72

593 5 0
                                    

Savannah

Pagkatapos ng kwento sa akin ni Drake ang nangyari ay may kumatok sa labas habang ako naman ay kumakain ng inihanda sa akin nila Mama.

"Pasok!" Sigaw ni Drake at pumasok siya. Natigilan ako sa pagkain dahil yapak lamang ng taong yun ay alam ko na kung sino ito. Nang lumingon ako sa gawi niya ay nakitang kong alertong tumayo si Drake sa tapat namin at siya mismo ang kumausap sa kanya.

"Abbigail.." Sabi ni Drake. Pumasok siya sa kwarto ko na nagmumugtong mata na bakas ng kanyang lungkot.

"Hindi ako pumunta dito para mangggulo, Drake. I just wanted to clarify something" Sabi ni Abbigail at tumingin ng deretso sa aking mata pero ako naman tong hindi mapakali.

"Sav... mahal mo ba si Hunter?" Diretsong sabi ni Abigail at natigilan ako sa kanyang tanong imbes na sumagot ay tiniklop ko lamang ang aking bibig.

"Abbigail, kagigising lang ni Pare kanina...hayaan mo muna siyang magpahinga" Sabi ni Drake at pilit na pinapalabas at pinapakalma si Abbigail sa labas ng aking kwarto.

"No! I want answers Sav" Sabi ni Abbigail.

"It's either Yes or No. If you Love him...I will let him go and If not he's mine" Sabi ni Abbigail at napalingon ako kay Drake na ngayon ay mukhang nag-aalala.

"Mahal ko na ba talaga siya?" Tanong ko sa aking sarili.

Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko at gumugulo sa akin ngunit para tumahimik si Abbigail ay sinagot ko ang tanong niya.

"Oo" Sagot ko sa kanya at napalingon silang dalawa sa akin at napa tingin sa akin. Lumingon ako sa gawi ni Abbigail at nakit kong umiiyak siya.

"Mahal ko siya Abbigail, I'm sorry kung sa tingin mo niloko kita. Kung sa tingin mo trinaydor kita pero ito talaga ang nararamdaman ko eh" Saad ko at napaluha na rin.

"Sinubukan ko Abbigail, Sinubukan kong kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya para sa'yo dahil alam ko yun yung tama. Bestfriend kita ayaw kitang saktan at ayaw kong nakikita kang malungkot" Tuloy ko.

"Ni hindi nga ako nagalit sa'yo diba? Tiniis ko lahat ng ginawa mo sa akin dahil naintindihan kita. May karapatan kang magalit sa akin pero ang mas nasasaktan ako bakit parang ang dali lang sa'yo na saktan ako? Ako itong ayaw kang masaktan pero ikaw okay lang para sayo?" Tuloy ko at tuluyan nang umiyak at hinawakan ang kumot ng higaan ko. Nilapitan ako ni Drake at niyakap pilit na tinatahan.

"Sa limang taon na naging magkaibigan tayo palagi kong pinaramdam na nandito ako para sayo at ma-aasahan mo ako pero bakit ganun? Yung tingin mo sa akin parang...wala tayong pinagsamahan" Sabi ko ulit sakanya.

"Sinunod ko lahat ng gusto mo kasi yun ang nagpapasaya sayo pero bakit parang yun yung rason kung bakit ka na palayo sa akin? At marinig lahat ng salita na yun galing sa'yo? Yun yung masakit eh" Tuloy ko.

"Nasasaktan ka? How about me? Have you ever thought that I would be hurt too? That the man I am in love with is deeply in love with my bestfriend? That she betrayed me?" Wika ni Abbigail.

"It's just that you are the person whom I really trust you know? and knowing that my bestfriend is in love with the guy I love really breaks me apart" Tuloy ni Abbigail.

"Si Hunter? Hindi ko siya balak mahalin. Maniwala ka sa akin malinis ang intention ko sa kanya. Sadyang hindi ko lang inaasahan na sa kanya ako mahuhulog. Isa siya sa mga taong....na-appreciate ako " Saad ko. Sa unang pagkakataon, dalawa kami ay luhaan.

"I Love Hunter, I really do. Yan ang lagi kong sinasabi sa'yo diba? Bestfriend?" Saad ni Abbigail.

"I have told you every secret and everything I felt about him but in a small span of time while you were falling for him and while he was courting you, It felt like everything evaporated. It felt like you neglected my feelings and our friendship" Sabi ni Abbigail at natigilan ako. Hindi ko alam...

"You cannot blame me for what I did. I got mad, I felt like my bestfriend betrayed me just like what you stated earlier because of all people...It's you" Tuloy niya.

"It's you he likes and It's you he fell in love with" Sabi niya.

"But how about Abbigail Valdez? How about me who loved Hunter? How about me your best friend for a very long time? Do she always have to be neglected? Does she deserves to be neglected?" Sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam Abby...hindi ko alam" paulit-ulit kong sabi.

"I'm sorry" Sabi ko sakanya.

"You know what? it's fine" Sabi ni Abbigail.

"If that's what makes the two of you happy, I'll step beside. I'll leave the two of you alone because clearly It's not my happy ending yet" Sabi niya.

"By the time you leave here in this hospital. Aalis na ako, you'll never see me in a very long time" Sabi niya.

"Goodbye, Best friend" Sabi niya at tuluyang umalis. Pilit ko siyang habuling ngunit pinigilan ako ni Drake at ako namna itong iyak ng iyak.

Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon