina kaya naiwan ko itong clinic na walang tao, ang akala ko walang nagbabantay kaya pagkapunta ng parents umalis ako agad" Wika ng nurse.

"Okay lang po Ate Joyce, Emergency naman po eh" Sagot ni Savannah sa Nurse.

Napalingon ang nurse sa gawi ni Hunter at bumalik ang paningin kay Savannah.

"Ano nangyari sakanya?" Tanong ng nurse kay Savannah.

"Over-fatigue" Sabi ni Savannah at tumango lamang ang nurse.

"Ako na bahala sakanya, pwede ka na umalis" Sabi ng nurse ngunit bago pa man umalis si Savannah ay may sinabi si Hunter na hindi niya inaasahan.

"Stay" Ma-awtoridad ngunit malambing na sabi ni Hunter at hindi intensiyonal na hinawakan ni Hunter ang pulsuhan ni Savannah na ikinagulat nito. Maluwang ang hawak ni Hunter kay Savannah na nagpapahiwatig na mahina pa ang pakiramdam nito. Nagniningning ang kanyang labi at malumnay ang mukha. Aalisin sana ni Savannah ang kanyang kamay ngunit pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Hunter sa pulsuhan niya.

Hindi alam ng dalawa ay may isang pares ng mata ang nagmamasid sa dalawa. Hinigpitan niya ang kanyang kumao at pumasok sa loob ng clinic na may ngiti sa mukha.

"Abbigail" Bangit ni Savannah sa kanyang pangalan. Tinitigan ni Abbigail ang kamay ni Hunter sa pulsuhan ni Savannah at pwersang pinagbitaw ni Savannah ang kanyang pulsuhan sa kamay ni Hunter.

"I heard na Hunter fainted that's why I volunteered to come here so I can watch over him for the meantime " Sabi ni Abbigail.

"Ah ganoon ba? Sige alis na ako, late na kasi ako para sa next na sport in-assign sa akin" Wika ni Savannah at kinuha ang gamit niya pero bago siya umalis ay kinausap niya muli si Hunter.

"Magpahinga ka lang, sasabihan ko nalang si Drake na isundo ka dito mamaya. Tapos naman na yung Tournament mo, so magpahinga ka lang nang matagal" Wika ni Savannah at nagpaalam na umalis. Nang umalis si Savannah ay patagong umirap si Abbigail at napansin yon ni Hunter.

"So Hunter, are you okay? Do you need anything?" Sabi ni Abbigail at hinaplos ang balikat ni Hunter. Lumayo lamang si Hunter dahil hindi siya komportable.

"I'm fine, I just needed some rest. You can go now" Pagtaboy ni Hunter kay Abbigail at humiga na ito para matulog muli.

Nadismaya naman si Abbigail sa mga kilos ni Hunter. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ng binata dahil sa pag-aakala niya ay kapag nasolo niya ito ay nasa kanya lang ang atensyon ng binata. Kahit naiinis man siya ay hindi niya magawang ipakita ito dahil alam niyang makakasira ito sa imahe niya sa harapan ng kanyang taong napupusuan. Kaya naman patuloy lang niyang binantayan ang binata hanngga't umuwi ang binata.

Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon