Hindi ko ine-expect na mai-inlove pala ako sa isang tao na dati ay wala namang puwang sa buhay ko.
Sa totoo nga ay hindi ko naman talaga sya nakilala sa isang simpleng paraan. Pero sapat na yung pangyayaring yun para baguhin yung buhay naming dalawa.
Isang unusual thing na hindi naman talaga nangyayari sa real life pero blessing ko na nga itong maituturing kasi ito yung dahilan bakit ko sya minahal ng ganito.
Ewan ko nga kung bakit hindi ko sya nakilala ng mas maaga. Edi sana mas matagal ko syang makakasama.
Bakit kasi kailangan lumayo ako at hindi magparamdam. Nagsisisi tuloy ako ngayon.
Sa totoo lang matagal-tagal na din nung huli ko syang binisita. Matagal na nung huling beses ko syang nakita.
Namimiss ko na sya. Namimiss ko yung feeling na makasama sya.
Namimiss kong maramdaman ulit lahat. Sana may playback button ang buhay para maranasan ko lahat ulit.
First date.
First hug.
First fight.
First make-up.
First kiss.
First aniversarry.
At yung sinasabing First Love.
Lahat First time. At ang sarap-sarap balikan ng mga bagay na nakakapagpasaya sayo.
Hindi ko alam kung kailan ko ulit mararamdaman to. Maybe not again?
Ang weird ng sinasabi ko diba? Hmmm! I can't tell you everything but if you really want to know it, I guess I have to tell you.
Siguro nga dapat may pagsabihan ako para mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.
Hindi ko na patatagalin pa, eto ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
For the First Time(under construction)
FanfictionWhat if ma-inlove ka sa isang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo? What if mahalin ka ng isang tao na hindi naman talaga marunong mag-mahal? Let's say, isang syang playboy na party-goer at walang ibang ginawa kung hindi ang manakit, magpaiyak at...