Nanaginip ako nung gabing natutulog ako. Parang may isang babaeng maganda akong nakita sa panaginip ko eh. Ang problema hindi ko sya maaninag. Nasa prang isang garden ako at tapos may isang malaking puno at dun nakasilong yung babae. Nakaupo lang sya parang may hinihintay. Hindi ko nga lang makilala kasi tumapat sakanya yung araw. Pero tandang-tanda ko na parang bistida yung suot nya tapos yung buhok nya eh mahaba na straight. Nilapitan ko sya palapit na ko ng palapit…
Hahawakan ko na yung balikat nya para lingunin nya ako.
Nagulat ako kasi…
Siya…
Siya yung…
“Sir, oras na po nung pag-inom nung gamot nyo. And andito po si doc para i-check kung ok na po yung ilang sugat nyo.”
Hindi na nga natuloy yung mga pangyayari sa panaginip ko kasi ginising ako nung nurse.
Umaga na rin pala. 7 am na. Iniisip ko yung panaginip ko pilit kong inaalala yung mukha nung babae kahit hindi malinaw. Gusto kong malaman bakit ganun yung panaginip ko.
*Ringggg…
“Hello! Sino to?”
“Jam gising ka na? Ate May mo to.”
“Oo. Bakit?”
“Ngayon na kita dadalhan nung pagkain mo ah. Hindi kasi ako makakapunta mamaya dyan may kailangan akong ayusin na school works. May papabilin ka ba?”
“Ah sige! Wala ok na ko.”
“K. Bye!”
Si ate nanaman yung tumawag. Ayon! Jam tawag nila sakin. Pinagsamang John William. Jam. Hanep diba!
Inaantay ko si ate. Pero eto nanaman para bang may humahatak sa akin na pumunta sa kwartong yun.
Dali-dali akong pumunta sa kwarto na yun. Nakita ko nanaman ung babae o mas maganda kung tatawagin ko syang Raleighn.
Pangalawang araw ko ng binibisita sya. Nandun pa din yung mga prutas na binigay ko kahapon, ibig sabihin walang kumuha nun, walang pumunta.
Binuksan ko ulit yung bintana para masikatan sya ng araw, o kung hinid man yun yung dahilan eh para makita ko yung magandang view sa bintana nya. Hinawakan ko nanaman yung malalamig nyang mga kamay at tinitigan ko sya.
“Para ka pa lang anghel. Sayang tulog ka. Pero kahit ganun ang ganda mo pa din. Gumising ka na oh! Gusto kitang makausap eh. Sa totoo lang nahihiwagaan ako sayo. Ay! Oo nga pala walang bumisita sayo kahapon, asan ba sila. Naawa tuloy ako sayo para bang kinalimutan ka nila. Hayaan mo andito ako para bantayan ka. Hahawakan ko tong mga kamay mo hanggang sa mapalitan ng init yung lamig diyan. Ang lambot nung mga kamay mo. Alam mo natatawa ako, naalala ko yung palabas na Devil Beside Me. Haha! Para ka kasing isang anghel tapos binabantayan ka ng katulad ko. O, sige! Aalis muna ako ah. Babalik na lang ulit ako. Magpagaling ka para makausap na kita. Gusto kong marinig yung mala-anghel mong boses.”
Ayun nga umalis na ako. Sayang at hindi nya naririnig yung mga sinasabi ko.
Isang beses lang ako pumunta dun sa kwarto nya ngayong araw.
Maya-maya dumating na si ate. Ganun pa din yung mga nangyari kwentuhan sandal at binilin nya ako sa nurse tapos sinabi na magpagaling.
Tapos natulog nanaman ako pero idlip lang.
Nung nagising na ako nag check ako ng mga accounts ko sa Social Networking Sites.
Dinala kasi ni ate yung laptop nya. Hiniram ko muna.
Maraming Friend Request tapos message.
Yung mga kabarkada ko tinatanong ako kung ano yung nangyari sakin.
Pagkatapos ko nasagot at naaccept yung mga yun, bigla ko na lang gustong malaman kung may account ba yung babae sa ospital. So sinearch ko yung pangalan nya ‘Raleighn Nicole Lopez’ yung full name nya. Nakuha ko lang yung info sa mga nurse eh. Madaming lumabas pero nakita pa rin nung mata ko yung nag-iisang Raleighn na gusto kong makita. Nakaprivate pala yung profile nya. Sayang naman. Tapos nag-logout na ako. Wala na kasing magawa.
Sa sobrang bored sa ospital eh tulog lang at kain yung nagagawa ko. Wala akong makausap kasi yung cp na gamit ko extra lang yun na cp ni dad. Pinagamit sakin ni ate since nasira phone ko at hindi naman na nagagamit ni dad yun. Inshort si ate lang tumatawag sa akin.
Nakatulog nanaman na ako kasi gabi na rin nun. At naulit lang ulit yung panaginip ko nung nakaraang gabi. Yun pa din yung scene ang kinaibahan lang para bang narinig ko yung babae na nag-thank you sya sakin. Para bang kahit konti ay pinansin at kinausap nya ako. At sa hulit ganun pa din. Tuwing malapit ko na syang makita o makilala bigla na lang napuputol yung panaginip ko.
A/N: Chapter 2 na po. XD gusto nyo ng Chapter 3? hehe! :) 10 Votes naman po at 10 comments! Please!! :)) hehe! baliw na yung Author. :) Hmmm! Friendly po ako add nyo ko sa Facebook. :D Sige na please? basahin nyo po! :) Parang awa nyo na. :D
BINABASA MO ANG
For the First Time(under construction)
FanficWhat if ma-inlove ka sa isang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo? What if mahalin ka ng isang tao na hindi naman talaga marunong mag-mahal? Let's say, isang syang playboy na party-goer at walang ibang ginawa kung hindi ang manakit, magpaiyak at...