Panglimang araw ko na sa ospital. Pangatlong araw ko na rin binibisita yung babaeng hindi ko naman kamag-anak o kaano-ano basta alam ko lang binibisita ko sya.
Ngayong araw medyo nakakapanibago. Pero ewan ko ba pagkagising ko para bang kinabahan ako at tumalon yung puso ko sa isang dahilan hindi ko naman alam yung dahilan.
Dumating yung doctor ko ngayong umaga para sabihin na malapit na akong lumabas. Siguro mga 2 or 3 na araw na lang daw. Anong malapit dun?
As usual kumain na agad ako ng breakfast, Tapos pumunta sa kwarto nya. Eto yung pangatlong araw na pagpunta ko.
Binuksan ko ulit yung bintana saka lumapit sakanya at kausapin sya.
Hinawakan ko yung malalamig nyang kamay. Ewan ko nga kung bakit ginagawa ko yun. Pero parang gusto kong maging mainit yung malalamig nyang kamay.
“U-Uhm! Raleighn. Gumising ka naman na. Alam kong hindi ka pa din nagigising. Pero wala lang gusto lang kitang kausapin. 3 days na kitang dinadalaw. Sa totoo lang hindi kita ganun kakilala pero para bang talagang gusto kong malaman kung sino ka. Mukha ka talagang anghel no? Pero wag ka muna pupunta ng langit bantayan mo muna ako dito sa lupa. Haha! Nako naman! O sige medyo madami na kong nasasabi. Buhbye pagaling ka ah.”
Pagkatapos kong magsalita eh, tinitigan ko sya ng halos sampung segundo. Para nga tumtigil yung puso ko kapag nakikita ko sya. First time nangyari sakin to eh.
Hawak ko pa din yung kamay nya. Naging mainit na yung kamay nya.
Aalis na ko kaya bibitawan ko na sana yung kamay nya.
Pero…
Habang binibitiwan ko…
Ng dahan-dahan…
Bigla na lang…
Gumalaw yung…
Mga daliri nya…
Para bang sinasabing wag muna akong umalis o di kaya wag kong bitawan yung kamay nya.
Pero alam kong good sign yung paggalaw ng daliri nung taong nacomatose. Kasi diba parang malapit na silang magising oh di kaya eh nakakarecover sila.
So hindi ko nga sya iniwan… Nagtagal pa ako ng halos 15 minutes dun. Tinititigan ko lang sya at nag-ho-hope na bigla na lang sya magising.
Habang tinitignan ko sya. Para bang nagsasalita mag-isa yung isip ko.
“Lord ewan ko po ba, pero bigla na lang ikaw yung naisip kong lapitan. Matagal na rin nung huli kitang kinausap eh. Kasi tingin ko iniwan mo ako nung nasira yung pamilya ko. Pero Lord gusto kong mag-sorry kung kinalimutan kita sana patawarin mo po ako. Sa totoo lang may gusto po sana akong hilingin. Himala siguro yung gusto kong mangyari. Miracle nga po yung gusto kong hingin sa inyo. Lord pagbigyan mo naman po ako oh. Pwede po ba wag nyo muna syang kunin at kung pwede po sana magising na sya, hindi ko alam kung bakit po pinagdarasal ko yung fast recovery nya hindi naman kami mag-kaano ano. Pero Lord first time ko talagang maging ganito sana pagbigyan nyo po ako. Salamat po!”
First time ko ulit magdasal dahil sa isang taong hindi ko naman kilala. Matagal na rin nung nagdasal ako. Siguro 5 or 4 years na rin yung last time.
Ang nakakatawa pa eh lumapit ako kay Lord kasi may hihingin ako. Hay! Pero sincere akong manghingi ng kapatawaran.
Nanghihingi rin ako ng Himala mula sa langit.
Miracle…
Alam kong ibibigay nya yun…
Sabi nga Faith lang daw ang kailangan…
At sa unang pagkakataon ulit ay magtitiwala ako sakanya…
Biglang gumalaw yung kamay nya mismo. Naramdaman ko yun dahil hawak ko yung kamay nya. Maya-maya pa eh dahan-dahan kong nakikitang para bang bumubukas yung mga mata nya.
At…
“uhm.”
Tumingin sya sakin…
Napatulala ako.
Binigay agad ni Lord yung hiniling ko.
Yung Miracle!
Salamat po Lord! The best ka talaga.
Medyo natulala ako sa pangyayari pero, nung nakarecover ako sa pag-kafreeze for about 5 seconds. Naalala kong tumawag ng doctor. Pinidot ko agad ung parang phone. May dumating naman agad na doctor. Tapos chineck sya. Sabi nung doctor. Good sign daw yun na nagising sya. Kinausap sya ng doctor. Nung una hindi sya makapagsalita pa pero maya-maya ok na sya.
Sinabi nya sa doctor na tawagin daw agad yung parents nya.
Natutulala lang ako sakanya nun. Pinapanuod ko lang sya. Di ko nga namalayan na umalis na yung doctor.
“ahm! Excuse me.” Mahina at mahinhin lang yung pagkasabi nya. Medyo dumbfounded ako nung mga panahon na to eh.
“uhm! B-bakit?”
“Sino ka? Pasensya ka na ah. Kilala ba kita kamag-anak ba kita? Hindi kasi kita masyadong mamukhaan pero parang nakita na kita hindi ko lang alam kung saan.”
“ah! Pasensya ka na. I’m John. Ah! Sa totoo pasyente din ako dito sa hospital. Pero nakita kita so I decided just to stay for awhile. Sakto nagising ka sa pagka-comma mo. Hindi pa tayo nagkikita kahit kailan.”
“Ah! I see. Uh kilala mo ba yung nagbabantay sakin. Para kasing may nararamdaman akong tao na humawak sa kamay ko kaya nga nagising ako sa pagka-comma ko. Parang ginising ako nung taong yun sa mahabang pagkatulog ko. Parang sya yung prince charming ko. Alam kong korni pakinggan. Pasensya na. Pero kilala mo ba sya o may nakita ka bang tao dito kanina.” Ako ba yung hinahanap nya at sinasabing prince charming nya? Kung ganon gusto ko na sya ang maging prinsesa ng buhay ko. Aww! Kumokorni na rin ako.
“A-ah w-wala eh, hindi ko sya kilala eh. Sige mauna na ako sa room ko ah magpapahinga na ako doon.”
“Sige. Salamat pagaling ka.”
*smile
[A/N] Dear readers. haha! Eto nanaman si Author. Please bumoto po kayo at comment. (Puppy eyes) Sige na po!
BINABASA MO ANG
For the First Time(under construction)
FanficWhat if ma-inlove ka sa isang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo? What if mahalin ka ng isang tao na hindi naman talaga marunong mag-mahal? Let's say, isang syang playboy na party-goer at walang ibang ginawa kung hindi ang manakit, magpaiyak at...